chapter 36

5 0 0
                                    

Lianne's pov

"Cookie ok na ba ito? Tignan mo?" Napatingin ako kay Joel ng may ipinakita sya sakin.

"Ayos na yan" sagot ko sa kanya.

nandito kami sa isang bench malapit sa building namin. may vacant kasi kami ngayon kaya tumambay ako sakto naman nakita ako ni Joel kaya magkasama kami ngayon. Ilang araw na palagi si Joel ang kasama ko. Ayos lang naman sakin yun kaso hindi ko maiwasang mamiss si Kurt. Yung kasungitan at kahit yung pagpitik nya ng noo ko.

"Oi..ano na..hindi ka naman nakikinig eh" napatingin ulit ako kay Joel ng magsalita ito.

"Ha? May sinasabi ka ba?" Napakamot sya ng ulo sa sagot ko.

"Ang dami kaya..hindi ka naman pala nakikinig"

"Sorry..may naalala lang ako.." tumango lang sya at hindi na nagtanong. Inulit nya yung sinasabi nya kanina kaya nakinig na ako.

Matapos naming mag ubos ng oras ni Joel. Bumalik na kami sa klase namin. Mula nung nag usap kami ni Kurt sa tapat ng bahay hindi pa ulit kami nag kakausap. Hindi ko kasi alam kung bakit hindi kami nagkikita..siguro dahil tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan o si Kurt na mismo ang umiiwas na magkita kami.
.
.
.
.
.
Matapos ang klase ko nagdiretso ako sa canteen para kumain. Break time eh. Hindi ko nakita si Joel . May klase pa siguro yun. Habang kumakain ako, bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagulat ako syempre hindi kasi dahil sa kaba ang pagbilis nito. Agad kong iginala ang mata ko canteen, at nakita ko si Kurt na naghahanap ng table. Agad akong nag iwas ng tingin dahil baka makita nya ako. Huminga ako ng malalim bago itinuloy ang pagkain ko.

Iba talaga ang ipekto nya sa akin. Kaylangan mawala na ang ganitong epekto dahil masama ito. Napatigil ako pagkain ng may nakita ako nakatayo sa gilid ko.

"Pashare ng table..wala ng ibang available eh" nung marinig ko yun .agad akong napatingin sa kanya. Maangas ang pagkakasabi nya katulad ng dati nung hindi pa kami close.

"Sige" yun lang ang nasabi ko. Umupo na sya ng table at nagsimulang kumain .hindi na nya ulit ako tinignan kaya kumain nalang din ako.

So, balik kami sa dati ganun? Maganda siguro yun para mawala na itong nararamdaman ko. Tahimik lang kaming kumain na dalawa, ang awkward promise. Bakit kaya hindi nya kasabay si Irish? Gusto ko sana syang tanungin pero pinigil ko ang sarili ko.

Matapos kong kumain na parang hindi naman ako nabusog, pumunta na ako sa tambayan nila insan. Nandoon daw kasi si Joel. Nadatnan ko sya na kumakain.

"San galing yan?" Ang dami nya kasing cookies isang box.

"Nakita ko lang sa locker ko..masarap tikman mo" inabutan nya ako ng isa ,at kinain ko naman yun. Masarap nga..

"Hindi mo alam kung sino nagbigay? Pero kinain mo?" Napatingin sakin si Joel at tumaas ang kilay..

"Akala ko ikaw nagbigay..hindi ba? Wag kana mahiya" ako naman ngayon ang tumaas ang kilay sa sinabi ni Joel.

"Di ba cookie tawagan natin? Ikaw agad naalala ko ng makita ko yan sa locker ko,..kaya akal ko ikaw nagbigay.." natawa nalang ako sa paliwanag nya.

"Favorite ko ang cookies..kaya siguradong pag natuto akong magbake ng cookies..hindi ako mamimigay" napasimangot naman sya sa sinabi ko. Pero tinawanan ko lang sya. Muka kasing home made yung cookies eh. posible kayang may secret admirer si Joel..wow naman!

"Kahit sa kapwa mo cookie..hindi mo bibigyan? Ouch!" Drama ni Joel,kaya ako tawa lang ng tawa sa kanya. Kumain nalang pati ako ng cookies. Masarap eh.

Mayamaya nagdatingan sina insan dito sa tambayan at pinagkaguluhan ang cookies ni Joel. Buti nalang pala at nauna akong makakain kasi nakadami ako haha. Agad namang nawala ang ngiti ko ng makitang paparating si Kurt at Irish.

"Anong meron at nagkukulitan kayo?" Tanong ni Irish ng makarating sila.

"Kasi ang bestfriend mo..may manliligaw! Haha" asar ni insan kay Joel.

"Wow best! Gwapo ah"

"Hanep Joel..poging pogi ah ..ikaw pa nililigawan" pang aasar din ni Pauline. Bagay talaga sila ni Insan.

"Oi hindi ah..binigyan lang ng cookies nililigawan na? OA nyo.." sagot naman ni Joel. Nagtawanan na naman sila insan.

Napatingin ako kay Kurt na tahimik lang na nakikinig sa asaran nila. Hindi sya nakikitawa, ano kayang problema? Gusto ko syang kausapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pwede para sakin naman ito.

"Sabihin mo dagdagan nya yun cookies mejo bitin eh" sabi ni insan matapos maubos yung cookies. Pasaway talaga si insan.

"Mahiya ka nga babe.." natawa kami kasi nakatanggap ng siko si insan mula kay Pauline.

Matapos ang kulitan unti unting nagbalikan sa klase sina insan. Kami nalang nina Joel at Kurt ang naiwan, kaya naman tumayo na ako.

"Alis na ako ...may klase na ako" sabi ko kay Joel at ngumiti naman sya. Tumingin ako kay Kurt pero diretso lang ang tingin nya sa malayo.

Nagsimula na akong maglakad papunta ng building . Bawat hakbang ko parang ang bigat, gusto ko syang kausapin pero ayoko..ang gulo..pero sa huli hindi ko sya kinausap. Hindi ko din naman kasi alam kung ano ang sasabihin. Mas mabuti pang hindi kami nagkikita eh kasi natitiis ko naman pero yung ganito..parang ang hirap. Hay!

Bakit naman kasi nagkagusto pa ako sa kanya? Mayabang kaya yun,masungit, maarte at hindi gentleman, pero bakit nangyare pa din ang ganito sakin? Tutor lang naman ang hanap ko, statistics ang pinapaturo ko sa kanya at hindi ang kung paano ang magkagusto sa kanya!

"Hoy!" Nagulat ako ng may tumawag sa akin, napalingon tuloy ako sa likod ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ng makitang si Kurt yun. Lumingon pa ako sa likod ko para makita kong ako talaga ang tinawag nya,wala naman ibang tao so ako nga? Bakit kaya?

"Bakit?"

"San ka pupunta?" Nataas ang dalawang kilay ko dahil sa tanong nya.

"Sa klase ko" umirap sya tsaka mejo lumapit sakin. Shete! Nakakamiss din pala ang pag irap nya.

"Hindi dyan ang building nyo" simpleng sagot nya. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya..

"Anong hindi? Eh dito kaya..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mapalingon kasi ako sa building nakita ko na nakalagay na engineering building ang nakalagay.. napatingin ako kay Kurt na nakataas ang kilay.

"Hehe namamasyal kasi muna ako..maaga pa kasi" palusot ko..bakit naman kasi lumampas ako..sa kakaisip ko siguro kanina hindi ko namalayan na lumampas na pala ako. Nakakahiya si Kurt pa nakakita.

"Sige..alis na ako" tumungo ako at naglakad na. Hindi naman na kasi sya sumagot eh.

Great! Kinausap nya nga ako, palpak naman kasi nakakahiya yung nangyare. Sana naman lumusot ako noh?

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon