chapter 8

31 0 0
                                    

Lianne's pov

Nakapangalumbaba lang ako dito sa tambayan nina insan, wala akong kasama loner ang peg ko ngayon. Webes na ngayon at ngayon ang championship ng basketball ,at ang maglalaban ? Eh di kaming business Ad. and engineering. Ang galing namin noh? Haha

Ang alam ko nagprapractice sila ngayon kaya naman wala ko kasama, si Lawrence naman hindi ko alam kung nasan pati si Irish. Si Pauline naman may laban sila mayamaya ng cheering.

Hm makapunta na kaya doon? Baka nandoon na sila.

"Anong muka yan?" Nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko. Sino pa ba ang hindi marunong bumati man lang ? Eh di Si Kurt.

"Pacute?" Sagot ko naman, umiling lang sya at tsaka umupo. Ang pogi nya sa jersey nya. Dark blue iyon at number 1 ang nakalagay.

"Anong ginagawa mo dito?" Tumaas naman ang kilay nya tsaka sumagot sa tanong ko.

"Bakit masama na bang pumunta sa tambayan namin?" Napairap nalang ako sa sagot nya.

"I mean, bakit ka nandito? Di ba may practice kayo? Tsaka asan sina insan? Hindi mo ba sila nakita?" Bumuntong hininga sya tska humarap sakin.

"Ang dami mo namang tanong. Tapos na practice namin at hindi ko nakita sina Lester" napatango nalang ako.

"Nga pala, may fireworks display bukas di ba? gusto kong yayain si Irish" napatango naman ako sa sinabi nya.

"Magandang idea yan. Dapat ayain mo na sya mamaya ,mahirap na baka maunahan kana naman. "

"Paano ba?" Hm? Ah alam ko na.

"Ioopen up ko yung topic na yun mamaya, tapos yayain mo na sya.ok?" Tumango naman sya .

Sabay kaming pumunta sa gym ni Kurt at umupo ulit kami sa tabi ni Irish. Syempre may plano kami eh kaya dapat maisagawa ng maayos. Si Kurt ang nasa gitna namin ni Irish kaya naman tinanong ko sa kanya kung ready na ba sya? Tumango naman sya, hindi pa naman nagstart ang cheering kaya naman inumpisahan ko na.

"Ah Irish, anong event meron bukas?" Tumingin naman sya sa akin kaya mejo sumandal si Kurt.

"Hapon ang pasok bukas , program at awarding tapos sa gabi is fireworks display" nakangiting sabi nya. Napangiti naman ako.

"Talaga? Fireworks display? Wow! Manunuod ka ba?"

"Hindi ko sigurado eh, baka kasi may ipagawa si pres samin " napatingin ako kay Kurt na nakatingin din sakin at parang sinasabi nyang "paano na yan".

"Eh? Bakit? Sayang naman maganda yun. Si Kurt na ang bahala sa pres na yun" tinignan ko si Kurt at sinenyasan na time na nya para yayain.

"manuod kana,itatakas kita sa Student Council" yun oh! Napatingin naman si Irish sa kanya at ngumiti.

"Paano mo naman gaggawin yun?"

"Diskarte ko na yun" sabay kindat ni Kurt, ang pogi ha. Napansin ko namang namula si Irish. Whoah! May epekto pala si Kurt kay Irish eh. That's a good sign.

Natapos ang cheering competitions at nanalo ang engineering, hanep yung mga stunts nila. At sila Pauline naman 1st runner up ang nakuha. Ang galing nya at ang sexy pa, proud boyfriend naman si Insan.

Next is basketball kaya umalis na si Kurt sa tabi namin at pumunta sa court. Kaya naman nagtabi na kami ni Irish then nung nagstart na yung game dumating na din si Lawrence at tumabi sya sakin.

"Bakit ngayon ka lang? Napanuod mo ba yung cheering competition?" Ngumiti sya sakin bago magsalita. Si Irish naman tahimik lang.

"Yeah, doon ako nanunuod" sabay turo nya sa kabilang side ng gym. Napatango naman ako sa kanya at ngumiti.

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon