chapter 23

6 0 0
                                    

Lianne's pov

Ngayong araw napagkasunduan na mamasyal kami ng samasama. Bukas nalang daw kami mag kanya kanya. Kaya naman nagpunta kami sa Park at sa Leissure Farm. Ang ganda doon at tumawid kami ng hanging bridge. Nakakatakot nga eh pero masaya pag nakatawid kana sa kabila.

Tapos kumain kami sa isang restaurant na tanaw ang bulkan. Ang sarap lang sa pakiramdam.

"Cookie picture tayo" aya sakin ni Joel kaya pumunta kami sa Valcony nitong resto. At doon nagpicture. Ginawa naming backround ang taal volcano. Mayamaya lang nag sunuran na sina insan samin at ang picture picture kami.

Matapos kumain nag horse back riding kami. Nung nagsakayan na sila hindi ako sumunod. Nakakahiya kasi hindi pa ako nakasakay sa ganyan mamaya mahulog ako. Takot ako actually.

"Oh insan..ano pang ginagawa mo dyan?" Agad napatingin sakin sina Irish Kurt at Joel.

"Eh kasi natatakot ako.,kayo nalang dito nalang ako"

"First time mo ba? Gusto mo dito ka nalang sakin" alok ni Joel. Si Insan kasi magkasama sila ni Pauline sa isang kabayo pati sina Lawrence at Venus.

"Pwede ba? Marunong ka ba? Mamaya parehas tayong mahulog eh " natawa si Joel sa sinabi ko.

"Trust me..hindi ka mahuhulog" tumingin ako sa kay insan ng sinabi yun ni Joel .tumango naman sya kaya sumakay na ako.

Inalalayan ako ng staff na makaakyat sa harap ni Joel. Grabe ang kaba ko ng makaupo ako sa kabayo. Naramdaman ko naman ang braso ni Joel sa braso ko.

"Relax lang ok?"

"Ewan..,mukang hindi ko magagawa yun" he chuckled sa sagot ko. Agad naman akong kinilabutan. Hello! Ang lapit kaya nya sakin.

"Ano Joel..karera tayo?" Narinig kong tanong ni Kurt kay Joel ng magsimula ng lumakad yung kabayo.

"Hoy anong karera?..magtigil ka Kurt..ayoko pa mamatay"

"Tss! OA mo naman" aba't sira ulo talaga.

"Sorry dude wag na muna siguro" sagot ni Joel . Benelatan ko naman si Kurt sa naging sagot ni Joel. Inirapan nya ako tsaka nauna na.

Nang magswa kami ay nag zipline naman kami. grabe nga ang bphaba kasi tapos iba iba ang position na nandoon. Ang ganda pa ng view kaya naman sobrang excited ako.

Nauna sina Insan at Pauline, nakadapa sila at magkahawak ng kamay. Ako naman ay taga video nila . Nang makarating sila sa dulo ay si Lawrence naman at si Venus ang sumunod.

"Cookie kaway ka" sabi ko at tinapat sa kanya ang camera, sumunod naman sya tapos ay tinapatan ko din si Irish na nakangiti. Tapos si Kurt na nakasimangot.

"Ang panget mo Kurt" sabi ko sabay tawa, napatingin sya dakin tapos ay umirap. Kinuha nya sakin ang camera.

"Ok yan Kurt, ano na susunod eh ivideo mo ko ha" nakangiting sabi ko habang nakatapat sakin yung camera.

"Sabay tayo, Joel pahawak" sabi ni Kurt tapos ay ibinigay ang camera kay Joel . Aangal na sana ako kaso ay hinatak na nya ako kami na pala susunod.

Nang maiayos na kami ay huminga ako ng malalim. Whooh! Eto na!

"Wooohoooh!" Sigaw ko hanang nakaspread ang dalawang kamay, narinig ko naman ang tawa ni Kurt sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Ikaw din Kurt, Dali!" Natatawang sabi ko. Umiling naman sya.

"No way!" Natatawang sabi nya. Ang kj talaga.

Nang maggabi tsaka kami umuwi ng bahay. Kaming mga babae ang namahala sa pagluluto mga lalaki naman ay naggawa ng bonfire sa may garden.

Matapos naming magluto dinala namin iyon sa labas. Kanya kanya namang kuha at kain ang mga lalaki. Grabe sila mga halimaw .

Si Lawrence na ang nagsindi nung bonfire kasi naman kinalimutan na nila.

"Grabe mga babae ba talaga kayo? Bakit ganito ang luto nyo?" Sabi ni insan matapos nyang lumamon.

"Oo nga...daig pa ata namin kayo eh" gatong naman ni Joel.

"Wow ha! Samantalang kayo nga halos ang umbos ng pagkain eh...nahiya naman kami sa inyo!" Reklamo ni Pauline.

"Kunwari pa kayo..sasabihin lang na thank you sa masarap na hapunan hindi pa masabi" sabi ko pa.

"Hoy insan manahimik ka nga..hindi ka naman kasali sa nagluto eh" aba't loko tong pinsan ko ah.

"Anong hindi..eh ako nga halos nagluto..di ba mga assistant?" Tanong sa tatlong babaeng nananahimik. Natawa sila tsaka nagtanguan.

"Wow babe..makareklamo kanina..assistant kalang naman pala" nagtawanan ang mga lalaki dahil sa sinabi ni insan.

"Malaking tulong din kaya yun..di ba girls?" Tumango tango naman sila. Malaki daw eh halos inulit ko nga ang mga ginayat nila eh. Siguro sa pag aabot ng mga ingredients yung sinasabi ni Pauline.

Matapos ang bangayan .napunta naman sa tawanan at kantahan. syempre may kasamang alak. Ako Juice lang mabait ako eh haha.

"Oi nag usap na ba kayo ni Irish?" Tanong ko kay Kurt nang maabutan ko syang kumukuha ng barbeque. Ako naman kumuha ng marsmallow iiihaw ko sa apoy hehe.

"Hindi panga eh"

"Bakit? Wag mong sabihin na titigil kana?"

"Hindi noh..nagpapalamig lang ako" tumingin sya kina Irish habang sinasabi nya yun.

"Kausapin mo na ngayon..alam mo bang tinatanong nya sakin kung galit ka daw ba sa kanya? " napatingin sya sakin ng sinabi nya yun. Kaylangan ko sigurong gawin ito.

"Talaga?"

"Oo.. nahihiya siguro sya kaya hindi ka rin nya makausap..pero dahil ikaw ang lalaki...ikaw na gumawa ng first move..."ngumiti ako sa kanya. Pero tinignan nya lang ako tapos binalik ang tingin kay Irish.

"Ok sige" sagot nya.

"Kaya mo yan" sabi ko sabay tapik sa balikat nya. Tsaka ako bumalik kina insan.

Mayamaya lang tumayo si Irish at sinabing magccr lang daw. Tumingin si Kurt sakin at sinenyasan ko sya sa sundan si Irish na ginawa naman nya.

"Huy! Ano na naman iniisip mo?" Napatingin ako kay Joel ng magsalita sya.

"Huh?"

"Tignan mo kaya yung iniihaw mo" ng sinabi nya yun agad akong lumingon sa iniihaw ko. Ayun paubos na kanina pa pala yun nasaapoy.

"Naman oh! " reklamo ko natawa nalang si Joel.pero kinuha nya sakin yung stick.

"Ako na nga" tinusok nya yung marsmallow tsaka itinapat sa apoy.

Pag naluto na isinusubo nya sakin yung isa tapos sakanya yung isa. Dalawa kasi sa isang stick eh. Ganun lang ang ginawa namin ni Joel hanggang sa maubos namin yung isang pack.

Dahil hindi na kami makarelate ni Joel sa pinag uusapan ng dalawang couples naglaro nalang kami. Pitik bulag ang nilaro namin.

"Ang daya mo naman eh" reklamo ko kay Joel. Paano tadtad na ako ng pitik sa kamay dahil lagi akong talo.

"Anong madaya doon?" Natatawang sabi nya.

"Ewan .,ah basta madaya ka" humalakhak na sya dahil sa sagot ko.

"Pfft! Natatalo ka lang eh" sagot naman nya. Nakita kong bumalik na sina Irish at Kurt, nag uusap panga sila eh. Ok na siguro sila.

"Oi ano na?" Nabalik ang tingin ko kay Joel ng magsalita sya.

"Humanda ka sakin" may pananakot sa sabi ko..pero ang loko tinawanan lang ako

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon