Kurt's pov
Ilang minuto ng nakaalis si Lianne still nakahiga pa din ako dito sa damo, nakahawak lang ako sa labi ko at pinapakiramdaman ang puso ko na ang lakas ng tibok.
Nagkahalikan kaming dalawa aksidente din naman yun katulad ng nangyare samin ni Irish pero bakit magkaiba ang naramdaman ko. Kasi siguro, si Irish talagang gusto ko eh si Lianne? Ewan..hindi ko alam.
Matapos kong magmunimuni...napag desisyunan ko na pumunta sa tambayan baka nandoon si Lianne. Ewan ko ba kung bakit gusto ko sya makita pagkatapos ng nangyare ...haist! Kaso wala naman sya ng dumating ako pero umupo na din ako baka sakali na dumating din sya.
"Hi Kurt" bati ni Irish sakin kakadating nya lang din.
"Hi..naglunch kana?" Tumango naman sya. Tinanong nya din ako umoo nalang ako kahit na ang totoo hindi pa naman.
Mayamaya lang nakita ko na si Lianne kasama si Joel . Nag iwas sya ng tingin ng makita nya ako. Nang umupo sya sa tapat ko tinitigan ko lang sya ...ah yung labi lang pala nya..naghahanap ako ng sagot eh..kasi naman bakit ganun yung pakiramdam ko?..para akong nabitin, pakiramdam ko hahanap hanapin ko yun buong magdamag kung hindi ko sya mahahalikan ulit. Ugh! Ang labo! Bakit ganito ang nararamdaman ko? Manyak na ba ako?
Wala naman kakaiba sa labi nya ah. Aside sa maganda ang lugis nya, manipis at mamulamula. I wonder anong gamit nyang lipstick.ah! Baka gawa sa lipstick? Ugh! Nakakaloko naman ito. Tumingin nalang ako kay Irish pinagmasdam ko din ang labi nya. Maganda din ang hugis mas manipis nga lang yung kanya kesa kay Lianne, mas mapula din ang kanya gawa ng lipstick. Aish! Ano ba naman itong ginagawa ko! Baka naman nababakla na ako? No way! Sayang ang lahi.
"Insan , ano kamusta? Pasa kaba ulit?" Narinig kong tanong ni Lester kay Lianne.
"Oo naman insan...see? Pasado na ako for sure at hindi matatanggal ang scholarship ko" nakangiting sabi nya napatingin tuloy ulit ako sa labi nya.
"That's good..this cause for a celebration, right guys?" Agad naman silang nag agree.
"Sure! Kitakita nalang sa Pub after class" sagot ni Joel .
After that nagpaalam na sila dahil may klase pa sila Lester, Lawrence at Irish. Kaming lima ang mauuna sa pub dahil tapos na naman ang klase namin.
"Antayin mo ba ako?" Tanong ni Irish sakin.
"Hm babalikan nalang kita..after ng class mo" tumango lang sya at ngumiti.
Napatingin ako kina jOel at Lianne na naglalakad na. Nagpaalam na ako kay Irish tsaka sumunod sa dalawa. Nagulat pa si Lianne ng makita akong nasa gilid na nya.
"Hindi mo hihintayin si best Irish?" Tanong ni Joel sakin.
"Babalikan ko nalang sya mamaya " tumango lang sya, bakit ba ang tahimik ng babaeng ito? Galit ba sya? Aksidente naman yung nangyare ah.
"Hey"
"Bakit?" Tanong nya ng hindi tumitingin sakin.
"Galit ka ba?"
"Ha? Hindi noh.." fine! Sabi nya hindi eh.
.
.
.
.
.
Nang makarating kami sa Pub na ang magkasabay ay sina Lianne at Joel, ako naman,si Pauline at si Venus ang kasabay. Dahil tanghali pa naman . Nagmovie marathon muna kami habang inaantay yung tatlo.
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa