chapter 48

1 1 0
                                    

Lianne's pov

Kumakain ako ngayon ng breakfast, kasabay si insan. Sabay ang pasok namin ngayon, exam week kaya busy kaming lahat . Ready na nga ako eh nakapagreview kasi ako ng ayos.

"Goodmorning"

napatingin kami ni insan sa nagsalita it was Kurt, ngiting ngiti ah. Bakit nandito ito, ang aga aga nangbubulabog.

"Anong nakain mo at nandito ka?" Tanong ni insan kay Kurt. Tumingin sya sakin tsaka ngumiti.

"Sinusundo ko si Lianne, sabay na kami papasok" sabi nya, napatingin pati ako kay insan. Nakataas ang kilay nya nginitian ko nalang.

"Kumain kana ba? Sabay kana samin"

"Tapos na..antayin nalang kita sa sala" tumango ako tapos nagpaalam si Kurt kay insan na sa sala sya.

Matapos kong kumain nagpaalam na ako kay insan na aalis na kami ni Kurt. Sa byahe tahimik lang kami pero hindi naman awkward masaya naman ako kahit ganito.

"Nasabi ko na kay Irish na gusto ko sya makausap, pumayag naman sya so, mamaya after ng exam kakausapin natin sya." Sabi ni Kurt habang nakatingin sa daan, nagdridrive kasi.

"OkAy" sagot ko, ang totoo kinakabahn ako sa sasabihin ni Irish. Baka magalit na naman sya hindi lang sakin baka pati na kay Kurt. Nagulat ako ng hawakan ni kUrt ang kamay ko.

"Don't worry, hindi ko hahayaan na sampalin ka nya ulit" seryosong sabi nya sakin, nakatingin pa sa mga mata ko. Nandito na pala kami sa campus. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango kaya napangiti din sya.

Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya lumabas na ako. Sabay kaming maglakad ngayon papasok ng campus, pero hindi holding hands sila pa din kasi ni Irish, baka makita ng iba mapagtsismisan pa kami.

Habang naglalakad kami papauntang room ko, ihahatid kasi ako ni Kurt, nakasalubong namin si Joel. Nakatingin sya kay Kurt pero agad din syang tumingin sakin.

"Goodmorning Li. ..Goodluck sa exam" ngumiti ako sa kanya.

"Hmm..ikaw din Joel." Bumaling naman sya kay Kurt.

"pwede tayo mag usap saglit?" Napalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Bakit gustong makausap ni Joel si Kurt.

"Sure.." bumaling naman sakin si Kurt.

"Pasok kana.galingan mo..kita nalang tayo mamaya" tumango ako tsaka pumasok na sa room.

Ano kaya pag uusapan nila? Galit kaya si Joel dahil sa ginawa ni Kurt kay Irish? Hay...eto na naman ako isip ng isip. Tatanungin ko nalang mamaya si Kurt. Sa ngayon kaylangan kong galingan s exam.
.
.
.
.
.
.
.

Nandito na ako ngayon sa tamabayn ni Kurt, dito ako dumiretso matapos ang exams ko. Tinext ko sya at sabi nya may isa pa syang exam, kaya wala pa sya hanggang ngayon.

Sumandal ako sa puno, hindi ko akalain na ganito na kami ni Kurt ngayon nagmamahalan. Parang kaylan lang deadma ako lagi sa kanya, sinusungitan nya ako at hindi pinapansin laging nakay Irish ang atensyon nya.Hanggang sa maging tutor ko sya at naging tulay naman nya ako. Tapos ngayon eto na kami , hindi pa din ako makapaniwala.

Napapikit ako ng lumakas ang hangin. Ang sarap naman nakakaantok. Nagulat ako ng may humalik sakin, pagmulat ko si Kurt pala.

"Aish! Bakit ka bigla biglang nanghahalik?" Umupo sya sa tabi ko ng nakangisi.

"Napagod ako pag eexam eh kaya kaylangan ng pampalakas" napairap nalang ako, mga style ni Kurt bulok, pero nakakakilig pa din haha.

"Nandito tayo sa campus..bawal yun"

"Wala naman makakakita eh" ayaw patalo. Bahala nga sya.

"So kamusta exam? Nakasagot ka?" Ngumiti sya sakin. Ang gwapo lang.

"Oo naman..sisiw nga eh" mayabang eh. Makasisiw sya eh noh. Mamaya itlog makuha nya sa exam eh.

"Eh di wow! " natawa sya sa sinabi ko, inakbayan nya ako kaya napalapit ako lalo sa kanya.

"Ready kana ba? Nagtext na si Irish" lumayo ako sa kanya para tignan sya.

"Sinabi mo bang kasama mo ako?" Umiling naman sya, kaya pala pumayag syang makipag usap..baka lalo syang maiinis sakin pag nakita nyang kasama ako.

"Let's go?" Tumango nalang ako. Inalalayan nya ako tumayo tapos lumakad na kami.

Sa kotse hindi ako mapakali, natatakot akong makita na naman ang ganung side ni Irish, yung galit, kasi isa syang mahinhin at tahimik na babae.

Tumigil si Kurt sa isang restaurant, nauna syang bumaba tsaka ako pinagbuksan ng pinto. Agad nyang hinawakan ang kamay ko ng makababa ako. Huminga ako ng malalim ng makapasok kami ng resto.

Agad namin syang nakita sa tabi ng glass wall. Napatingin sya sa gawi namin then napako ang tingin nya sa kamay naming magkahawak. tatanggalin ko na sana kaso hinawakan ng mahigpit ni Kurt ang kamay ko. Naupo kami sa tapat ni Irish.

"I thought tayong dalawa lang ang mag uusap" seryosong sabi ni Irish.

"Tayong tatlo ang involve kaya dapat kasama sya" seryoso ding sabi ni Kurt. Tahimik lang akong nakikinig. Wala pa akong masabi nahihiya ako kay Irish.

"Hm oo nga naman..so anong pag uusapan natin? Na makikipagbreak kana para kayong dalawa na?" umirap sya tapos ay tumawa.

"Yes, and i'm sorry..sinabi ko na naman sayo di ba? mas masasaktan tayo kung ipipilit pa natin ito" seryosong sabi ni Kurt kaya nawala ang ngiti ni Irish, napataas ang kilay nya samin.

"Ang dali nyong magdesisyon eh noh? Palibhasa doon kayo sasaya..paano naman ako? " naiiyak na sya kaya nahihirapan akong makita syang ganun.

"Pero Irish.." pinutol nya agad ang sasabihin ni Kurt.

"No!"

"Irish makinig ka..sana intindihin mo naman kami..pinagbigyan kita nung hiniling mong iwasan ko si Kurt...sana naman pagbigyan mo din kami. Para rin naman sayo ito eh" naglakas loob na akong magsalita.

"Sana ganun nalang yung kadali,pero hindi"

"I know..naramdaman ko din yan nung iniwasan ko si Kurt...but kaylangan mong magpakatatag..maraming pwedeng magmahal sayo Irish..kaylangan mo lang maghintay" Hinawakan ko ang kamay nyang nakapatong sa table.

"Hindi ka namin mamadaliin.." pahabol ko pa..napatingin si Kurt sakin parang sinasabi nyang..what? ..siguro iniisip nyang iiwasan ko na naman sya para kay Irish.

"Okay..just give me enough time " napatingin kami kay Irish ng sinabi nya yun, tumango naman ako. Hindi naman kasi kaylangan magmadali dahil nasasaktan si Irish.

Nagpaalam si Irish na mauuna na daw sya , tumango naman kami. Nagpasalamat din ako sa kanya.

"What now? Iiwasan mo na naman ako? No way!" Reklamo ni Kurt. Hinawakan ko ang kamay nya para mapaharap sya sakin.

"Hindi ako iiwas Kurt..bibigyan lang natin ng time si Irish para mag isip..napansin ko kasing minamadali natin sya. I know maiintindihan nya tayo" ngumiti ako kay Kurt,p napabuntong hininga nalang sya tapos hinalikan ang kamay ko.

"Fine..para satin naman ito..i love you!" seryosong sabi nya sakin, sobra sobra ang kaba ng dibdib ko tuwing sinasabi nya iyon.

"I love you too!" Nakangiti kong sabi.

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon