chapter 32

9 0 0
                                    

Lianne's pov

Nang makarating ako sa bahay muka agad ni insan ang nakita ko. Ang sama ng muka nya haha.

"Anong muka yan insan?" Sinamaan nya ako ng tingin. Nakacross arms pa sya na nakaharap sakin.

"Bakit ngayon ka lang ha?! At bakit kasama mo si Kurt?!" Nakakatakot naman ito si Insan. Ok mukang seryoso ito ah

"Chill insan..pwede umupo muna?" Inirapan nya ako pero umupo pa din ako. Sumunod din naman sya.

"Ganito kasi yun nasiraan kami nung pauwi na kami kahapon ang lakas kasi ng ulan doon , nagpalipas nalang kami ng gabi kaya ngayon lang kami nakauwi...kaya ko naman kasama si Kurt ay trip nya ata magdrive at maggala kaya sumama sakin" nakatingin lang sakin si insan ng ilang segundo bago nagsalita.

"San kayo natulog? Magkasama kayo? Anong nangyare?" Ang daming tanong ni insan ah. Bigla ko tuloy naalala yung natulog kami ng magkayakap...shete! Feeling ko namumula na ang muka ko ngayon.

"Ang dami mo namang tanong..walang nangyare ok? Pwede na ba ako magpahinga?" Umiwas ako ng tingin ng pinaningkitan ako ni insan.

"Kumain ka muna bago ka magpahinga" sabi nya ng hindi nakatingin sakin..the best talaga si insan ang sweet. Ngumiti lang ako sa kanya tsaka tumango.

Matapos kumain umakyat na ako sa kwarto para maligo at magpahinga. Habang nakahiga ako naalala ko ulit yung nakayakap si Kurt sakin. Kinikilig ako shete! Alam kong mali itong nararamdaman ko. Mula nung nagkahalikan kaming dalawa narealize ko na gusto ko sya. Ginagawan ko naman ng paraan na wag mangyare ang ganito eh katulad nalang ng pagsawalang bahala ng mga epekto nya sakin pagkasama ko sya pero wala eh .

Natatakot na nga ako kasi baka mamaya mahulog na ako ng tuluyan sa kanya. Kasi alam kong wala akong makukuha mula sa kanya, talo ako kasi si Irish ang gusto nya ay mali mahal nya. Ano ba namang laban ko doon.

Pero gusto ko palang naman sya eh..malay mo dumating na yung taong mamahalin ko eh di mawawala na din ang pagkagusto ko kay Kurt. Tama! Tiwala lang.

Nagising ako ng may kumatok sa kwarto ko. Bumangon ako at binuksan yung pinto. Nakita ko si Pauline sa harap ng pinto.

"Hi Future pinsan" tapos natawa sya. Natawa din tuloy ako.

"Ang ganda ng mood ah..anong meron?"

"Ito! Punta ka ha..hindi pwedeng hindi" nakangiti nyang inabot sakin yung invitation. Birthday na nya pala sa makalawa.

"Salamat..promise pupunta ako" tumango lang sya at nagpaalam na pupuntahan na daw nya si insan.

Pumasok na ko ulit sa kwarto. Buti nalang pala at nalibre ako sa pamasahe pauwi ng probinsya kaya may pera ako pambili ng regalo at ng isusuot ko. Alam mo naman ang party ng mayayaman kaya kaylangan ko ng dress.

***

Kinabukasan

Pagsapit ng hapon naisipan kong pumunta ng mall para mamili ng ireregalo kay Pauline at bumili ng damit na isusuot ko.

"Ay kalabaw!" Nagulat ako ng pagbukas ko ng gate nakita ko si Joel na magdodorbell sana.

"Pfft! Saan ang punta mo?" Tanong nya sakin.

"Sa mall..sama ka?" Napangitin sya sa tanong ko.

"Oo naman ..ikaw naman talaga ang pakay ko, yayain sana kitang lumabas sakto pala ang dating ko" natawa nalang ako sa kanya.

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse at pumasok na ako. Inantay ko lang syang sumakay then umalis na kami. Sa byahe tinanong nya lang ako tungkol sa paguwi ko sa amin. Nagulat nga sya na kasama ko si Kurt eh sana daw sumama din sya.

Love TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon