Lianne's pov
"Liantot!" Napatingin kami ni Kurt ng may sumigaw. Agad kong nakilala kung sino yun sya lang ang may lakas ng loob tumawag sakin ng ganyan.
"Anibok!" Sigaw ko din..at tumakbo sa kanya. Nagyakapan kami habang nagtatatalon.
"Kamusta kana? Wow..gumanda ka ah" natawa ako sa sinabi nya..panget ako dati ganun?
"Sira ka talaga...ikaw ang kamusta? Parang tumangkad ka ah" anliit nya kasing babae eh.
"Di nga? Totoo ba yan? O inaasar mo lang ako?"
"Syempre inaasar lang kita..asa ka pang tatangkad ka" at nakatangkap po ako ng batok. Nagtawana lang kami ng kababata ko. Hanggang sa maalala ko si Kurt. Pfft! Kasama ko nga pala sya.
"Ah may kasama nga pala ako..pakilala kita" lumapit kami kay kUrt na natingin lang samin. Biglang humikpit ang kapit sakin ni Anie. Bakit kaya?
"Ah Kurt,si Anie kababata ko..Anibok si Kurt kaibigan ko" tulala lang si Ani habang nakatingin kay Kurt.
"Ah hi" sabi lang ni Kurt. Asa pa kayo snob namana talaga yan.
"Hi..artista ka ba? Ang pogi mo naman" natawa ako sa sinabi ni Anie. Si Kurt naman wala lang sanay na sya eh.
"Ay nako Anibok..wag mo na kausapin yan ...ano na? Kamusta sina Nanay at Tatay mo?" Ngumiiti sya ng malawak kay Kurt bago bumaling sakin.
"Ayos naman..malaki ang kita nitong nakaraang buwan..teka kumain na ba kayo?" Umiling ako kay anibok tapos umangkla sya sa braso ko.
"Saamin na kayo kumain..siguradong matutuwa si Nanay..tsaka baka gutom na si pogi" sabay tingin nya kay Kurt. Napangiwi naman si Kurt .pfft! Problema nito?
Aangal na sana ako kaso namimiss ko na din ang pangalawang magulang ko. Napakabait kasi nila sakin para nga kaming magkapatid nitong si Anie eh kasi Nanay at Tatay din ang tawag ko sa kanila. Kalapit bahay lang namin sila pero dahil malawak ang bakuran namin at bakuran nila malayo ang pagitan.
"Inay! Itay! Tignan nyo kung sinong kasama ko!" Sigaw ni Anie ng makarating kami sa kanila. Si Kurt tahimik lang nakasunod samin.
Lumabas ang magulang ni Anie sa bahay. Napangiti naman ako ng makita sila.
"Ay naku Anie! Ang bunganga mo talaga...jusko! Lianne? Ikaw na ba iyan ha? Ay halika nga dito!" Tuwang tuwa akong yumakap sa kanya.
"Abay lalo kang gumanda ah..hoy Armando dalian mo makakasilay kana!" Sigaw ng tatay ni Anie sa nakababatang anak na lalaki. Sumilip si Armando tapos nagtago ulit. Ganyan naman yan eh nahihiya sakin. Haha
Natawa nalang kaming lahat sa naging reaksyon ni Armando. Biglang silang napatingin sa lalaking nasa likod ko.
"Ay nakaw! Wala kana atang pag asa Armando..ang gwapong lalaki nito oh.." sabi ni Nanay. Natawa naman ako tsaka ko hinila si Kurt.
"Ah Nanay Tatay si Kurt po kaibigan ko"
"Good afternoon po" nakangiting bati ni Kurt.
"Ay ang pogi pogi mo naman iho" sabi ni Nanay habang kinukurot ang pisngi nya. Pilit na ngumiti si Kurt dahil sa ginagawa sa kanya ako naman tawa ng tawa.
"tama na yan Nay..halika na maghain na tayo para makakain sila"
"Ay oo nga..sige dyan muna kayo Lianne."
"Tutulong po ako Nanay"agad naman akong pinigilan ni Nanay.
"Ay nako wag na..pumunta na kayo sa kubo .sige na" wala na akong nagawa kaya nihayaya ko na si Kurt sa kubo,.masarap kumain dito kasi maginhawa ang lakas ng hangin.
Tumaga naman ng dahon ng saging si Tatay . Siguro dyan kami kakain. Masaya yun..good luck nalang kay Kurt haha.
"Ngiting ngiti ah" napaitngin ako sa kanya ng sabihin nya yun.
"Syempre masaya ako..nakakamiss kaya..ikaw nag eenjoy ka ba pagsama mo sakin dito? " tumingin sya sa malayo tsaka sumagot.
"Yeah..nakakatuwa pati sila" nakangiting sabi nya. Buti naman at nag eenjoy sya akala ko naiirita na sya eh
Dumating na sina Anie dala ang pagkain. Inaya ko ng maghugas ng kamay si Kurt sa poso. Nung sya na nga ang magbomba aba ayaw na tumigil pati sina Anie pinagbomba nya. Maganda daw work out .parang sira haha.
Nakatingin lang si Kurt sa mesa habang nilalagay namin yung pagkain sa dahon ng saging. Pfft! Ano kaya ang nasaisip nya.
"Iho..ok lang ba sayo dito kumain? Gusto mo ikuha kita ng plato?" Tanong ni Nanay kay Kurt. Napatingin ako kay Kurt at naghihintay sa isasagot nya.
"Hindi po..ok lang po sakin" ngumiti si Nanay sa kanya tapos tumingin sya sakin. Nginitian ko din naman sya.
Nagsimula na kaming kumain. Madami akong makakain nito panigurado. Inaasar pa ni Tatay si Armando kaya ako nakisali din sinusubuan ko sya pero umiiling lang ito lalo tuloy nagtatawanan si na Nanay. Si Kurt naman enjoy pagkain sarap na sarap sya sa ulam at aalam kong hindi sya napipilitan base sa muka nya. Muka talaga syang nag eenjoy.
Matapos kumain nagpahinga kami tapos tinulungan ni Kurt si Tatay mag igib. Nagbobomba at nagbubuhat sya ng balde. Kami naman ni Anie nagtutuhog ng bananacue na ibebente nila.
"Sigurado ka bang hindi mo boyfriend yan ha?" Napatingin ako kay Anie ng masalita sya then tumingin ako kung sa sya nakatingin.kay Kurt na nagbobomba.
"Hindi nga..kaibigan ko lang yan" ngumuso naman sya .
"Para kasing hindi eh" natawa nalang ako sa kanya..imposible maman kasi may mahal na yang si Kurt eh. Alam ko yun kaya nga....basta!
Nangdumating ang gabi napag paalam na kami .kaylangan na naming umuwi ..ilang oras ang byahe eh. Nagkaiyakan pa kami bago ako umalis. Grabe nakakamiss talaga sila lalo kong namimiss ang magulang ko dahil sa kanila.
Nang makarating kami sa kabilang bayan nagsimula ng umulan ng malakas. Nagkwetuhan lang kami ni Kurt tungkol sa experience nya dito. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasabi sya ng mga experience nya. Napapangiti ako dahil sa nakikita ko talaga masaya parang nawala yung Kurt na masungit,suplado at maarte at napalitan ng mabait at masayahin.
Napatigil kami pagkwekwetuhan ni Kurt ng may parang pumutok tapos nahinto kami. .
"Anong nangyare?" Tanong ko sa kanya. Tinry na ulit itong paandarin pero hindi kumikilos ang kotse mukang nastock ito.
"Shit! Pumutok ata ang gulong..teka titignan ko" nagsuot ng jacket si Kurt tapos lumabas sya ng kotse. Nakatingin lang ako sa kanya tapos may kinuha sya sa trunk ng kotse nya.
"Pumutok ang gulong tapos yung isa nalubog sa putik" sabi nya ng makapasok sya sa kotse at may dalang bag.
"Ha? Eh paano tayo nyan? Wala pa namang dumadaan na sasakyan..tsaka hindi ko alam kung saan ang talyer dito"
"Wala tayong magagawa kundi magpalipas ng gabi"
"Saan? Dito sa kotse? "
"Hindi pwede dito..alam ko may nadaanan tayong bahay malapit dito..tara" sabi nya tsaka inayos ang gamit nya.
"Eh malakas ang ulan...wala akong dalang damit pag nabasa tayo"
"May dala ko dito..ito isuot mo" tsaka nya binigay yung jacket nya sakin. Sinuot ko naman yun at lumabas na kami.
Nakahawak sa likod ko Si Kurt habang tumatakbo kami..ilang sandali pa nakakita na kami ng bahay. Agad kami kumatok doon. Mayamaya lang may nagbukas na matanda.
"Pasensya na po sa istorbo..pero nasiraan po kasi kami..baka po pwedeng makituloy" tinigyan nya muna kami ng ilang segundo bago magsalita.
"Hindi ba kayo taga rito?"
"Ako po ay sa kabilang bayan nakatira pero sya po taga maynila..kasama ko po syang umuwi dito " tumango lang ang matanda tska kami pinapasok.
"Isang kwarto nalang ang meron kami..pwede na ba sa inyo ito?" Tsaka nya binuksan ang kwarto.
Nagkatinginan kami ni Kurt at tsaka dahandahang tumango. Kami matutulog sa iisang kwarto?
BINABASA MO ANG
Love Tutor
Teen FictionLianne Andrada and Kurt Tyler Salazar, let's see kung paano sila mahulog sa isa't isa