Chapter 1

224 8 0
                                    

Zirco POV

Naglalakad ako sa hallway ng college campus nang may nabangga ako. Isang babaeng nakasalamin at maraming librong dala. Tinulungan ko siya sa pagpulot ng mga yun.

Hindi siya nagthank you. Nakayuko Lang Ito habang naglalakad papalayo sakin. Di ko alam kung bakit may kakaiba akong naramdaman sa babaeng yun. Kinakabahan ako na ewan. Gusto ko siyang habulin pero sakto namang dumating na si Miles.

"Bro, kanina pa kita hinihintay. Akala ko naligaw ka na"bungad niya sakin.

"Paano ako maliligaw e dito na ako simula pa lang"ganti ko. Tumawa na lang siya.

"Tara na nga. Alam kung gusto mo na siyang makita ulit"may halong pang aasar Ang boses niya.

"Kinakabahan ako Miles. Di ko alam Kung paano harapin sila, lalo na siya"malungkot na Saad ko. I don't know what to do. Di naman pwedeng iiwas na lang ako lagi sa tuwing may pagkakataon na nagkasalubong kami ng mga kaibigan kong iniwan ko 5 years ago.

"Magiging maayos rin ang lahat bro. Maiintindihan ka rin nila Kung bakit mo yun nagawa"Sabi niya.

"Paano kung Hindi?"

"Wag mo muna yang isipin. Kailangan nating pumasok na. Baka di tayo maka graduate niyan"nagtawanan kami at naglakad ulit papunta sa magiging classroom namin.

Titanium POV

"Buti naman dumating kana Athena. Kanina ka pa hinahanap ni ma'am"salubong sakin ni Mely.

"Sorry nagkaproblema Lang ng kaunti"sagot ko. At inilapag Ang mga librong dala ko. Pinunasan ko pa Ang iba na nagkadumi dahil sa aksidente kanina sa hallway di pa ako nakahingi ng sorry kasi nagmamadali ako.

Pumasok ako sa kabilang room kung na saan ang adviser namin para sa journalist.

"Good morning ma'am"bati ko nito. Mula sa tinitingnan niyang papel, tumingin siya sakin at itinuro Ang upuan nasa harapan ng mesa niya.

"Good morning din sayo Ms. La Cuesta"

"May ipapagawa po ba kayo sakin?"I asked.

"Gusto ko lang sabihin na tatlong araw mula ngayon may papalit sakin bilang adviser niyo"

"Po?"

"May papalit sakin, isang siyang studyante na nagmula sa sikat na paaralan sa US,-"

"Pero ma'am studyante palang siya bakit magiging adviser namin?"taka Kung tanong. Pwede ba Yun?

"Let me finish first miss La Cuesta"

"I'm sorry"yumuko pa ako at inayos ang salamin ko.

"So, Yun nga nagmula siya sa US, isa siyang kinahuhumalingang manunulat ng mga kabataan ngayon. Siya Ang papalit sakin bilang president ng Club natin. At Ang tangi kong gagawin ay Ang sumabaybay sa inyo."Sabi niya. Wala namang problema samin yun.

"Okay po ma'am no problem. Sasabihin ko na lang sa mga kasamahan ko"

"Wag muna gusto ko masorpresa Ang lahat kapag nalaman nila."Sabi niya. Ngumiti ako at tumayo na dahil malalate ako sa klase ko.

"Noted po ma'am. Excuse me, I need to go po."paalam ko. Tumalikod na ako at naka handa ng lumabas pero napatigil ako sa sinabi niya" and don't forget miss La Cuesta, ikaw Ang magiging Vice president ng club natin. Goodluck"paglingon ko, kinindatan niya ako.

Nagmadali na lang akong lumabas. Ang creepy naman ni ma'am. Nakakatakot.

Zirco POV

Nakarating kami sa room nang payapa. Buti naman tatahimik Ang buhay ko rito. May mga celebrity rin ditong nag-aaral pero di pwedeng pagka guluhan ng mga studyante. Yan Ang pangunahing rules dito sa campus. Walang picture na lalabas kundi may kasong kang haharapin.

Pagkapasok namin marami ng nakatingin at kasama na dun Ang mga kaibigan ko. Na natigil sa kanilang mga ginagawa. Unang tumayo si Soul at lumapit sakin pero akala ko tulad ng dati yayakapin niya ako pero Hindi tiningnan niya lang ako.

"Bakit ka pa bumalik?"malamig na tanong niya at lumabas na sa classroom namin.

"Wag Kang lalapit ulit sa kaniya. Kundi ako na mismo ang babasag sa mukha mo"may pagbabanta ang tuno ng boses ni Vincent. Iba na Ito sa bestfriend na nakilala ko. Mas lalo silang tumangkad at lumaki Ang katawan di Gaya noong high school pa kami na nangangayayat.

Naghintay ako Kung lalapit pa Ang kapatid ko at si Yessha pero Hindi nananatili sila sa kinauupuan nila at para bang di nila ako nakita.

Tinap ni Miles ang balikat ko. Huminga na Lang ako ng malalim bago umupo sa upuang malayo sa kanila. Akala ko magiging ayos Ang lahat kapag bumalik ako pero mas lalo yatang gugulo. Inikot ko Ang paningin ko, hinanap ko siya pero di ko makita. Nasa kabilang section Kaya siya?

Nag umpisa na ang klase namin pero di ko parin naka Ang babaeng gusto Kong makita. Sa kalagitnaan ng pagtuturo ng lecturer namin may isang babae Ang dumating.

"Excuse me ma'am. Pinapapunta po si Mr. Avellana sa Club Writes."tumingin sa gawi ko ang guro namin. At tumango. Inaasahan ko na to dahil sinabi ni daddy sakin bago pa ako makapag transfer ulit dito.

Sinundan ko ang babae kanina dahil di ako masyadong familiar sa mga room na dinadaanan amin. Mas malalaki na Ito kaysa sa high school campus namin. Magkatabi Lang naman ang campus ng high school at college. Nakarating kami sa isang room na may nakapinta na mga libro, ballpen at mga bagay pang panulat.

"Mr. Avellana, maupo ka. Siguro may clue kana Kung bakit kita pinapunta rito?"the teacher asked.

Tumango ako bago sumagot" Yes ma'am, dad told me"I answer

"Good. Every Saturday nandito kayong mga kasamahan mo. Bilang isang president tungkulin mong pangunahan sila. Sa araw na yun nandito kayo para maisulat niyo ang mga nangyari at mangyayari pa lang sa loob ng isang buwan. Alam kong Kaya mo ang ibinibigay kong tungkulin sayo. Isang kang magaling na manunulat Mr. Avellana. I know na di ka mahirapan dito"Sabi ni ma'am sakin.

"Salamat sa pagtitiwala ma'am"nakangiti kong Sabi.

"Di mo na kailangan magsalamat sakin Mr. Avellana. Ginagawa ko lang ito para mabalikan Ang nakaraan na di na nadugtungan. Goodluck"kahit nagtaka ako sa ibig niyang sabihin. Tumango na lang ako at lumabas sa room na yun.

Titanium POV

Lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa classroom ko. Patay ako nito kapag na late, mabigat Ang bawat hakbang ko dahil sa kaba. Nakarating ako sa tapat ng pinto. Nilakasan ko Ang loob ko, kumatok ako. Binuksan ng president namin ang pinto. Lahat sila nakatingin sakin.

"Ms. La Cuesta why are you late?"

"I'm sorry ma'am. May inutos lang si Dean sakin"sagot ko.

"Okay set down. Next time ayaw ko na na may ma-late understood?"

"Yes ma'am"Sabi ko at pumunta sa gawi ng mga kaibigan ko.

"Sis anong nangyari sayo?"salubong ni Yessha sakin

"Ilang ulit kasi akong inutusan ni Dean sa library. Kaya Ito pawis na pawis"sagot ko at nagpunas sa sarili Kong pawis.

"Sama ka samin mamaya Athena"Sabi ni Alice. "Sa coffee shop. Libre ko"napangiti naman ako dahil sa narinig.

"Sure Basta libre walang urungan to"mahina kaming nagtawanang tatlo. Sino naman kasing di papayag Basta libre. Ang sarap Kaya kumain kapag libre.

-

The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now