chapter 12

27 3 0
                                    

Zirco POV

Alas kwarto pa ng hapon nong nagpunta ako sa bahay nila Titan. Sa likod ako pinadaan ni tita para di nila ako makita.

"Hijo nasa sala sila lahat. Dun sila matutulog, pagsapit ng gabi saka ka papasok pero wag kang mag-alala papatayin ko ang ilaw sa lahat ng sulok ng bahay para kunwari black out."Sabi ni tita. Nakinig ako ng mabuti. "Saka kapag pinaalis ka ng baby ko dapat wag kang magpatinag"dagdag niya.

Titanium POV

"Guys alam niyo ba kung anong nangyari kanina?"tanong ng kapatid ko. Nandito kami ngayon sa sala. Nakaupo lang kaming mga babae sa sofa saka sila Soul at Vincent naman ang naglatag ng mga foam at comporter.

"Naku, Yessh baka ano na naman yan"sabi ni Vincent.

"Promise bro, matutuwa ka rin kapag nalaman mo"nakangiting sabi ni Soul "diba baby Athena?"

"Thena, anong ganap? Share naman kayo ng wifi diyan"sabi sakin ni Alice.

"Aba, Malay ko. Di ko nga rin alam kung bakit ako nadamay sa kalokuhan ng dalawa"depensa ko. Tumawa naman ang kapatid ko pati na si Soul.

"Di mo talaga alam?"sabay nilang tanong.

"Magtatanong ba ako kung alam ko na?"pangbabara ko.

"Oo nga naman!" si Alice.

"Gamitin niyo kasi ang utak niyo baka iwanan kayo niyan"sabi din ni Vincent.

"Tsk. Kayong tatlo talaga ang galing niyong manakit"sabi ni Soul at hinimas pa ang kanang dibdib niya.

"Ano ba kasi yun?"curious kong tanong. Ngumisi muna si Yessha at tiningnan kami isa-isa and this time I know na may kalokuhan itong ginawa at syempre kasama niya si Soul rito.

"Nabalitaan namin na nag-usap raw kayo ni Zirco kanina"

"At ito pa, nagkabalikan na raw kayo? Wee,  talaga ba?"dugtong ni Soul.

"Talaga! Nag-usap na kayo ni kuya?" tanong ni Alice.

"Kaya nga may raw kasi di sigurado"sagot ko. "Wag kayong maniwala sa mga sinasabi ng ibang tao. Paniwalaan niyo kapag nakita niyo mismo"

"I agree"tumatango-tangong sabi ni Vincent.

"Pero sis, di naman magsinungaling si mommy"

"Bakit sinabi ba ni mommy na nakita niya kaming nag-usap ni Zirco?"

"Di niya sinabi"

"Yun naman pala e"

"Pero Thena, kailan mo siya kakausapin?"tanong ni Soul.

"I don't know. Kahit kausapin ko siya di parin magbabago ang lahat"ani ko.

"Why don't you try Titan?. Malay natin magiging maayos ang lahat"sabi pa ni Vincent.

"You know guys, kung usap lang ang pag-usapan, pwede naman. Pero di ko alam kung may paniniwalaan pa ako sa mga sasabihin niya"sabi ko.

"Di naman sa kinakampihan ko si big bro, pero Athena malay mo may malalim na dahilan lang siya para gawin yun" sabi ni Alice.

"I don't know guys."napailing ako." Fix na ba lahat?. Tara Yessha, tulungan mo akong kumuha ng mga snacks natin" pag-iba ko ng topic. Napabuntong hininga na lang sila. Saktong pagtayo namin saka nawala ang kuryente.

"Guys, na saan kayo?"nanginig na sambit ni Alice. Samin si Alice ang takot sa dilim.

"Nandito lang ako, luv. Don't worry di kita iiwan"narinig ko pang sabi ni Vincent. Napairap ako, hanggang sa pagkawala ba naman ng kuryente may landian paring magaganap.

"Bakit ngayon pa?. Kainis naman to oh. Naka set up na ang lahat e"sabi ni Yessha.

"Baka may sira lang na kinektado rito sa inyo" ani ni Soul.

"Nah! Impossible yun baby Soul. Di naman yata nila papatayin kapag gabi."sagot ko.

"Siguro, pero baka naman naputulan kayo ng kuryente"sabi ulit ni Soul.

"Siraulo, anong akala mo samin ganun ka hirap pati ilaw mawawalan" sagot ng kapatid ko. Iba talaga ang takbo ng utak nitong si Soul. Kung saan-saan na nakarating e.

"Ano ba yan, pati ba naman sa gitna ng black out mag-aaway kayo."sabat ko na baka magsuntukan ang dalawa. Away bati yan e. " Sis tara na nga, kukunin natin ang flashlight sa taas, kayo muna ang bahala rito"

"Kainis talaga ang malanding kaluluwa na yun"reklamo ng kapatid ko.

"Maghiwalay na lang kaya kayo?"biro ko. Binatukan naman ako ng kapatid ko" bakit?, Mas mabuti pang maghiwalay kayo kaysa sa mag-aaway kayo lagi"depensa ko.

"Alam mo ikaw sis, ang bobo mo"sabi niya.

"Aba, baka nakakalimutan mo ako lang naman to si Athena Titanium La Cuesta ang nag-iisang with high honor sa batch natin nong high school"

"Yabang nito, pasalamat ka mahal kita kaya nagpa with honor lang ako. Alam ko kasi na broken hearted ka kaya nagparaya ako" Sabi niya, sabay kaming nagtawanan. Habang papaakyat patungo sa kwarto namin.

"Talaga ba. Kaya pala muntik ka ng di maka-graduate. Pasalamat ka mahal ka ni baby Soul at siya na ang gumawa ng school paper na di mo ginawa dahil sa kakapanood ng K-drama"natatawang kong ani.

"Ano ba yan, pinapa-alaala pa talaga no!. Nakakahiya kaya yun."maktol niya. Kaya natawa na lang ako. Ilang secondo wala na akong naramdamang sumabay sa bawat hakbang ko. "Sis, wag mo kong taguan pasalamat ka di ako naka glasses ngayon"sabi ko. Lumabo na talaga ang mata ko di ko na kaya ang walang salamin sa mata.  Kinapa ko ang dingding para may makapitan ako. "Ano ba yan Yessha!.  Nandiyan ka pa ba?"walang sumagot.

Napasigaw pa ako nong may humawak sa kamay ko at hinila ako kung saan. Kung si Yessha to, mapapatay ko to mamaya. Iba talaga ang trip nito.

"Yessha naman, di ito ang tamang oras para sa kalukohan mo"saway ko. "Yessh" kinapa ko ang kamay na nakahawak sakin, nanlaki ang mata ko. Bakit matigas? Malaki, at mataba itong nahawakan ko.

Di na ako nakaangal nang binuksan niya ang isang pinto. Anong gagawin niya sakin? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Possible kayang nandito siya? Naku! Wag naman sana.

Di na lang ako pumalag, Ewan ko ba may nagtulak sakin na sumama na lang sa kaniya kaya nga nandito ako sa loob ng kwarto at kasama ang isang tao na di ko nakita kung sino, pero may kutob na ako pero gusto kong makasiguro. Masakit kasi ang umasa sa wala. Natuto na ako.






The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now