Chapter 18

30 4 0
                                    

Titanium POV

Balik na paaralan na kami. Dalawang linggo na lang at hahakbang na kami para sa kinabukasan namin. Wala na masyado kaming ginagawang mga school papers. Di rin kami masyadong nagkakakita magkakaibigan kasi busy ako sa club writes. Naghahanap kami ng papalit samin kapag naka graduate na kami. Syempre kailangan namin tingnan kung sino ba talaga ang karapatdapat.

Busy ang tatlong kasama namin, di na nga sila nakakapunta rito sa club masyado, kasi may tinapos silang project nila kaya heto ako ngayon kasama ko si Zirco.

Di naman Ito naging hadlang kasi kailangan kung isantabi muna lahat tungkol samin para magfocus sa ginagawa kong pagprint ng school flyer.

Natapos ako sa second batch bandang ala una ng hapon.  Napaupo ako sa mesa dahil sa pagod.

May nag-abot sakin ng mineral water at panyo. Pagtingin ko si Zirco yun.

"Ako na lang ang tatapos diyan. Para naman makapagpahinga ka" he said.

"Wag na. Okay lang Zirc, trabaho natin to kaya kailangan nandito rin ako" sagot ko. Di na ako nag iinarte, kinuha ko na ang panyo at nagpahid ng pawis. Kasunod nun ang tubig, siya na rin ang nagbukas nun.

"Salamat dito."

"Your welcome" sagot niya. Sa mga lumipas na araw parang unti-unti ko na ring nawaksi ang galit ko noon sa kanila. Baka this is a way para maging panatag ako.

" Tapusin na natin to" Sabi ko at humarap ulit sa laptop. Siya naman ay bumabalik sa ginagawa niya kanina.

"Titan, may gagawin ka mamaya?" Tanong niya.

"Ahm, wala naman. Bakit?" Tanong ko without looking at him.

"Baka gusto mo sumama mamaya, mag sleep over sa bahay" sabi niya. Natigil ako sandali. Wala namang sinabi si Yessha kanina ah.

"Meron ba?"

"Di ka pala sinabihan ni Yessha. Kahapon pa yan napag usapan sa group chat natin"

" Ah, yung lang di na ako naka open ng messenger. Busy kasi"

"Ayos lang. Atleast ngayon alam mo na" napatango ako. "May isa pa pero mamaya na lang bawal ko daw sabihin sayo ngayon" napataas naman ang isang kong kilay. Ano to sekretong malupit?

"Mga kalukuhan talaga" napailing pa ako. Puro kwentuhan lang kami, about sa mga childhood days. Tawang tawa ako. Akalain mo ang isang Zircong gwapo ngayon ay kalbo pala noong bata pa siya.

"Tawang tawa ka ah. Pasalamat ka di kayo magkasamang lumaki ni Yessha kundi lahat ng ginagawa mo noon na document na ng kapatid mo" ani niya.

"Nah!, Ang boring nga noon e. Ako lang mag-isa sa bahay kaya laking pasalamat ko nong nakilala ko si Vincent" sabi ko. Lumingon ako sa gawi niya nong ilang secondo di pa siya sumagot. Hawak niya ang sinusulat niya pero halatang di dun ang attention. Tumayo ako at sinundan kung saan siya nakatingin.

Ngumiti ako kasabay ng pagkirot sa puso ko. I'm not totally move on pa talaga. Kailan ba to mawawala?. Gusto ko ng lumaya. Gusto ko ng maging masaya ulit. Gusto ko ng makalimutan kung ano ang nakaraan namin. Ayaw ko na ng ganito. Na sa tuwing makikita ko na nakatingin siya kay Marga double ang sakit na nararamdaman ko.

Lalapitan ko na sana siya pero umiwas na siya ng tingin dito. Nakangiti pa siya kaya pumunta na lang ako sa banyo dahil anytime tutulo na ang luha ko.

Pagkapasok ko. Inilock ko ang pinto saka sumandal dun. Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak pero traydor ang luha ko, nag-unahan na naglabasan. Mga ilang minuto rin akong nananatili dun. Naghilamos ako saka inayos ang sarili ko. Kahit halata parin na galing ako sa pag-iyak.

May kumatok kaya inayos ko ang sarili ko.

"Titan, andyan ka pa ba?"

"Yeah, sandali lang" sagot ko. Muli akong tumingin sa salamin saka ngumiti.

Binuksan ko ang pinto. Nandun siya nakatayo.

"Zirc, aalis muna ako. Balik ako mamaya"sabi ko at kunwaring inayos ang suot ko para makaiwas ako sa tingin niya.

"Bakit?, Saan ka pupunta?"

"Kay Yessha" sagot ko. "Sige bye" paalam ko. Di pa ako nakakalampas sa kaniya ng hawakan niya ang pulsuhan ko.

"Are you okay?" Tanong niya. Inilagay pa niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. "Namumutla ka" dagdag niya.

"I'm more than okay Zirc" sagot ko. Wala akong sakit, heartache lang meron.

"Okay balik ka, bibilhan na rin kita ng lunch. Dito na lang tayo kakain" sabi niya. Tumango ako at naglakad na palabas.

"Sis" napalingon ako sa tumawag. Dun ko nakita ang kapatid ko. "Anong meron at di ako pwedeng magsama ng ibang kaibigan natin?" tanong niya habang papalapit sa kinauupuan ko. Nandito kami ngayon sa maliit na park ng school. Walang masyadong tao kaya dito ko pinili.

"Gusto lang kitang makasama"sagot ko. Nakaupo na rin siya dito sa tabi ko.

"Lukuhin mo ako. Namumula yang mata mo umiiyak ka ba?" Tanong niya at pilit niya akong pinaharap sa kaniya. "Confirm"

"Ang sakit parin e" nasabi ko.

"Bakit ano bang nangyari?. Nag-away na naman ba kayo dun sa club writes?" umiling ako. "Oh, anong problema?"

"Akala ko umpisa na yun para makalimutan ko ang sakit pero naghilom lang pala sandali. Gusto ko ng lumaya dito sis, nakagawa ba ako ng masama para maranasan ko lahat ng to?" Nagsituluan na ang mga luha ko. Niyakap naman niya ako kaya mas lalo akong naiiyak.

"Wala kang kasalanan. Nagmahal ka lang naman at walang masama dun"

"Kung mawala kaya ako may maghahanap kaya?"tanong ko. Kumalas naman siya sa pagkayakap sakin.

"Wag mong sabihin na gagawin mo ulit yung ginawa mo dati?. Naku! Ako talaga ang papatay sayong gaga ka!" sabi niya. "Alam mo ba na muntik ng maaksidente si daddy dahil sa nabalitaan niya"

"Aksidente?"

"Oo, yung araw na yun nanghingi ako ng tulong sa kaniya. Kaya nagmadali siya kaya ayun muntik ng lumipad ang kotse sa gilid ng tulay"di ko alam yan.

"Limang taon na ang lumipas di mo man lang sinabi sakin?"

"Ayaw ko ng dagdagan ang problema mo Athena. Ayaw kong humantong na may mawala ang buhay para lang sa isang walang kwenta"napatayo ako.

"Walang kwenta? Walang kwenta sayo ang mga pinagdaanan ko. Akala ko ikaw ang mas makakaintindi sakin pero mali ako." Sabi ko. All this time akala ko kakampi ko siya dahil siya ang kapatid at kaibigan ko pero mali ako.

"Sis, di yan ang ibig kong sabihin—"

"Di yun?. Bakit ano ba?. Sasabihin mo sakin na nagpakatanga ako. Na ang oa ko. Na madrama?. I'm sorry ganito ako. Nasaktan ako e."ani ko. "Wag kang mag-alala di na ako mang-aabala" huling sabi ko at iniwan siya.

Mali pala ang paglapit ko sa mismong kapatid ko. Akala ko tutulungan niya ako pero dinagdagan niya lang pala ang dalahin ko. Dumiritso ako sa club writes at kinuha ang bag ko. Pinigilan ako ni Zirco pero nagpumilit akong umalis.


The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now