chapter 16

43 3 0
                                    

Titanium POV

Nong sumapit ang hapon naggayak na kami ni Yessha. May lakad barkada kami ngayon kaya ito, inihanda ko ang sarili ko. Ayaw ko mang pumunta kung nandun siya pero wala ako magagawa. Di sa habang panahon ko siya maiiwasan. Ang importante mas malinaw na sa amin pareho na wala na.

Masakit magdesisyon pero yun ang dapat. Palayain namin ang isa't isa, para rin yun saming dalawa.

Nakisabay ako kila Yessha at Soul, ayaw ko namang maulit muli ang nangyari nong isang araw. Mapapahamak ako at siya ang darating.

Tahimik lang ako dito sa likod habang sila, nag uusap.

"Buti na lang talaga, di tayo nabuko sa ginawa natin"sabi ng kapatid ko.

"Lagot talaga tayo kapag nalaman niya ang totoo"sagot naman ni Soul. Ano ba ang pinag-usapan nila?.

"Kaya ikaw wag kang madudulas. Kutusan talaga kita"

"Hindi no. Ayaw ko ring magkaaway- away tayo"

Pagkatapos nun, tahimik na ulit sila. Hinayaan ko na lang sila at binaliwala lahat ng narinig.

Nakarating kami sa park, maraming mga pagkapamilya, magkakaibigan at magjowa ang nandito.

Inilatag rin ng mga lalaki ang tela at inihanda naman namin ang mga pagkain.

Lahat kami may kaniya-kaniyang ginagawa.

"Vincent na saan na pala si Alice?"tanong ko dito. Siya lang kasi ang makakausap ko, ang kapatid ko kasi ayun nandun sa kabilang dako kasama si Soul.

"On the way na raw sila"sagot niya at umupo rin sa katapat ko. "Kumusta na ang pinakamamahal kong bestfriend" napatawa ako.

"Pinakamamahal ka diyan. Baka malaman na naman yan ni Alice, magagalit na naman yun sakin"natatawa kong ani.

"Kailan man di siya nagalit sayo, Thena. Nagseselos?, Oo pero hindi niya magawa na magalit sayo" sabi niya. Ngumiti ako at tumango.

Napatingin ako sa langit. Kahit nasa may banda kami ng isang puno kita parin ang magandang  ulap.

"Malalagpasan mo rin ang mga pinagdaan mong sakit ngayon"napalingon ako nong sabihin niya yun. "May mga problema lang talaga na kailangan mong daanan para malaman mong malakas ka. At sa nakita ko sayo, malakas ka Athena."sabi ulit niya.

"Hindi ako malakas Vince, sadyang marunong lang talaga akong magdala ng problema"sagot ko. "Tinapos ko na ang dapat pero bakit iba ang sinasabi ng puso ko?"

"Sometimes we need to listen the reason before we conclude, at yan ang gagawin mo. Bigyan mo siya ng pagkakataon na masabi ang side niya at pagkatapos, ikaw na ang bahala kung ano ang desisyon mo"sabi niya.

"Bakit parang madali lang sa inyo na patawarin sila kahit alam niyo ring niluko lang din kayo?"natanong ko. Nong nagpunta si Zirco sa bahay buong puso na tinanggap nila mommy siya. Na parang walang nangyari, parang di ako nasaktan.
Kaya naguguluhan ako kung bakit?.

"Kasi nakinig kami" mabilis niyang sagot.

"Guys" napalingon kaming dalawa ni Vincent. Nakangiting sumalubong samin si Alice" Sorry, nalate kami"

"Ayos lang" sagot ko "si Kenny sumama ba?"

"Oo nasa loob pa ng sasakyan."sagot niya. Lumabas si Kenny sa sasakyan habang may dalang basket. Napangiti ako, di ko aakalain na ganito na siya kalaki ngayon. Nagwave siya sakin kaya ginawa ko rin pabalik.

Nabitin ang ngiti ko nong makita ko ang sunod na lumabas sa kotse. Pinagbuksan pa siya ng pinto at masayang nagtatawanan sa isat isa. Tama na rin yun na ginawa ko. Mukha naman siyang masaya kaya masaya na ako para sa kaniya.

Napaiwas ako ng tingin nang pitikin ni Vincent ang noo ko.

"Kanina pa kita kinakausap, saan saan ka kasi tumitingin"sabi niya.

"Namimiss ko lang si Kenny" I lied.

"E yun na si Kenny oh, katabi ni Alice. Kunwari ka pang si Kenny." ngumisi pa siya kaya hinampas ko.

"Siraulo wag ka ngang ganyan. Baka may makarinig sayo"sabi ko. Tinawanan niya lang ako at ginulo ang buhok ko at sinakal kunwari.

Zirco POV

"Aray ko!"rekalmo ni Marga. "Dahan dahan naman Ace, inuuntog mo na lang ako."

"Bilisan mo kasi"inis kong sabi. Alam ko namang binagalan niya lang ang pagkilos para mainis ako.

"Di naman halata na excited ka ano?"sabi niya at bumaba na. Inalalayan ko naman siya dahil minsan lampa yan.

"Ingat ka. Lampa ka pa naman" sabi ko na ikinataas ng kilay niya.

"Di ako lampa ha. Sadyang may galit lang talaga sakin ang mga bato"sagot niya na ikinatawa namin pareho. "Dinamay mo pa talaga sila sa kalampahan mo"sagot ko.

"Para naman di ako magsolo"sagot niya.

"Mabuti naman at inamin mo rin na lampa ka"pang aasar ko.

"Oo na nga, paulit-ulit?"inis niyang sabi. Tumawa na lang ako. Pagharap ko unti-unting nawala ang ngiti ko. She's laughing with her bestfriend at nakayakap pa.

"Selos"tusok ni Marga sa tagiliran ko. "I'm not."saad ko.

"Bagay sila no?"

"Mas bagay sila ni Alice"sagot ko na ikinatawa niya.

"Syempre sinasabi mo yan kasi, nagseselos ka pero kung iba ang makakakita sa kanilang dalawa, sasabihin rin na bagay silang dalawa"sabi niya. "Vincent is a nice man, kaya di ako nagtataka kung nahulog si Athena sa kaniya"dugtong pa niya.

"Di ko talaga alam kung kaibigan ba kita"Ani ko.

"Of course your my friend kaya sinasabi ko sayo ang totoo." Nagsimula na kaming lumakad papunta sa gawi nila. Nakaupo na rin si Titan at nakipagkwentuhan kay Kenny "Always remember na you have a choice. Na sa iyo na yun kung sasayangin mo"

"Natatakot ako Marga, baka kasi sa paglapit ko mas lalo siyang lumalayo"

"Okay lang matakot Ace dahil ginawa mo ang dapat kaysa naman sa takot ka pero di mo ginawa ang tama"sagot niya. Napatango ako kasi may punto siya. Kung di ko lalabanan ang takot ko, paano ko pa siya maipaglalaban.

"Tama kayo Marg, gagawin ko lahat magkaayos lang kami" ngumiti siya sakin at nagsign ng approved.

"Yan dapat. Ibalik ang dating Ace na palaban"sabi niya. Nagtawanan kami pareho hanggang sa makarating kami sa gawi niya. Di man lang siya tumingin sakin.

Tumayo siya kaya napatingin kaming lahat. "Saan ka pupunta te?"tanong ni Kenny.

"Tatawagin ko lang sina Yessha. Balik ako kaagad"sagot niya.

"Sasamahan na kita" I offer.

"No, it's ok. Kararating niyo lang."sagot niya at tumalikod na. Saka naman nagtawanan silang lahat na kasama ko.

"Tsk. Tsk. Tsk. Kawawang bata"napailing pa si Vincent habang tumatawa.

"Allergic na yata si Athena sayo, big bro"natatawang saad ni Alice.

"Binara lang ng isang beses, nabahag na ang buntot" ani ni Marga.

"Tss" tanging naisagot ko. At tinanaw kung na saan siya.


The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now