Titanium POV
Lumapit siya sakin at seryoso akong tiningnan. "Kung sasabihin mong ang tanga ko. Sige lang wala naman akong pakialam"inunahan ko na siya. Alam kong yun naman ang sasabihin niya.
"Bakit ka ba naglalakad mag isa? At dito ka pa talaga dumaan sa liblib na lugar!"galit na sabi niya.
"Kung pumunta ka lang dito para pagalitan ako, mas mabuti pang umuwi ka na lang sa inyo"sagot ko. Nakakainis siya. Tinalikuran ko siya ngunit hinila niya ang braso ko."ano ba!?"sigaw ko.
"Pumasok ka sa kotse ko at ihahatid kita sa bahay niyo. Sa ayaw at sa gusto mo"seryoso niyang sabi.
"Hindi ako uuwi sa bahay. Kailangan ko pang ibigay kay dean itong laptop at wag kang umasa na sasabay ako sayo"
"Dahil sa putek na laptop nayan napahamak ka! Bakit di mo na lang yan ibinigay kanina"
"Di ito basta-basta laptop lang Mr. Avellana. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Sige nga, kung ibinigay ko to kanina sa tingin mo makakagraduate tayo next month?. Syempre, Hindi! Dahil ang nakasave na mga files dito ay ang mga original files natin. Wala itong ibang files kundi ito lang. Nag-iisa"nakita kong natigilan siya.
"I'm sorry. Are you okay?"this time ako naman ang natigilan dahil sa tanong niya. Napatulala ako sandali. Simply lang ang salitang yun pero bakit nagpatibok sa puso ko? "Let's go, ihahatid na kita sa bahay niyo. Sasabihin ko na lang kina Abby na may sakit ka"sabi niya at kinuha ang bag ko at siya ang nagdala nun. Tiningnan ko lang siya nong lumingon siya dun ako nagsimulang humakbang din.
Katahimikan ang bumalot samin. Malapit lang sa bahay namin ang street na yun pero ngayong nakasakay na ako para itong ilang metro.
"I'm sorry"aniya
"Di mo kasalanan"sagot ko.
"Alam natin pareho na di tungkol kanina ang tinutukoy ko Titan."
"Wag na nating pag usapan yun mr. Avellana, may mga bagay lang talaga na isantabi muna"sagot ko. Di ko gustong barahin siya pero di ko talaga mapigilan. Naiinis ako sa kaniya.
"Sorry"
"Sorry?. Walang magagawa ang sorry mo Zirco. Nakasakit kana at nasaktan mo na ako, kung yun ang pinupunto mo"sabi ko bago lumabas sa kotse niya. Iniwan ko na rin ang bag ko na may laptop para siya na ang magbigay kay dean.
—
Zirco POV
Sobrang sakit kapag ang katutuhanan ang magpamukha sayo. Gaya ngayon, di ko lubos maigalaw ang katawan ko. Pakiramdam ko may daang-daang mga bato ang nakapatong sakin. Nag vibrate ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag mula kay Joyce.
"Mr. President, nahanap mo na ba siya Athena?"
"Nasa bahay nila, may sakit kaya di siya makakapunta sa campus ngayon"
"Ah..okay sige. Sabihin ko na lang kay Mrs. Perez kapag nagtanong ulit"
"I'm on my way na"
"Teka, dala mo ba ang laptop. Kanina pa kasi yan hinahanap ni Dean."
"Oo, ako na lang ang magbigay kay dean Bye."
Sandali akong tumingin sa bahay nila nagbabakasakali na lumabas siya ulit. Ilang sandali pa ay lumabas dun si tita Ivien ang mommy niya. May hawak itong supot na itim at inilagay sa trash can. Huli na nong yumuko ako,nakita na niya ako kaya lumabas ako sa kotse ko.
"Zirco hijo"nakangiti niyang ani.
"Tita, magandang umaga po"bati ko at humalik sa pisngi niya. Sign yan sa pagrerespeto namin sa nakakatanda.
"Napadalaw ka?"
"Actually, napadaan lang ako ta"pagsisinungaling ko.
"Sus ito naman, alam ko na ang ganyang galawan. Nagawa na yan ng tito Hyd mo noon."napakamot na lang ako sa ulo ko. Wala nga pala akong laban basta si tita ang kausap ko. "Kumusta na kayo ng baby ko?"tanong niya.
"Ito, lagi niya parin akong sinusungitan"pagbibiro ko
"Naku, ganyan lang yan dahil nasaktan pero wag kang mag-alala hijo magkabalikan rin kayo"
"Sana nga ta."sana nga makapag explain ako sa kaniya. Sana masabi ko sa kaniya lahat-lahat pero sa tuwing nandiyan siya lagi kong nakakalimutan ang gusto kong sabihin.
"Ikaw pa ba. Malakas ka sa baby namin kaya ikaw gawin mo lahat. Kung pwede manligaw ka, ligawan mo. Saka punta ka mamaya dito may sleep over sila."kumindat pa siya sakin.
"Naku, ta. Wag na lang baka ako lang ang makasira sa kasiyahan nila"saad ko.
"Ako bahala sayo"sabi niya kaya tumango na lang ako. Wala naman sigurong masama kung pupunta ako. Si tita naman ang nag invite sakin kaya kahit magagalit siya, I grab this opportunity para makasama siya ng matagal.
Pagkatapos nun, nagpunta na ako sa campus na dala ang pag-asa. Pag-asang paglalapitin ulit kami.
—
Titanium POV
"Sis, akala ko ba, pupunta ka sa campus ngayon?"gulat na tanong ni Yessha sakin. Nadatnan ko lang naman siya na nasa loob ng kwarto ko.
"At bakit ka nandito?. Ano yang mga gamit na nakakalat?. Yessha naman e kakaayos ko lang niyan kahapon"reklamo ko at pinulot lahat ng gamit ko at inilagay yun sa kama.
"Sorry sis di na ako nakapagpaalam sayo kasi naman e si mommy"di niya tinapos ang sasabihin kaya mas lalo akong nagduda dito.
"Inutusan ka ni mommy?"unti-unti siyang tumango"ano ang hinahanap mo?"tanong ko ulit.
"Yung libro"napakunot ang noo ko. Libro? Anong gagawin ni mommy sa libro, marami naman siyang libro sa kwarto nila.
"Maraming libro si mommy sa kwarto nila kaya di ako naniniwala na libro ang pinapahanap niya"
"Sis naman! Kailan pa ako nagsinungaling?"maktol niya at hinalungkat ulit ang mga kabinet.
"Ano nga kasi yun."inis ko ng sabi. "Para matulungan kita. Utang na loob Yessha, itigil mo ang ginagawa mo. Nasisira ang arrangement ko"sabi ko at tinakpan ang isang dingding.
Nakita ko ang ngisi niya "wag mo nang takpan yan, kanina pa namin yan nakikita"sabi niya.
"Ack! Kahit kailan ka talaga!"inis kong ibinato sa kaniya ang unan ko. Gumanti rin naman siya.
"Hahahaha Mahal mo pa siya no?"
"Hindi na ah. Nakalimutan ko lang tanggalin ang mga larawan niya."
"Nakalimutan daw pero may letter pang nakasulat two days ago"pang aasar niya.
"Tulungan na nga lang kitang hanapin ang libro na yun."tinawanan niya lang ako. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
Di ko talaga tinanggal ang mga picture namin. Simula pag-alis niya may mga letter akong inilalagay sa kahon. Mga salitang gusto ko sabihin sa kaniya. Pinangako ko sa sarili noon na hangga't may nararamdaman pa ako sa kaniya di ko yan tatanggalin.
I admit na bumibilis ang tibok ng puso kapag nandyan siya pero sadyang may mga bagay lang talagang dapat unahin.
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Teen FictionDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...