chapter 24

32 6 1
                                    

Titanium POV

"Ate kasama mo ba yung mga gwapo dun?" Napalingon ako sa isang dalagita na nagtanong sakin. Tumingin ako sa itinuro niya at dun ko nakita ang mga kaibigan kong parang tanga. Nakaupo sa tabi ng dagat, kahit may kalayuan ang pwesto ko mula sa kanila nakita ko parin na nakatulala sila.

"Oo, kaibigan ko sila" sagot ko.

"Ah ganun ba. Ikaw siguro yung kanina pa nila hinahanap"

" Ako?. Bakit naman?"

"Narinig ko pagdaan kanina na nalunod ka daw kaninang madaling araw"

"Gusto na talaga nila na patayin  ako ano? " Natatawa kong ani.  Pambihira!. Kaibigan ko ba talaga sila.

"Ate puntahan mo na kaya, baka susunod yun sayo" sabi ng bata.

" Na di yan. Matutuwa pa nga ang mga yan." Sagot ko

"Hindi. Yung si kuyang gwapo na, author pa." Napatingin ako sa kaniya. " Ate sabihin mo sakin kung ayaw mo  na sa kaniya" dagdag niya.

" Naku, yang author na yan!. Sayo na yan. Nakakainis yan e" sabi ko.

" Wag na lang. Halatang labag sa loob mo e" sabi niya.  Nakung bata ka!". Nag peace sign siya. " Seryoso na talaga to ate. Di ko alam kung saan ko sisimulan" sabi niya. Ang daldal talaga ng batang to.

"Ito na lang. Noon pa lang lagi kong inaabangan ang update ni PrinceAzir at lately ko na lang din nalaman na si kuya Zirco at siya ay iisa, kaya sobrang saya ko kanina na nakita ko siya. May picture pa nga kami" ipinakita niya sakin. Kaya pala di siya nakasunod sakin. Napangiti naman ako.

"Ate may tanong ako"

"Ano naman yun?"

"Mahal mo pa ba si kuya?" Natigilan ako sandali " sorry te, alam kong personal na tanong na yun pero ayos lang kung di mo sagutin. Kasi tingin pa lang ni kuya sayo kanina, mula pagbaba at hanggang sa hinarang namin siya para makipag picture, nakita ko sa mata niya na ikaw ang tinitingnan niya" nakatingin lang ako sa kaniya habang nakangiti siyang nakatingin sa gawi ni Zirco.

" Di naman siya mag alala sayo kanina kung di ka talaga mahalaga sa kaniya. I don't know kung anong ang point of view niyo but I know na mahal niyo pa ang isa't isa, at sa tingin ko kayo ang magkatuluyan"

" Nakung Bata to!" Ginulo ko ang buhok niya. " Ang lalim ng hugot natin ah. May boyfriend kana ba?"

" Wala no. Uunahin ko muna ang mga pangarap ko"sagot niya. Napangiti ako.

"Mabuti naman. Akala ko kasi may boyfriend kana e, dahil sa mga sinasabi mo kanina"

"NBSB ako, ayaw ko pang mag boyfriend hangga't di ko maabot ang pangarap ko bilang isang manunulat"

"Gusto mong magsulat?" Nakangiti siyang tumango. " Ano pala ang pangalan mo?"kanina pa kasi kami nag uusap di ko man lang kilala siya.

" Karen po"

" Alam mo Karen, matutupad mo rin ang pangarap mo. Magsulat ka para sa pangarap mo hindi para sa kasikatan. Alam mo, minsan na rin akong nangarap na magkaroon ng sariling libro pero di talaga yun para sakin, ngayon manunulat ako hindi  para magkaroon ng sariling libro kundi para makatulong sa ibang manunulat na gaya niyo. Kaya ikaw kung anong gusto mo abutin mo."

" Salamat te" tumango ako. Nagpaalam siyang umuwi na sa bahay nila kaya naiwan akong nag-iisa. Tumayo na ako at pinagpagan ang sarili saka naglakad pabalik sa gawi ng mga kaibigan ko.


Tinawag ko sila kaya napalingon sila sa gawi ko. Nagsitakbuhan.

"Saan ka ba galing?. Akala na namin nalunod kana!" Sabi sakin ni Yessha. Seriously, tinutoo talaga nila.

"Oo nga Athena. Legit ang kaba ko" Sabi pa ni Soul.

"Pati kami ni Vincent na natutulog, binulabog nila para lang tumulong sa paghahanap sayo" ani ni Alice.

"I'm sorry guys. Nandun lang naman ako sa kabila nagpapahangin"sagot ko sa kanila.

"Ang sosyal magpahangin, kailangan talaga lumayo?" Sabi ni Vincent. " Tingnan mo ang isa, nakatulala lang. Lapitan mo na baka ganyan na yan forever" dagdag niya. Naktanggap naman siya ng batok isa-isa samin. Siraulo talaga!.

"mamaya na lang" pumasok ako sa loob para magbihis, pero sinundan na ako ni Marga.

" Ganyan ka na ba ka walang awa sa tao, Athena?." Nilingon ko si Marga.

"What do you mean by that Marga?"

"Wag ka ngang mag maang-maangan Athena"

" I don't know what you saying" tinalikuran ko siya pero nagulat ako nong hinila niya ang isang kamay ko, napaharap ako sa kaniya at halos mabingi ako sa sampal niya.

"MATAGAL KO NA YANG GUSTONG GAWIN SAYO. AKALA MO BA DI KO NAPAPANSIN NA PINAGLALARUAN MO LANG SI ACE—"

Nabuhay ang inis at galit ko na unti-unti ko ng kinalimutan pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Walang kang karapatang sampalin ako. Kung iniisip mong PINAGLALARUAN ko siya edi paniwalaan mo hanggang sa mabaliw ka!. I have no time for you Marga. Di ko ibababa ang dignidad ko para lang sa katulad mo" maumanay kong sabi pero may mga diin. I respect her because she's still my friend.

"Direktahin mo ang isang tao para di na umasa sayo. Di yung nakikisama ka sa kaniya at may sikreto kang nilalandi" parang tumayo ang balahibo ko sa taenga nong makinig ko yun.

"WAG KANG MAGBITAW NG SALITA NA SARILI MO LANG DIN NAMAN ANG NATATAMAAN MARGA. I RESPECT YOU, PERO THIS TIME? MAGKAMATAYAN NA TAYO! MAPAPATUNAYAN KO LANG SAYO NA SA ATING DALAWA, IKAW ANG NAKAKALAMANG SA PAGIGING MALANDI—" isang sampal na naman ang sumalubong sakin. Nakakadalawa nato ah.

"HINDI AKO MALANDI SADYANG AKO LANG TALAGA ANG NA UNA!" Galit na sabi niya. Napatawa ako.

"OWW, maaari nating sabihin na ikaw nga  ang nauna pero ang tanong mahal ka pa ba?"

'mamatay ka sa asar ngayon!'

" Kung di niya ako mahal di niya ko babalikan" aba! Lumalaban talaga to.

" Binalikan ka niya kasi naaawa siya sayo. Tingnan mo ako ngayon, nananahimik lang sa bahay pero nakasama ko na siya at nakatabi pa. Kaya, ikaw ayusin mo buhay mo, wag puro kalandian ang inaatupag. Learn to let go kung alam mong di na siya sayo. Hindi ka sardinas para ipagsisikan ang sarili mo."natahimik siya.

Oh,ano ka ngayon?. Wag kasing sugod ng sugod kung alam mo namang ipapahiya ka mismo ng sarili mo.

The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now