chapter 27

30 5 0
                                    

Titanium POV

Kinabukasan, pagkagising ko wala na sila sa kwarto. Kaya naligo muna ako bago bumaba.

"Sis" tawag ni Yessha sakin. Pilit akong ngumiti saka naglakad papunta sa gawi nila. Pinaghila ako ni Zirco ng upuan na katabi niya. Umupo ako dun na walang anumang reklamo. Napatingin ako Kay Marga na katabi rin ni Zirco.


"Are you okay?" Napaiwas ako ng tingin.

"Yeah" maikli kong sagot.

Di na siya muling nagsalita, alam siguro niyang wala ako sa mood makipag usap. Natapos ang tahimik na tanghalian. Ang iba umalis para mag enjoy pero mas piniliko ang manatili rito. Masaya na ako habang nakatingin sa mga tao na  masayang nagtampisaw sa dagat kahit sobrang init.

Napangiti ako nong makita ko ang mga kaibigan ko na masayang nagbabatuhan ng mga buhangin, parang snow lang ang peg. Naramdaman kong may tabi sa tabi ko. At alamko sa amoy pa lang kung sino siya.

"Bakit di ka naligo kasama sila?" Tanong niya.

"Kakatapos ko lang maligo"sagot ko.

" Ang saya nila ano?. How I wish na makakapaglaro ako ng volleyball sa Beach" ramdam ko ang lungkot sa sinabi niya.

"pwede ka namang maglaro"

" Sana nga. Kaya ako naiinis sa mga taong nagsasayang ng pagkakataon e. Sinasayang nila ang pwede nilang magawa"she said." Kaya ako hangga't kaya ko ginagawa ko lahat" dagdag niya. "Ikaw ba Athena?"

"Anong ako?"

"Share ka about sa ayaw o gusto mo?"

"Ayaw ko sa mga taong di makuntento. At gusto ko sa mga taong nagpapakatotoo"sagot ko.


" Sana ganyan lang ka simply no. Madali kasi yang sabihin pero mahirap mo mahanap. Parang buhay nagpapakatotoo ka pero di siya nakuntento."ani niya " Alam mo ba Athena, dati Isa lang ang hangarin ko, ang mabawi siya, pero Haha wala e di na pwede. He loves you very much. Nasaktan ako ng sobra nong sabihin niya yun, kaya nga mapapabayaan ko ang sarili ko. Dumagdag pa ang problema ko kila mommy kaya ayun muntik na akong mamatay pero tinulungan niya ako. Mga panahon na di ako magpapaopera siya ang kasama ko, siya ang naging lakas ko kaya I'm very thankful. Siya ang naging sandalan ko sa mga pinagdadaanan ko. Kaya oras namang ibalik ko ang kabutihan ginagawa niya" di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko

"Kahit di niya hiningi sakin to, gagawin ko." Umiyak na rin siya at hinawakan ang kamay ko" I'm so-sorry Athena, sorry kung naging makasarili ako. Sorry kung nasaktan kita sa gitna ng kasiyahan ko. Sorry kung inilayo ko siya sayo. S-sorry." Para akong nabunot ng tinik. Di ko aakalain na sasabihin niya Ito sa harap ko. Akala ko mag-aaway na naman kami.

"Panahon na para sabihin ko sayo. Ako at si Zirco ay walang relasyon. Dati Oo, pero nong panahon na umalis kami dito, pinalabas lang namin na niluko ka lang niya para makalimutan mo siya, nagbayad kami ng mga Tao na magpasalamat sayo dahil sa pagpalaya mo sa kaniya. Ginawa lang namin yun para gumaling ako"

"so totoo ang sinabi ni Yessha na may sakit ka sa puso?"tanong ko.pinunasan ko na rin ang luha ko.

"Yes totoo yun, nagpunta kami sa ibang bansa para magpaopera. Alam mo ba kahit nandun na kami ikaw parin ang laging bukang bibig niya. Kahit ang pagkaing di familiar sa kaniya ay ipinangalan niya sayo. Dun ko nakita kung ano ang tunay na
pagmamahal. Kapag nagmahal ka pala dapat sigurado ka, na kahit saan ka man magpunta mananatili kang kuntento kahit di ka man niya nakikita. Marami akong natutunan sa mga nangyari Thena. Mula sa pagiging makasarili hanggang sa makikipagkapwa tao. Sorry for all the mess na ginawa ko at ng family ko sayo-sa inyo"

" Ngayong malinaw na sakin lahat. Pinapatawad na kita Marga. Salamat sa pagpapakatotoo mo sakin kahit mahira sinabi mo parin. Salamat sa lahat ng sakit kung di kasi dahil dito di ako magiging matatag. Sorry rin kung na saktan ka—"

Pinutol niya ang sasabihin ko.

" It's okay ,Thena. Wala na yun sakin. I'm happy now with Miles. Narealize ko na bakit pa ako maghahanap ng iba kung may tao namang handang masaktan para sa kaligayahan ko. Marami akong sakit na binigay sa kaniya at this time saya naman ang kailangan niya."

"I'm happy for the both of you"


"Me too. Kaya goodluck sa inyo. Kailan mo balak patawarin?" Tanong niya.

"Pag-iisipan ko muna"sagot ko.

" Pahirapan mo at nang matauhan" gantong niya. Pareho kaming natawa at muling nagyakapan.

Humiwalay kami sa yakap at ngumiti sa isa't Isa.

"Tara swimming na tayo" yaya niya. Tumango ako at inilagay ang kamay ko sa kamay niya na nakalahad sakin. Sabay kaming lumabas at nagpunta sa tabing dagat. Nakita pa namin ang mga kalukuhan ng mga kaibigan namin. Nandun rin siya na tumatawa.

"Baka matunaw yan" biro ni Marga.

"Sira!"Natatawang sagot ko.

"Uyyy nandiyan na sila!" Sigaw ni Yessha na ikinalingon ng iba pati mga Tao na malapit samin.

"Ang ingay talaga ng babaeng yan"bulong ni Marga sakin.

"Masasanay ka rin. Napagtiyagaan ko nga yan na lagi kaming magkasama" sagot ko.

"ayos na kayo?"tanong ni Soul.

" Hindi pa"sabay naming sagot.

" E bakit kayo magkahawak kamay?" Tanong pa niya.

"Bat ba ako nagka jowa ng slow?" Bulong ng kapatid ko naikinatawa namin lahat maliban kay Miles at Zirco na nasa malayo samin.

"Mabuti naman at ayos na kayong dalawa. Nakakamiss kasi ang lahat masaya"nakangiting sabi ni Alice.

" I agree" Sabi ni Vincent.

"Mag enjoy na lamang tayo rito. Kasi mamaya ay uuwi na tayo" sabi ni Marga.

" Oo nga pala. Graduation na natin bukas." Sabi ko.

"Hahaha oo nga at heto tayo naunang mag celebrate" ani ni Soul.

" Advance tayong mag-isip e" sabay sabya naming sabi.




Kung anu-anong ginagawa namin. Para kaming bumalik sa pagkabata yung tumatawa na parang walang inaalala. Di masamang mag relax minsan at kalimutan muna ang problema kahit isang araw lang kasama ang tunay mong mga kaibigan.

The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now