Sunod-sunod na tawag ang natanggap ko pero ni isa ay wala akong sinagot sa kanila.
Baka ano pa ang masabi nila sakin. Alas singko na ng hapon. Nandito lang ako sa kwarto ko, iniwan ko ang cellphone ko dun sa ibabaw ng kabinet. Lumabas ako ng kwarto. Tahimik ang paligid, mga pagkilos lang kasambahay ang nakikita ko."Ma'am saan po kayo pupunta?"tanong ng isa sa kanila.
"Sa labas, may bibilhin lang ako"sagot ko. Isinuot ko ang hood ko at lumabas ng bahay.
"Ayaw talaga niyang sagutin e" boses yan ni Yessha kaya nagtago ako sa likod ng isang halaman.
"Akyatin mo na lang kaya"si soul. Habang nakasandal sa kotse niya.
"Mas mabuti pa nga"sabay silang pumasok sa bahay. Kaya nagmadali ako, tumakbo ako palayo saka pumara ng taxi.
Gusto kong pumunta sa kompanya ngayon. Gusto ko bisitahin ang mga magulang ko. Nakarating ako mag alas sais na ng gabi. Medyo may kalayuan kasi to samin.
Binati nila ako at ganun rin ako sa kanila.
"Ghurl, nasa meeting pa ang mommy mo at ang bakla" salubong sakin ng secretary ni mommy.
"Okay lang. Maglilibot-libot na lang muna ako rito. Pakisabi na lang na nandito ako" sabi ko.
"Teka na saan yung isa mong kapatid?" Tanong niya.
"Nasa bahay. Pakisabi naman kay mommy na wag sabihin kay Yessha na nandito ako" pakisuyo ko. Gusto ko lang muna na mapag-isa ngayon. Tumango siya at umalis na.
Lilibutin ko na lang ang kompanya. Minsan lang kasi ako makapunta rito kasi busy rin sa school. May kaunting pagbabago lang naman pero ganun parin ang ibang desenyo. Naglakad ako papunta sa maliit na music room na nandito. Noon, dito ako lagi kapag pinasama ako ni mommy.
Pumasok ako roon, ganun parin ang ayos nito. May guitara, violin at piano. Umupo ako sa harap ng piano at nagsimulang tugtugin ang happy birthday. Ito lang kasi ang alam ko. Ilang ulit ko tong ginawa. Napalingon ako nong may pumalakpak sa likuran ko. Nakita ko sina mommy at daddy. Nakangiti akong tumayo saka sumalubong sa kanilang dalawa.
"Ghurl, Gabi na ah."sabi ni dad.
"Wala kasi akong magawa sa bagay dad, kaya naisipan kong pumunta muna rito"
"Tumawag si Yessha, may sleep over daw kayo sa bahay nina Zirco. Hinanap ka niya sakin pero di ko naman alam na nandito ka pala"sabi ni mommy.
"Dito na lang muna ako mom, namiss ko kayo e" niyakap ko silang dalawa. Naiiyak na ako kaya pinunasan ko muna to bago bumitaw.
"Ang sweet talaga ng baby namin" dad said.
"Athena may problema ba?" Tanong ni mom. Nong kumalas na ako.
Ngumiti ako saka inangkla ko ang braso sa mga braso nila at nagsimula kaming naglakad palabas.
"Nagkasagutan lang kami ni Yessha mom pero it's okay, gusto ko lang talaga dumistansya muna sa kanila" sagot ko.
"Nag-usap kayong dalawa. Wag niyong matagalin ang tampuhan na yan"sabi ni dad na nagpatango sakin.
"Dad, may hindi ba kayo sinasabi sakin?" Sandali silang napatigil sa paglalakad. Kaya mas lalo akong nagtaka.
"A-anak w-what do you m-mean?" Si mommy ang sumagot habang nauutal.
"Kaya kasi kami nagkasagutan ni Yessha dahil nasabi niya sakin na muntik ng maaksidente si dad dahil sa pagmamadali, nong araw mismo na sinubukan kong kitilin ang buhay ko"tumigil ako sandali sa pagsasalita "Bakit di niyo po sinabi sakin?" Tanong ko. Sa nakalipas na panahon alam ko sa sarili ko na katangahan yung ginawa ko pero Ito talaga ang di ko alam.
"Wala na yun anak—"
"Pero dad, kung naaksidente kayo kasalanan ko yun—"
"Athena, wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan kasi nag overtake ako sa malalaking sasakyan na di inisip kung may kasalubong ba o wala"sabi ni dad.
"Anak, di mo kasalanan okay?. Nag-away kami ng baklang yan nong panahon na yun, ang harut kasi kaya di namin nakuha ang partnership sa mga Jose."sabat ni mommy. "Wag ka ng pumalag, dahil yun ang totoo"
"Okay fine!"pagsuko ni dad. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Minsan ganyan talaga ang mga yan nag babangayan.
Sa gitna ng paglalakad namin nakasalubong namin ang mommy ni Zirco.
"Hija, nandito ka pala" nakangiti niyang ani at nakipagbeso sakin.
"Malamang nakita mo naman diba?" Bulong ni mommy.
"May sinasabi ka kurimaw?" Nakataas ang isang kilay ni tita.
"Wala kurikong na mahilig sa cactus"ganti ni mommy. Ano ba namang endearment na yan, kurimaw? Kurikong?. Gagi nakakatawa pinigilan ko lang.
"Hija, diba sa bahay namin kayo ngayon matutulog?" Tanong niya.
"Sa susunod na lang po ako sasama sa kanila"
"Baka sa susunod mong pagtulog dun Mrs. Avellana ka na" sabi niya. Napayuko na lamang ako. Pinipigilan ko ang ngumiti. Bakit masarap pakinggan?. Lang'ya!.
"Ang hina kasi niyang anak mo. Di pa magawang manligaw ulit."sabi ni mommy.
"Ano ba kayong dalawa"saway ni dad "para namang wala dito ang bata. Hayaan niyo na nga sila sa buhay nila"dagdag niya.
"Whatever bakla" umirap pa si tita.
"Kaysa naman sa asawang bitter" ganti ni daddy.
"Sinong nagsabing bitter ako?" Sabay kaming napalingon sa dumating. Si Tito pala—daddy nina Alice.
"Ikaw na ang umamin niyan"sabi ni daddy.
"Lang'ya!, Ikaw na nga ang pinili diba?"sabi ni Tito.
"Mga siraulo kayo! Gwapong gwapo talaga kayo sa sarili ninyo!"sabat ni mommy. Napatawa lang ako sa kanila.
"Mas gwapo pa nga ang mga cactus ko sa inyo!" Sabi ni tita." Kurimaw, alis na kami" paalam niya at hinila ang isang tainga ni tita.
"Kawawa talaga si kurikang sa kamay ng isang kurikong" napailing-iling nasabi ni mommy. Napatawa ako.
"Mom, ano ba namang endearment na yan. Saan niyo ba yan nahanap?"natatawa kong tanong.
"Kasi ganito yan anak" naglakad kami ulit papalabas na. Uuwi na kasi kami." Nong high school pa lang kami is magkakaibigan na kami, gustong gusto ng tito mo ang mommy mo" kwento ni dad.
"Wee, talaga ba?"
"Totoo yan baby, maganda ang mommy mo e kaya di nakapagtaka na ang anak niya gusto ka"saka humalakhak si mommy.
"Tss" rinig ko mula kay dad "balik sa kwento na nga tayo. So yun ng gusto ng Tito mo ang mommy mo pero wala siya magagawa kasi ang mahal ng mom mo is ako." This time si dad naman ang tumawa.
Napairap na lang si mommy at kami ni daddy ay nagtawanan. Hanggang sa nakarating kami sa bahay puro asaran lang silang dalawa at ako naman ay tagatawa lang. Para naman may audience.
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Teen FictionDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...