Titanium POV
"Guys wag kayong maingay, natutulog pa si Athena"_ Alice.
"Soul naman hubarin mo nga yang bra ko." Kapatid ko yan.
"Bro, mukha kang tanga. Bagay pala sayo maging bakla"_ si Vincent habang tumatawa.
"Gago"sagot ni Soul. Nagtawanan sila pero mahina lang yun. Idinilat ko ang aking mga mata pero di pa ako bumangon. Nanatili ako sa higaan at napatulala na lang sa kisame.
Mabigat ang katawan ko. Para di sang-ayon na bumangon ako. Napalingon ako nong may tumalon sa kama ni Yessha.
"Di man lang nagulat"sabi ni Alice " Anong bang nangyari at namamaga yang mata mo, Thena?" tanong niya.
"Wag muna nating pag-usapan guys. Tara kain muna tayo sa baba"yaya ko at naunang naglakad. Kahit pakiramdam ko wala akong lakas. Nagpatuloy parin ako. Nakasunod sila sakin habang nagbulungan. Alam kong may clue sila kung anong nangyari. Syempre si Soul at Yessha pa mga dakilang chismosa kaya yan.
Nadatnan namin si mommy at si daddy na nasa kusina, nagluluto.
"Mga babies gising na pala kayo"nakangiting sabi ni dad.
"Good morning 'to. Good morning 'ta" bati ng mga kaibigan ko.
"Good morning din sa inyo"balik nilang bati.
Nilagyan kami nila ng pagkain sa plato. Nagsimula na akong sumubo habang sila nag kwe-kwentuhan.
"Teka, na saan pala si Zirco?"dahil sa tanong ni mommy. Nabara ang kinain ko sa lalamunan ko. Tumakbo na ako sa lababo at dun sinuka lahat. May humimas sa likod ko.
"Anak naman, alam kong matakaw ka pero wag mo naman nguyain lahat" sabi ni dad. Pinagpawisan ako pagkatapos ko maisuka lahat. May inabot siyang tubig sakin kaya tinanggap ko.
"Thanks Dad"
Pagbalik ko sa upuan ko, napatigil ako sandali nandun siya at nasa mismong harapan ko nakaupo. Naramdaman kong hinawakan ni daddy ang pulsuhan ko. Kaya napatingin ako sa kaniya. Tumango siya kaya lumakad ako pabalik sa kinauupuan ko.
Nanatili akong tahimik at kumakain. Di ko na inaksahan ng oras na tumingin sa harapan ko kasi alam ko kung sino ang makikita ko roon.
"Mauna na muna kami mga babies. May meeting kami sa company ngayon." Paalam ni mom. Ngayon ko lang din napansin na nakadamit pang opisina na pala sila. "Athena, kain ng marami anak ha"tumango na lang ako. Humalik sila ni dad sa pisngi namin.
"Gurl, ayos lang yan. Kung di mo kayang tingnan, yumuko ka na lang" bulong ni dad sakin kaya napatawa ako. Maluko rin talaga tong si daddy. "Bye dad"sabi ko para makaalis na siya. Kumindat pa siya sakin bago lumabas sa kusina.
"Sis, saan ka ngayon?" Biglang tanong ni Yessha.
"Dito lang bakit?"
"Yun oh!, Tamang tama lalabas kami ngayon, sama ka ah" sabi ni Alice.
"Sa wakas makokumpleto na rin tayo" nakangiting saad ni Soul.
"Oo nga, alam kung pagkatapos ng graduation natin, di na tayo basta-basta makalabas na magkasama. Marami na kasi tayong dapat iprioritized" sang-ayon ni Vincent.
"Bakit saan ba?" Tanong ko. Ito na siguro ang panahon para kalimutan ko ang mga negatibo sa isip ko.
"Sa park lang, mukbang tayo" sagot ni Yessha.
"Bro Zirco, sinabihan ko na si Miles, sama ka rin" sabi ni Soul na sinang-ayunan ng iba.
"I'm not sure. Marami pa kasing akong dapat gawin"sagot niya.
"Kuya naman, mas mahalaga pa ba yun sa friendship natin" ani ni Alice.
"Oo nga Zirco, don't worry lahat ng nasa nakaraan, kakalimutan na lang natin yun. Let's start our friendship with new memories, new beginning and new happiness." sabi ng kapatid ko. Tinaasan ko siya ng kilay nong tumingin siya sakin.
"Kaya sa mga hindi ayos diyan, bigyan niyo ng pagkakataon ang isa't Isa na magkausap ng maayos. Malay natin iba lang talaga ang inisip natin sa tunay na dahiln nila" napatango sila dahil sa sinabi ni Vincent. Nanatili lang akong nakikinig at di nagsasalita.
"Titan?"napatingin ako sa kaniya. "Pwede ba akong sumama?"tanong niya.
"Bakit ako ang tinatanong mo?"tanong ko.
"Baka kasi di okay sayo, ayoko ko naman ipilit"he replied.
"Lakad barkada to Zirco, you don't need to worry. Okay lang. Kung maaari nga dalhin mo si Kenny"sagot ko. Nakita ko na ngumiti ang mga kaibigan namin.
"Sige, sasabihin ko"tumango ako. Nagsitayuan na kami. Nagpaalam na na umuwi na sila. Kaya kami ulit ni Yessha ang nandito sa bahay. Ako ang nag hugas kaya mas naunang pumunta sa kwarto si Yessha.
Pagkalabas ko ng kusina may familiar akong babae na nakakita naka upo siya sa sofa at nakatalikod sakin. Kaya ngumiti ako at naglakad papunta sa gawi niya.
"La, namiss ko kayo"magiliw kong sabi. Ngumiti siya sakin "kumusta na kayo?"pinaupo niya ako sa tabi niya.
"Mabuti naman ako apo. Namiss ko din kayo."sagot niya.
"Bat ngayon lang kayo dumalaw la, di mo tuloy naabutan sina mommy"
"It's okay apo. Nagkita na kami sa kompanya kanina. Kasali ako sa meeting para sa partnership natin sa mga Avellana"
"Partnership?. Wala namang binanggit si mommy."sabi ko. "At bakit sa kanila pa?"tanong ko.
"Bakit hindi?"tanong niya ulit.
"La, di naman sa ayaw ko pero la bakit sila?, E diba may iba pang gusto maging partner ng kompanya natin?"
"Athena apo, Avellana publishing company is one of the biggest and successful company sa Pilipinas. Tinimbang namin lahat pero sila talaga ang nangunguna. Di na rin tayo mahihirap kasi magkaibigan sila ng mommy at daddy niyo at ang mga Avellana." sagot niya. Bakit nga ba ayaw ko?
"Pero la pwede ba yun?"
"Of course, apo. In terms of business kailangan mo tingnan ang ikabubuti ng nakakarami kaysa sa iisa. Kahit ayaw mo pero dapat mong gawin. Gaya lang din yan sa desisiyon ng isang tao." ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko "kahit ayaw niyang gawin, ayaw niyang makasakit ng tao pero kailangan niyang gawin para sa ikabubuti. Kaya Athena, I'm not pushing you to believe him but you need also to face the problem. Wag mong hayaan na magkasira kayo ng tuluyan at pati ang magkakaibigan niyo maaapektuhan. Learn to listen, walang mawawala kung makinig ka."sabi niya at iniwan ako dun na nakatulala.
Paano kaya kung makinig ako? Anong mangyayari?.
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Teen FictionDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...