chapter 7

31 3 0
                                    

Titanium POV

Naglilinis ako ng kwarto nang may kumatok. Pagka sabi ko ng pasok, iniluwal ng pinto si Yessha na bihis na bihis.

"Saang party ka na naman ba dadalo"nakapamaywang kong sabi sa kaniya. "Wag kang papasok kung ayaw mong madumihan yang dress mo"banta ko sa kaniya. Kita niyang nagma-mop ako.

"Ano ba yan?. Alas singko na ng hapon di ka parin tapos diyan?"

"Kita mong naglilinis pa ako nagtatanong ka pa"bara ko sa kaniya.

"Athena naman, wala ka bang naalaala na puntahan natin ngayon?"muli niyang tanong.

"Wala naman. Baka ikaw lang itong may gala, dinamay mo lang ako"sagot ko at ipinagpatuloy ang pagmop.

"Athena, sabado ngayon"maktol niya.

"O ano naman. Anong gusto mong gawin ko palitan ko ng lunes ang araw na to?"makipagtalo pa sana siya pero dumating na rin si mommy at daddy na nakabihis rin. Seriously? ako Lang yata ang di na update na may lakad kami ngayon?.

"Kanina pa namin kayo hinihintay sa baba"sabi ni mommy.

"My, si Athena kasi e, kanina pa naglilinis di pa nakabihis"sumbong ng kapatid ko.

"Paano ako magbibihis? E di niyo nga sinabi sakin na may lakad pala tayo"pangatwiran ko. Totoo naman kasi.

"Anak naman. Akala ko ba sinabihan ka na"sabi ni dad.

"Sino naman?"taka kong tanong.

"Birthday ngayon ni Kenny!"sabay nilang tatlo. Sandali akong napahinto at dun ko lang na alala na tumawag pala sakin si Kenny nong nakaraang araw. Bat ko ba yun nakalimutan.

"Magbihis ka na anak. Late na tayo ng sampung minuto"Sabi ni dad.

"Mauna na lang kayo, susunod ako"tangi kong sagot.

"Sure ka ba diyan?"tanong sakin ni Yessha.

Tumango ako"of course. Di naman habang buhay ko silang maiiwasan."

"Pwede ka naman na di sasama. Sasabihin ko na lang kay Kenny na may sakit ka"

"Yessh, I'm okay. Ngayon ko lang ulit makita ang batang yun kaya pupunta ako"sigurado na ako. Kung magkita man kami edi magkita. Birthday ng kapatid niya ang pupuntahan ko hindi siya.

"Pwede ka pang magback out"dahil sa kakulitan niya naibato ko ang unan ko sa kaniya, buti na lang nasalo niya.

"Alam mo ikaw, kung papaano nagmatured ang boyfriend mo tsaka ka naman naging isip bata! Bakit ba ang kulit kulit mo!"inis kong sabi sa kaniya. Tinawanan niya lang ako at nag peace sign.

"Sorry naman sis, nasaksihan ko kung paano ka muntik ng mamatay dahil sa kaniya kaya ayaw ko ng maulit pa yun"napangiti ako dahil kahit na ganyan si Yessha concern parin siya sakin. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.

"Don't worry about me. Isang katangahan ang ginawa kong paglalaslas noon. Di ko na ulit yun gagawin"sabi ko sa kaniya. "Baba ka na roon at nang makaiwas ka sa kurot ni mommy sa singit. Ang tagal mo kasi"natatawa kong sabi.

"Okay. Basta susunod ka ha!"

"Oo nga ang kulit"

"Di ka maglalaslas ulit?"tanong pa niya.

"Di na"tinulak ko siya palabas sa aking silid. Napailing na lang ako sa kagagawan ni Yessha. Di ko sinasadya na makahawan ang peklat sa aking pulsuhan kasabay nun ang pagpasok sa mga alaala.

Pagkatapos kong makita kung paano sila kasaya na magkahawak kamay na umalis, pinagtitinginan ng marami habang ako di man lang niya nilingon. Kusa ring nagtuluan ang mga luha ko. Kahit anong tanggi ko na di ako nasaktan pero iba kung ang puso ang pagbabasihan. Tumakbo  ako noon muntik pa nga akong masagasaan. Hinihiling ko na sana mawala na lang ako pero nakarating na lang ako sa bahay na buhay parin ako dala parin ang sakit.

Dali-dali akong magtungo sa kusina at kinuha ang isang maliit na kutsilyo at tumakbo sa kwarto. Wala sina mommy nun umalis sandali Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na gawin ang dinidikta sa isip ko. Kinuha ko ang kutsilyo at ibinaon sa pulsuhan ko.

Sunod-sunod na katok ang narinig ko kasabay nun ang boses ng mga kaibigan ko. Di ko sila pinagbuksan at nananatili ang tingin sa kutsilyo at sa pulsuhan ko. Nakahanda na akong gawin yun nang bumukas ang pinto. Hinablot sakin ni Yessha ang kutsilyo at ibinigay naman niya Ito kay Soul

"AKIN NA YAN! GUSTO KO NG MAMATAY!"sigaw ko at pilit kinuha ang kutsilyo.

"Tama na yan thena. Di solution sa problema mo ang pagpapakamatay"saway sakin si Alice at niyakap ako ngunit itinakwil ko siya at kinuha ang kutsilyo. Si Soul na ang kumuha nun ulit sakin kasabay ang pagdapo ng palad ni Yessha sa pisngi ko.

"GUSTO MONG MASAKTAN DIBA?"muli niya akong sinampal pero wala akong naramdaman hapdi sa pisngi" BWES, AKO ANG GAGAWA NUN SAYO! ITONG SAMPAL KO MINSAN KO LANG IBIBIGAY NG LIBRE. MAS SWERTE KA AT IKAW ANG NAKATIKIM SA PINAKAMALAKAS"inawat siya ng mga kasamahan namin pero di siya nagpatinag" HINDI! HINDI AKO TITIGIL HANGGA'T DI PUMAPASOK DIYAN SA ISIP MO NA DI KA NA NIYA MAHAL! DI KA NIYA MAHAL ATHENA!"

"DI TOTOO YAN!"sigaw ko.

" TOTOO YAN. KUNG MAHAL KA NANDITO SIYA KASAMA MO PERO PINILI NIYA MAKASAMA ANG MAHAL NIYA KAYSA SAYO!. DI BA SIYA NARIN ANG NAGSABI SAYO NA GUSTO KA LANG NIYA."nasaktan ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko siya ng masama

"NASASABI MO LANG YAN DAHIL DI IKAW ANG NASA SITWASYON KO"

"SINASABI KO TO DAHIL GUSTO KO MAGISING KA. BAKIT MASAKIT BA? MASAKIT TALAGANG MASAKTAN SA KATOTOHANAN! SASAKTAN KITA SA PARAANG ALAM KO ATHENA. DI KO HAHAYAANG MAGKAKAGANYAN KA LANG DAHIL SA WALANG KWENTA"

Habang naalaala ko ang eksinang yan napapaluha ako sa tuwa. Diyan ko narealize na Tama sila. Di solution sa problema ang kitilin ang buhay. Biyaya ito satin kaya dapat di natin sayangin kasi maraming bata na gustong mabuhay pero wala ng pagkakataon. Kaya bakit natin sasayangin kung pwede naman ito gamitin sa kabutihan.

The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now