Chapter 21

28 3 0
                                    

Monday morning naghanda na ako para sa pagpasok. Ito na ang huling linggo namin. Sa monday graduation na namin. Kaya lahat busy.

Naka jeans lang at naka t-shirt ako. Pumunta ako sa kusina nakasalubong ko pa si Yessha pero di ko siya pinansin. Nahihiya kasi ako.

Pagkalabas ko wala na siya, wala na rin ang kotse ni Soul. Nagpahatid na lang ako sa driver. Habang naglalakad ako, napalingon ako sa kabuuan ng school. Di ko alam kung kailan ulit kami makakabalik sa campus na to. Di na kasi basta-basta makakapasok ang di nag aral dito. Syempre mamimiss ko ang campus nato.

Nakarating ako sa room. Nadatnan ko silang nagkagulo. Inayos ang bawat upuan paside.

"Bakit ganito ang ayos?"tanong ko sa isa sa mga kaklase ko.

"May debate daw tayo para sa final grade natin kay Mrs. Catus"sagot niya. Bakit di ko yata alam to.

"Ah, ganun ba. About saan naman?" Tanong ko ulit.

"Surprise daw e." Sagot niya at bumalik na sa pagtulong. Pati ako tumulong narin kahit di ko alam ang gagawin, sinunud ko na lamang ang ginagawa nila. Pagkatapos ay nagsipag-upuan na kami, hanggang sa pumasok si ma'am Catus na dala na naman ang meter stick niya.

"Good morning" tiningnan niya kami isa-isa. Kaya napaiwas rin kami ng tingin. Binati namin siya pabalik.

"Ngayon ay may isasagawa tayong debate. Girls vs. Boys para ito sa bagsak niyo nong first cem sa subject ko. Now, choose a representative sa bawat grupo" sabi niya. Nagkagulo ang mga studyante. Kaniya-kaniyang silang sabi kung sino at todo tanggi naman yung mga itinuro nila.

"Ma'am si La Cuesta samin!"

"Oo, sure kaming panalo na yan"

Sabi nila na sinang-ayunan ng lahat ng babae. Putek!.

"Ma'am—"

"Okay then. Miss La Cuesta ikaw ang representative para sa mga babae" pagputol niya sa sasabihin ko. Lang'ya naman oh!. Di man lang ako binigyan ng pagkakataon na makareklamo.

"Boys sino sa inyo?"tanong ni ma'am.

"Nasa labas pa ma'am. Sinundo pa nila"sagot niya.

"Nandiyan na siya. In the right corner, wearing a white T-shirt. Please welcome Zirco Ace Avellana" sabi nang isang kaklase naming lalaki na parang nasa boxing court.

Kahit nagulat ako. Tumayo parin ako nong sinabi ni ma'am. Kinakabahan ako pero kaya to!.

"Okay let's start. Our topic is known na sa mga tao lalong lalo na sa mga ka edad ninyo. Ano ang mas mabuti mahal ko o mahal ako." Tumigil sandali si ma'am bago nagpatuloy ulit." Athena mauna ka"

"Mahal ako"sagot ko na ikinatili ng mga kababaihan. Syempre kailangan nilang sumuporta.

" Okay. Start"

"Syempre Mahal ako, aanhin ko ang mahal ko  pero manloloko"unang sabi ko.

"Yowww!"sigawan ng mga babae.

"Aanhin mo rin ang mahal ka pero di yun ako" sagot niya. Kaya nagkagulo ang mga studyante. Pati si ma'am nakitili na rin at ang masama maraming tao sa labas. Bwesit to!. Nananadya talaga!.

"Enough!" Napatahimik kami dahil sa sigaw ni ma'am. Patay! Galit yata. "The debate is now close" dugtong niya. W-what?. Ano daw?. Close? E kakaumpisa pa lang namin ah.

"P-po?" sabay-sabay naming tanong.

"You can do whatever you want. I'm satisfied sa sagot niyo" saka siya lumabas. Satisfied? E para nga lang kami batang nagkasagutan.

Nagsiupuan  ang iba habang ako lumabas dahil pupunta ako sa club writes. Nakarating ako dun, umupo muna ako saka ko naisipan magcellphone muna.

Noong isang linggo pa to nagnotif sakin ang email pero di ko binuksan.  Dahil curious ako kung sino to, ngayon ko bubuksan dahil may free WiFi naman dito sa club.

Nanlaki ang mata ko. Napaayos ako ng upo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nong mabasa ko kung kanino galing ang email na yun. I miss this girl.

Nagmadali akong lumabas, gusto kong ibalita to kay Yessha.


Zirco POV

Kanina ko pa hinahanap si Titan pero di ko makita. Saan ba yun nagpupunta. Baka kasi na-offend siya sa sinabi ko kanina. Pinuntahan ko ang kapatid niya sa kabila.

"Yessh"tawag ko dito.

"Hello mah' bro"bati ni Soul sakin.

"Si Yessha ka ba ha" sarcastic kong sabi. Alam ko kasi ang takbo ng utak niyo, gagawa na naman to ng kalukuhan.

"Ako si Soul na gwapo pero magkadugtong naman ang buhay namin ni honeypie ko" ang baduy talaga nito.

"Ano yun Zirc?" Tanong ni Yessha. Inakbayan naman siya ni Soul. Akala mo naman may aagaw niyan sa kaniya.

"Dumaan ba dito si Athena?"

"Hindi, hanggang ngayon di pa rin kami nag-uusap magmula nong magkasagutan kami"

"Ganun ba. Kanina ko pa kasi siya hinahanap"

"Sana all hinahanap" sabat ni Soul

"Try mo iwala ang sarili mo" sabi ni Yessha dito.

"Sige tapos hahanapin mo ako?"tanong ng gago. Natawa na lang ako.

"Hindi. Di ka naman importante"pangbara ni Yessha dito. Pinagtatawanan ko lang silang dalawa.

"Sige yessh, puntahan ko na lang sa club writes" tumango siya " alis na ako, di IMPORTANTE"

"Napaka ano nito!" Sigaw ni Soul kaya tumakbo na ako palayo. Tinakbo ko na rin ang papuntang club writes. Wala e gusto ko siyang makita.

Siya kaya ang nag-iisang gusto ko lagi makita. Ano ba yan, mas kinikilig ako.

Pagbukas ko, ganun na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagkabanggan kami at ang malala pa. We Accidentally kiss.

Nanigas ako, di ko maigalaw ang katawan ko. Nanlaki pareho ang mata namin habang naglapat parin ang labi. Nag slow motion lahat sa paligid, parang nawalan ang Mundo ng gravity, yung tipong lumilipad kami sa ere.

Ilang secondo bago ko narealize ang nangyari. Napalayo siya sakin.

"I'm sorry—"sabi ko tumakbo na siya palayo sakin. Nag init ang mukha ko, first kiss namin yun. Kahit nong kami pa hanggang pisngi lang talaga ang halik tapos ngayon.

Gusto kong maisulat agad to sa kaming kwento.

Nakangiti pa ako na parang tanga, di kasi mawala sa isipan ko. Ganito ba kiligin ang mga lalaki, laging nakangiti na parang lagi nilang nakikita ang babaeng mahal na mahal nila.

"Akin ka na talaga Titan. Wala ka ng kawala" nakangiting bulong ko sa kawalan.

The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now