chapter 6

41 4 0
                                    

Titanium POV

Kaya kinabukasan taas noo akong pumasok mula sa labas ng gate hanggang sa makapasok ako sa campus.

"Ang taray ah"salubong sakin ni Yessha at heto na naman po sila magkahawak kamay.

"Di ba napapawis yang kamay niyo? Kagabi pa yan magkahawak ah"sabi ko.

"Ganyan talaga kapag nagmamahal ka. Di siya bibitawan hangga't mahal mo pa"sabat naman ni Soul

"Sus akala mo naman ang bait."

"Mabait kaya ako, kayo nga lang tong laging nananakit sakin. Mga babae talaga ang hilig niyong manakit"pagda-drama pa ni Soul

"Hiyang hiya naman ako sayo"sagot ko. "Sige, kita na lang tayo mamaya"paalam ko sa kanila at lumakad na. Papaakyat na ako nang makasalubong ko si Miles. Gumilid ako sa hagdan upang makadaan siya pero nananatili siya sa tinatayuan niya.

"Athena nakita mo ba si Zirco?"tanong niya.

"Hindi"maikli kong sagot. At humakbang na para makaakyat. "Akala ko magkasama kayo. Sabi niya kasi kanina na may pag-uusapan kayo"napahinto ako dahil sa sinabi niya.

"Hindi lahat ng sinasabi ng isang tao totoo"mabilis kong sagot. Pangako nga napako. Ano pa kaya kung sinabi lang. "Baka may pinuntahan lang siyang importanteng tao kaya wala rito"dugtong ko nong di siya sumagot. Nagpatuloy ako sa pag akyat hanggang sa makarating ako sa classroom ko.

Di ako galit sa kaniya. Oo, inaamin ko na nagtatampo ako kay Miles kasi magkaibigan kami pero nalaman ko na lang na alam niya pala lahat ng nangyari limang taon na ang nakakalipas. Masakit—sobrang sakit kasi yung mga taong tinuring mong pamilya, pinagkatiwalaan sila rin pala ang sisira sa lahat ng tiwalang binigay ko.

Di pa ako nakakaupo nang may tumawag sakin. Kaya lumabas ulit ako at nagtungo sa club writes pinapasabi daw ng president namin na may meeting. Kahapon lang kami nandun tapos ngayon pupunta na naman kami dun.

Di na ako kumatok at diretsong pumasok sa loob. Nadatnan ko siyang perting nakaupo sa upuan ko.

"Anong ginagawa mo diyan sa upuan ko?"inis kong tanong sa kaniya. Kahit nga ang tatlo kong kasama sa club di yan nagawa siya pa kaya na bago pa. Nanatili siyang nakaupo roon habang nakatingin sakin.

"Nakaupo"sagot niya na ikinainis ko lalo pero di ko pinahalata sa kaniya.

"Wala akong balak makipaglukuhan sayo Mr. Avellana. Diba may meeting tayo? O, na saan na sila at nang masimulan mo na"mula pa kanina nong pagpasok ko wala ni anino ng tatlo.

"May meeting tayo" napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya at idiniin pa niya ang salitang tayo. Nananadya talaga siya ano.

"Sa loob ng apat na taon kong kasapi ng club writes hindi pa ako nakasaksi na may meeting na dalawa lang ang tao"Ani ko. Maging ang adviser namin ay di pa nagpatawag ng ganito.

"Ibahin mo ngayon Titan. Ako ang nangunguna kaya ako ang masusunod"may halong pagkainis na sabi niya.

"Ibahin mo rin ako Mr. Avellana. Kung sila sinusunod ka, bwes pagdating sakin wag ka ng umasa"napatayo siya.

"Ganyan na ba talaga katigas ang puso mo?. Di na ikaw ang dating Titan nakilala ko"

"Anong akala mo sakin bata? Siguro noon oo, pero ngayon hindi na ako maniniwala sayo. Iba ang dati sa ngayon Zirco, ngayon sabihin mo sakin bakit ka pa bumalik?"napaiwas siya ng tingin sakin.

"Tapos na yun. Nandito ako para magsagawa ng meeting"malumanay na sagot niya at tiningnan isa-isa ang papel kahit nakabaliktad ito.

"Nagawa mo nga akong lukuhin noon, kaya bakit pa ako magtataka kung nagawa mo yan ulit ngayon"sabi ko bago lumabas sa club writes.

Zirco POV

Napasambot na lang ako sa buhok ko. Kahit ilang ulit kong iuntog ang ulo ko sa headboard ng kama di parin mawala sa isip ko ang sinabi ni Titan kanina. Nasaktan ako pero pinili kong nanahimik na lang dahil alam kong mas nasaktan ko siya.

Napaayos ako ng upo nang makita ko si Kenny na pumasok sa kwarto ko.

"Nagkaayos na ba kayo?"paulit-ulit na tanong niya na di ko man lang mabigyan ng sagot. Alam ko kung gaano niya ka gusto si Titan para sakin noon pero dahil nga sa ginawa ko pati siya naapektuhan.
"I guess hindi pa. Kaya ako na lang ang gumawa ng paraan."napatingin ako sa kaniya.

"Anong paraan?"tanong ko

"Tommorow is my birthday. I invited her."

"Alam kong di siya papayag. Di yun pupunta dito"sagot ko at sumandal sa headboard. "Galit yun sakin kaya di yun pupunta dito, lalo na nandito rin ako"dugtong ko.

"Kahit galit siya sayo pinili parin niya ang makisama sa ibang tao. Alam ko na siya parin ang ate Athena na nakilala natin noon. Kaya kung di mo kaya sabihin sa kaniya lahat, tutulungan kita kuya"

"Teka, paano mo siya naimbeta? Nagkita kayo?"tanong ko. Nakablocked pa kasi ako sa social media accounts niya.

"May nakuha akong number niya galing kay ate Alice"sagot pa nito at sandaling ipinakita niya sakin.

"Pahingi"parang bata kong sabi. Sinubukan kong agawin ang cp niya, mabilis rin niya itong inilayo sakin at isinilid sa bulsa niya. "Kenny naman, matagal ko nang gusto magkaroon ng bagong number niya"

"I'm sorry kuya, pero hangga't di kayo nagkaka-ayos walang phone number ang mapupunta sayo"sabi niya. Sinubukan ko parin na habulin siya pero tumakbo siya palabas ng kwarto ko. " May nakalimutan pala ako. Uuwi na sila daddy mamayang gabi kaya humanda ka"sabi niya at muling tumakbo paalis.

Isa ko pa palang problema. Isang taon rin na wala sina mommy at daddy dito sa Pilipinas dahil business silang inaasikaso. Ano na lang ang isasagot ko kapag nagtanong sila tungkol kay Titan.

Alam naman nila ang tunay kong dahilan pero di ko parin maiwasan na di kabahan dahil baka di ako maniniwalaan ni Titan.  Oo kasama ko si Marga dun pero iba  talaga basta siya.

The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now