Chapter 26

25 5 0
                                    

Titanium POV

Nakakainis talaga siya. Nakakainis!.

Pati mga maliliit na bato nadamay sa pagkainis ko kay Marga. Umupo ako sa tabi ng dagat at kumuha ng mga maliliit na bato para itapon. Kahit sa ganitong paraan mababawasan ang bigat ng nararamdaman ko. Isa pa ang Zirco na yun di man lang ako sinundan.

Naramdaman kong may tao sa likuran ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Gaga kapatid mo to. Ilublob kita diyan e" sagot niya at umupo sa tabi ko at ginaya ang ginagawa ko.

"Akala ko kasi si Zirco"

"Gusto niyang sumunod sayo pero pinigilan ko"

"Mabuti naman" sagot ko.

"Pinigilan ko siyang sundan ka para mabantayan niya si Marga" napatawa ako sandali sa narinig ko. "Walang kasalanan si Marga,sis"

" Stop it Yessh, wag mong hayaan na mag-away na naman tayo nang dahil sa kaniya" malumanay kong ani. Ayaw kong maging dahilan na naman si Marga para magkasira kami magkapatid.

"Makinig ka Athena. Marga is a nice girl—"

"Para sayo, Oo. Kasi di ikaw ang ginawan ng masama"

"may mga bagay lang talaga na dapat unahin kahit alam mong may masasaktan ka, at yun ang ginawa ni Zirco"

" Sawa na ako sa mga ganyan Yessh. Kung nandito ka lang para sila ang ating pag-usapan, you can leave now. Mas gugustuhin kong ibulong na lang sa hangin lahat ng kinanakit ko kaysa sa may mga tao ngang nakikinig sayo pero di mo alam kung totoo sayo. " sabi ko.

Malungkot ang kalooban ko, isipin niyo yun. Kapatid ko pero sa iba komampi at ang mas malala pa ako pa ang parang sinisisi.

"Stop that nonsense Athena. Grow up!. Matanda ka na pero di ka makakaintindi ng logic" napatayo kami pareho.

"Ano ba ang nais mong iparating. Yessha?. Na dapat kong yakapin siya kahit nasasaktan ako?. You don't know kung paano ko nilabanan araw at gabi ang kinanakit na to, akala niyo okay na ako kasi tumatawa ako kasama niyo, diyan ka nagkakapamali Yessha! Kapatid kita pero di mo alam lahat! " Bumuhos na ang mga luha ko. Mas masakit pala kung ganito ang iniisip ng kapatid mo sayo. " I'm tryin' and still trying na mabalik ko ang dating ako pero hanggang ngayon I'm still trying Yessha!"

" That's all because di ka marunong makinig! Your not even listening the other side! Kasi ang gusto mo ikaw lagi!. Stop being  shelfish Athena, di ka na Bata. Learn to listen naman! Kapatid kita kaya gusto kitang tulungan—"

" Oh sige nga paano mo ako matulungan?. Matulungan mo ba ako kung paano tuluyang mawala ang hinanakit ko dito!? " Tinuro ko ang puso ko.

"Accept the truth then you will be free" sabi niya. Napatingin ako sa kaniya.

" Paano ko nga malalaman ang totoo kung pakiramdam ko lahat kayo nagsisinungaling sa harap ko" ani ko. 
"Let's stop this nonsense fight. Mauuna na pala akong umuwi" naglakad ako pabalik sa kwarto na inuupahan nila. Bahala na kung sino ang nandun basta gusto ko ng makuha ang phone at wallet ko then uuwi akong mag-isa.

"Athena!" Paulit-ulit akong tinawag ni Yessha pero diko siya nilingon. Hanggang sa maramdaman ko ang pagpigil niya. Pinaharap niya ako sa kaniya at tiningnan sa Mata.

"Listen carefully Athena." Sabi niya. Nananatili akong tahimik at naghihintay sa sasabihin niya. "May sakit si Marga" seryosong sabi niya na ikinatawa ko.

"Wag kang magbiro ng ganyan baka magiging totoo, mahirap na"

" I'm serious sis, may sakit siya sa puso"

" Oh tapos, anong gagawin ko?. Tatanungin mo ba ako kung ibinigay ko ang puso ko sa kaniya, oh sorry sis, ayaw ko—"

" Pwede makinig ka muna!" Napairap ako at tumahimik.

"May sakit si Marga sa puso. Remember that time na sinabi ko sayo na may iba kay Marga nong nasa high school palang tayo. Di tayo nagkakamali sis."nakinig lang ako sa kaniya. Niyaya niya akong bumalik sa tabi ng dagat kaya sumunod ako sa kaniya. "Galit na galit ako sa kanila lalo na kay Zirco dahil sa ginawa nila sayo dahil nasaksihan ko yung mga panahon na umiiyak ka sa kwarto, kung paano mo isinuko ang pagsusulat mo para lang makalimutan mo siya, kung paano mo binago ang sarili mo, kung paano ka natulala, kung paano ka ngumiti pero halatang malungkot ang mata. Gusto ko silang saktan, sampal-sampalin kapag bumalik na sila pero lahat ng yun
nawala, naglaho ang galit ko sa kanila lalo na nong sinabi ni Zirco ang lahat"

" Anong lahat?"tanong ko.

"Kausapin mo siya. Ikaw ang ginawan ng masama, di masama na ikaw ang humingi ng tawad. Lahat tayo may desisyon na nagawa na pinagsisisihan natin hanggang ngayon pero papayag ka ba na magsisisihan mo na lang ito sa habang panahon?"umiling ako. " Mabuti naman, I know you Athena, madali kang magpatawad. Choose what is the best. I'm here to support you sis"

" Salamat Yessh, saka sorry—"

" Wala kang nagawang kasalanan sakin Athena. Magkapatid tayo, kaya tayo rin lang ang magtutulungan" I smile. At sure akong totoo na to. Kunting kimbot nalang at magiging ayos na din ang lahat. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay namin sa isa't Isa. Napapaluha pa ako kasi di ko to inexpect na magkaroon ako ng kapatid na baliw at supportive.

Dati pangarapko lang to pero this time totoo na talaga. I'm so lucky to have her.

"Thanks Yessh"

"Your welcome"

The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now