Kakatapos lang namin maghapunan at heto ako nandito sa library namin sa bahay. Naghahanap ako ng magandang basahin. Si mommy kasi is maraming novels dito, collection niya nong nag-aaral pa siya. May nagpapukaw sa attention ko isang libro na di masyadong makapal.
"Familiar to sakin. Saan ko ba to nakita?"sabi ko. May naghatak sakin na kunin yun.
"The first chapter"basa ko sa title ng story. Interisting. Napangiti ako saka umupo sa upuan na nasa gitna.
"First step is a hardest thing. Just like in a love. Di mo naman masasabi na mahal mo ang isang kapag unang kita mo palang dito. Di mo masasabi na kayo na kung di ka dumaan sa butas ng karayom para lang manligaw at di mo masasabing kayo na talaga hanggang dulo kung sa isang butil ng pagsubok ay malalanta na kayo." Basa ko sa nasa likod ng cover, maraming tanong ang sumasagi na sa isip ko. Gaya ng ano kaya ang laman ng librong to?. Bakit ganito ang quotes, happy o sad ending kaya to?.
"Mabuti naman at binasa mo na yan" napalingon ako. Si mommy pala. May dalawang baso ng gatas. Inilapag niya sa mesa at umupo siya sa isang silya pa kaharap sakin.
"Na curious lang ako my, para kasing nakita ko na to. Nakalimutan ko lang kung saan"sagot ko sa kaniya.
"Hayaan mong ako ang magbasa para sayo"tumango naman ako at ibinigay sa kaniya ang libro.
"Mataas ang standard ko sa isang lalaki, ayaw ko nong mga pangkanto lang ang datingan kaya todo pili ako. Kung may manliligaw sakin kinikilatis ko to ng mabuti, di sa layunin na ma-offend sila sakin kundi para mas makilala ko sila. I don't need a boy, I need a man who will love the whole me, dahil sa totoo siraulo ako." Tumigil si mommy at natawa, ganun rin ako.
"Dahil sa kakapili ko, nakilala ko ang pinakaiinisan ko. Isang lalaki na mas marte pa sakin, nong una kami talaga lagi ang magkakatabi sa upuan kaya kami ang laging partner sa school activities. Mahal niya ang di ko gusto, Gaya ng math, para siyang nakakakain ng libo-libong calculator dahil sa sobrang talino pagdating sa numbers. Di ko namalayan na unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya. Natuto akong manamit ng maayos at minahal ang presence niya." Isang matamis ang pinakawalan ni mommy. Napakagat pa siya sa kuko niya.
"Mom, parang familiar sakin ang story na yan. Wait let me think" sabi ko at inisip kung saan ko narinig ang tungkol diyan.
"Ay alam ko na my, yan ang sinabi mo sakin noon, nong time na nagpa kwento ako sayo about kay daddy" nakangiti kong sabi. Tumango si mommy at isinara ang libro" mom, tapusin mo gusto ko malaman ang ending"
"Alam ko bawat letrang nakasulat sa libro na yan."kinuha ko sa kamay niya ang libro at tiningnan kung sino ang sumulat nun.
"Ivien Dee!"gulat kong sabi. Tiningnan ko si mommy. Napatango siya at ngumiti sakin.
"Yeah, ako ang sumulat niyan anak"
"Ang galing naman"
"Tapusin natin ang kwento." Tumango ako. "I love him the way he act, he smile and everything about him. Sa kaniya ko nahanap ang kapayaan, ang pagtanggap at the same time ang pagmamahal na di ko nahanap sa iba. Di siya perpekto pero he's the best. Hinuhusgahan siya dahil bakla siya pero ako ang nagsilbing sanggala niya. Masaya kami pero sa buhay ng tao di pwedeng saya lang lagi, nagkahiwalay kami pagkatapos naming ikasal, not because of defferences pero dahil sa pagmamahal. Kailangan namin palayain ang isa't isa para mabuhay ang anak namin at kayo yun."now I know kung bakit hindi kami magkasamang lumaki ni Yessha.
"My tanong ako my, bakit di ko nakita ang libro na to sa national bookstore?"
"Actually nakita mo siya at nahawakan mo pa"nakangiti niyang sabi.
"Ha?"
"Remember those days na sinabi ko sayo na kailangan mong mabili ang isang libro?" Pumasok sa isip ko ang alaala.
"Ang libro na yan"Sabi ko. Nanlaki pa ang mata ko. "Yan ang librong inagaw ng isang strangers sakin dati!"pasigaw kong sabi. That stupid boy, sisirain ko talaga kinabukasan mo kapag matandaan ko ang mukha mo!.
Tumango-tango si mommy
"Nag iisa na lang yan my, paano yan napunta sayo?"
"Because of him"nakangiti niyang sabi. Sino daw? Him?. So lalaki?
"Naguguluhan ako my"pag-amin ko.
"Nangako ako sa sarili ko. Kung sino ang makakakuha sa original copy ng librong to ay siya ang makatuluyan ng isa sa mga anak ko"sabi niya na mas ikinataka ko.
"Si Soul?"
"Nope. Actually kahit wala na ang librong to, I know na sila talaga ang para sa isa't isa. Alam kong mahal niya ang anak ko, kahit may pagkakamali siya alam ko kung bakit niya yun nagawa"
"Mommy naman e. Wag niyo naman akong papahulain kung sino" rekalmo ko. Halos masiraan na ako ng ulo kakaisip kung sino. Alangan naman si Zirco—
"Si Zirco!"naisigaw ako at napatayo din dahil sa gulat.
"Yeah, siya— siya ang lalaki na nakipaghilahan sayo dun sa mall." Napaupo ulit ako. Nagsipasok sa isip ko ang pangyayaring yun. Kung paano niya akong tawaging nerd. Paano ako nakipagsigawan sa kaniya sa loob ng bookstore. Kung ano ang ayos ko noon, putek! Ang jeje ko, nakasuot pa ako ng boots na parang si Dora.
"Kung siya ang nagnakaw sa first kiss ko! Bakit nandito yan ngayon~"
"Ito ang binigay niya sayo bago ang birthday mo"
"E dapat nasa kwarto ko yan. E bakit nandito yan sa library?"tanong ko ulit. Alangan naman naglakad yan papunta rito diba?. So, may kumuha talaga niyan.
"Ito ang libro na pinahanap ko kay Yessha sa kwarto mo. Knowing you Athena, di mo gagalawin ang mga bagay na may kaugnayan kay Zirco. Kaya ako na mismo ang nag-utos sa kaniya na kunin to at ilagay dito. Kasi alam ko kapag wala kang magawa sa buhay dito ka nagpupunta at di ako nagkamali." Nakangiti niyang kwento sakin.
"Pero my, bakit di ka pumapayag na maging writer ako?" Gusto kong maliwanagan. Matagal ko na yang gusto itanong pero di ko magawa at ito na siguro ang tamang panahon.
"I'm not against sa writing mo. Ginagawa ko lang yun para kunwari tutol ako pero sa totoo hindi. Proud nga ako sayo. Gusto ko lang na ang unang libro mo ay ang kwento ng buhay mo. Kung paano ka nagpursige para sa pangarap mo, kung paano mo binuo ang sarili sa panahon na sa tingin mo ay pinabayaan kita at kung paano ka lumaban para sa pagmamahal sa isang tao hanggang sa pagtupad niyo ng pangarap niyo"sabi ni mommy sakin. Unti-unting tumulo ang luha ko at niyakap siya.
"All those years my, laging laman ng isip ko na di mo ako mahal, dahil hindi mo ako sinuportahan. Akala ko kasi ayaw mo kong maging manunulat kasi gusto mo business ad. ang gusto niyong kukunin ko."
"Lagi mong tandaan mahal na mahal namin kayo."sabi ni mommy. Nong ayaw na umagos ng luha ko saka ako kumalas sa pagkayakap niya. "Goodnight baby"sabay halik siya sa pisngi ko.
"Goodnight my"sagot ko. Ako ang unang lumabas sa library saka nagpunta sa kwarto. Yun pala ang dahilan nila. Napangiti ako. Mahirap talaga humusga lalo na't di mo alam ang dahilan nila.
"I love you my, dy, sis"bulong ko.
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Teen FictionDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...