Titanium POV
Dalawang araw na ang lumipas magmula ng matrapped ako kasama si Zirco sa club writes. Hanggang ngayon di ko parin siya kinakausap. Kapag nandiyan siya ay ako ang aalis. Gusto kong maniwala sa lahat ng sinasabi niya sa gabing yun pero may nagtulak din sakin na huwag. Di ko na alam kung ano ang gagawin ko dati naman hinintay ko ang pagbabalik niya pero ngayong nandito na siya di ko alam kung matutuwa ba ako.
"Ghurl"di na ako lumingon alam ko naman kung Sino ang pumasok sa kwarto ko."Sorry pumasok na ako. Kanina pa kasi ako kumakatok wala namang nagbukas kaya pala tulala ka na naman"umayos ako sa pag-upo at pilit na ngumiti sa kaniya.
"Dad, bakit bumabalik ulit ang sakit?"natanong ko."naka move on na ako pero bakit ang sakit"
"Do you still love him?"napatawa ako sa tanong ni dad. "Dad naman! Wag kayong magbiro"nanatili lang ang seryoso niyang reaction.
"Mahal mo pa nga"sabi niya.
"Dad—"
"Kahit itanggi ng utak mo na di mo na siya mahal isinisigaw naman ng puso mo na mahal na mahal mo siya"natahimik ako"Yan ang totoong kahulugan ng pagmamahal anak, kahit ilang taon pa kayong nagkalayo, kahit nasaktan ka man niya noon. Titibok ng titibok parin yan..."turo niya sa puso ko"...sa taong nilalaman niyan."
"Naguguluhan ako dad. Bumalik siya para saan?"
"Kausapin mo siya"
"Di naman ako ang may kasalanan saming dalawa kaya bakit ako ang kakausap sa kaniya?"
"Anak, lagi mong tandaan na dapat laging kang magpakumbaba"
"Pero dad kapag magpakumbaba ako, sasaktan lang nila ako"
"Di naman yun ang ibig kong sabihin Athena. Ang tinutukoy ko dapat mapagpakumbaba ka sa paraang magkakaayos kayo hindi sa paraang magkasakitan ulit kayo"
—
Araw ng sabado at heto ako lumabas sa bahay dala ang laptop at ilang notes ko about sa mga topic na kailangan namin isulat.
"Sis hatid ka na namin ni Soul"sabi ni Yessha.
"Tama si honeypie, Thena. Delikado ang panahon ngayon kahit umaga may mga siraulo parin sa daan"sang ayon ni Soul sa kapatid ko. Kailan ba to maghihiwalay? Di sa masama akong kaibigan at kapatid ah. Nakakaumay kasi sila tingnan lagi na lang magkadikit at magkahawak ng kamay.
"Salamat na lang sa inyo. Gusto ko munang mapag isa ngayon. Pumasok na lang kayo sa loob at dun hintayin ang iba pang kaibigan natin"sagot ko. Nagchat kasi sila sa gc na pupunta sila samin ngayon para dito mag sleepover. Once a month namin Ito ginagawa at kadalasan dito sa bahay namin nangyayari kasi nga marami daw pagkain. Todo asikaso kasi si dad at mom kapag nandito sila kaya gustong gusto nila ang nandito.
"Gagawa ka ba ng music video sis"tiningnan ko naman ng seryoso si Yessha "lagi ka kasing may dalang camera at tulad ngayon gusto mo mapag Isa"saka siya tumawa kahit wala namang nakakatawa.
"Pumasok na kayo sa loob Soul baka nahamugan yang kapatid ko. Gumagana na naman ang pagiging waley"sagot ko na ikinatawa ni Soul.
"Ingat ka baby Athena"sabi niya kaya tumango ako.
Sa lahat ng barkada namin si Soul ang pinaka close ko sa lalaki. Siya kasi yung tipo ng kaibigan na madaling pakisamahan. Laging tumatawa at stick to one sa kapatid ko. Si Vincent naman is caring, lagi kaming inaupdate kung na saan kami, at syempre siya ang takbuhan ko kapag wala si Soul. Si Alice is fashionista. Laging nakahead band gaya sa Mickey mouse. Si Yessha jamming, di mo mahahalata na may problema kasi laging nakangiti yan parang tanga.
Napatigil ako sandali at pinakiramdaman ang likuran ko. Nawala ang yapak na napapansin kong kanina pa sumusunod sakin. Mahigpit ang kapit ko sa strap ng back bag ko saka pilit na inihakbang ang mga paa kahit na nanginig na ako.
Papaliko na ako sa isang kanto nang naramdaman kong mas lalo siyang bumilis sa paglakad kaya tumakbo na ako. Napahinto ako nong may matulis na bagay ang itinutok sa tagiliran ko. Ito na ba ang katapusan ko?.
Nilakasan ko ang loob ko. Kaya mo to Athena.
"Ibigay mo sakin ang bag mo"mahinahon ngunit nakakatakot niyang sabi. Mas hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko.
"Kuya, b-inigyan na l-lang po k-kita ng p-pera wag lang i-itong b-bag ko"nanginig kong sabi.
"Akin na sabi ang bag mo!"napatalon pa ako ng kaunti nang bigla siyang sumigaw. Naipikit ko ang mga mata ko. Kahit magkamatayan kami ritp di ko to ibinigay sa kaniya.
—
Zirco POV
Tinanghali na ako ng gising kaya sobrang bilis kong pinatakbo ang kotse ko. Panigurado magagalit na naman si Titan sakin. Nakarating ako sa campus, mga Athletes at journalist lang ang nandito kaya medyo tahimik. Nakarating ako sa club writes, nadatnan ko ang tatlo na nagwawalis.
"President andyan ka na pala. Akala namin di na kayo darating"sabi ni Lina.
"Paauwi na sana kami buti na lang nakaisip ng plano si Joyce na maglinis muna kami baka malalate lang kayo ni Ms. Athena"dagdag ni Abby.
"Wala pa si Titan?"takang tanong ko.
"Wala pa President. Kanina pa namin tinatawagan pero di niya sinagot. Mag-alala na nga kami ngayon lang nangyari Ito"dahil sa sinabi ni Joyce, mas lalo akong kinabahan baka may nangyari na dun pero may sasakyan naman sila, maliban na lang kung naglalakad siya mag-isa.
"Aalis muna ako, susunduin ko siya. Kapag nagtanong si Mrs. Perez o si Dean kayo na ang bahala magpaliwanag"sabay sabay silang tumango kaya tumakbo na ako palabas.
Sinubukan ko rin siyang tawagan, nakuha ko ang number niya sa birthday ni Kenny. Ring lang ng ring ang cp niya. Binilisan ko ang pagdrive hanggang sa sagutin niya ang tawag.
"Hello Ms. La Cuesta"bati ko. Mas mabuti na ganiyan muna ang tawag ko sa kaniya para di siya magalit sakin. Walang sumagot.
"Kuya parang awa niyo na. Wag lang itong bag ko"rinig ko sa kabilang linya.
"Miss wag na matigas ang ulo"napahawak ako ng mahigpit sa manobela. Shit! Nasa panganip talaga siya. "Kahit ilang ulit kapag sisigaw walang makakarinig sayo dito. Baka nakakalimutan mong Gervacio st. to walang taong dumadaan dito"napangisi ako dahil sa narinig.
"Bwes, nagkakamali ka!"binilisan ko ang pagpapatakbo hanggang sa makarating ako. Nanginit ang dugo ko habang nakita kung paano niya hawakan ang Titan ko.
"Bitiwan mo siya"kinuha ko ang baril na nasa ilalim ng upuan ng kotse ko. Buong tapang siyang humarap sakin pero nong makita niya ang baril, tumakbo na ito sa malayo. Uto-uto, plastik lang to. Bigay ni Kenny sakin nong nakaraang birthday ko. Ewan ko ba sa batang yun.
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Teen FictionDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...