Titanium POV
"Sissss gumising ka na!"Napabangon ako dahil sa malakas na sigaw na yun. Kinapa ko ang switch ng ilaw dun ko nakita si Yessha na may dalang megaphone. Nakabihis na rin siya. "Wag mo kong tingnan ng ganyan. Ako na lang ang unang makipagbati sayo alam ko namang nahihiya ka sakin"saka siya tumawa kaya napairap ako.
" Talaga lang ha, ganito ka makipagbati. Anong oras pa ba?" Tiningnan ko ang relo ko. " What the— alas tres pa lang ng madaling araw Yessha!"
"I know kaya nga, ganito ang ginawa ko para naman makabawi ka sakin"sabi pa niya
" Ang saya mo ha"
" Syempre naman, at mas sasaya pa ako kung bumangon kana diyan" sabi niya.
" Yessh, wag ngayon please. Inaantok pa ako" sabi ko at humiga ulit.
" Walang antok antok sis dahil may pupuntahan tayo" papahina ang naririnig ko mula sa kaniya dahil nilamon na ako ng antok." Babangon ka diyan, o si Zirco ang papaakyatin ko rito!" Sa ikalawang pagkakataon, napabalikwas ako. Mamaya ka sakin megaphone ipapalapa kita sa junkshop.
"Ano ba Yessha Nichole!. Wag ngayon inaantok pa ako. Isang oras pa lang ang naging tulog ko" sabi ko sa kaniya. Bago ko pa lang naipikit ang Mata ko dahil di ako makatulog dahil sa nangyari kanina.
"Halina kasi, baba ka na. Naghintay na sila" niyugyog niya pa ako.
"Kayo na lang, dito na lang ako" sabi ko at pinigilan siya sa pagyugyog sakin.
" Di pwede di kompleto ang barkada kung wala ka"hinila-hila niya ang dalawang braso ko. Ang kulit talaga!
"Saan ba tayo pupunta?" This time nagpahila na ako sa kaniya. Knowing this Yessha di ako tatantanan niyan kaya nagpahila na lang ako sa kaniya. Muntik pa nga kaming mahulog sa hagdanan.
"Ang tagal niyo!"
"Nag-inom ba yan kagabi?"
"Bakit nakapajama pa yan?"
"Malalate na tayo guyss!"
" Tumahimik ka nga Soul!" Sagot nitong kapatid ko.
" Ako na ang bahala sa kaniya Yessh"familiar sakin ang bosesna yan pero nananatili akong nakapikit.
" Salamat" naramdaman kong umangat ako kaya napakapit ako sa kaniya. Kung ganito lang din kabango ang malalanghap ko edi sana walang problema.
Naramdaman kong pinahiga niya ako. Bumaling ako sa kabilang side. I fell comportable lalo na nong nilagyan niya ako ng unan. Matigas na una pero comportable ako. Hinimas niya pa ang buhok ko kaya madali akong nakatulog.
Zirco POV
Habang pinagmasdan ko siya di maalis sa isip ko ang nangyari kahapon. Alam ko naman na magagalit siya sakin pag gising niya pero di bale na at least kasama ko siya ngayon. Napangiti ako habang inihimas-himas ang buhok niya. Sobrang himbing ng tulog niya kaya di ako umalis sa pwesto ko. Pinaunan ko siya sa hita ko kaya hihintayin ko na lang siyang gumising bago kami pupunta sa resort.
Maraming bagay ang nagsipasok sa isip tupad nong unang beses ko siyang nakita. I know na ang babaeng nakasalamin na kaagaw ko sa libro noon at siya ay iisa. Unang tingin ko palang nong nagmamadali, naramdaman ko na na she's the one.
Dalawang oras ang nakakalipas at ganun parin ang posisyon ko. Kahit di rin ako nakatulog ng maayos bunga nong accidental kiss namin sa club writes nanatili akong gising para bantayan siya.
Unti-unti siyang gumalaw kaya sinalo ko, muntik na kasing siyang mahulog sa upuan.
"Ang sakit ng leeg kooo" biglang sabi niya kaya nataranta ako. Ibinangon ko siya at hinawakan ang leeg niya para himasin yun.
"Saan pa ang masakit?" Tanong ko. Di siya sumagot at nanliit lang ang mata habang nakatingin sakin.
Titanium POV
Napalayo ako agad nong marealize ko kung sino itong kasama ko.
"Masakit pa ba ang leeg mo?" Tanong niya.
"Hindi na. I'm okay" sagot ko kahit sa totoo parang maputol na ang leeg ko.
"Nauna na pala sila. Tulog na tulog ka kasi kaya binantayan muna kita" aniya. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko kaya napatuwid ako ng upo.
"Ah ganun ba. Hehe"
"Let's go?" Tumango lang ako at umiwas ng tingin.
" Salamat nga pala"bigla kong sabi. Wala naman sigurong masama diba?. Nagpasalamat ako sa kaniya dahil sa pagsama sakin.
"Basta ikaw" napangiti ako bigla dahil sa narinig ko. Parang kinikiliti ako sa narinig ko sa kaniya. "Bakit ka ngumingiti?" Napasimangot ako bigla.
"Di ah" depensa ko.
Pahamak kang ngiti ka!
"Di daw pero nakita ko" tumawa pa siya ng mahina kaya uminit ang pisngi ko. Nahihiya ako. "Wag kang mag alala di ko ipagsasabi na kinilig ka sa sinabi ko. Malakas ka sakin e" napalingon ako sa kaniya.
" Hindi ako kinilig ah. May naalala lang akong memes sa Facebook"
"Sinabi ni Yessha sakin di ka na daw gumamit ng cellphone simula pa noon. Kaya paano ka magfacebook"
" Sa a-ano sa laptop. Oo, tama!"
"di ka mahilig nun ni paggamit ng pc ayaw mo" wala na talaga akong lusot nito. Kahit kailan ka talaga Yessha!
"Lahat naman kasi nagbabago" sandaling katahimikan ang bumalot samin dahil sa sinabi ko. Dun ko lang narealize kung ano ang maaari niyang isipin dahil sa sinabi ko.
"Tama ka. Every second, minute maaaring magbago lahat pero may isang bagay na kailan may di magbabago" seryoso niyang sabi.
" Ano?"
" Syempre ang pagmamahal ko sayo"nakangiti niyang sabi sakin. Doubleng kalabog ng puso ko ang naramdaman ko. Napangiti ako. " Joke lang" dugtong niya na nagpataas ng kilay ko.
"Ewan ko sayo" tumawa siya. Tumingin na lamang ako sa bintana. Akala ko naman seryoso siya pero nagbibiro lang pala. Medyo nasaktan ako pero pinilit kong ngumiti na lamang. Wala naman akong karapatan kaya tatahimik na lang ako.
Ayaw ko na talagang umasa kahit alam ko sa sarili ko na may puwang pa siya sa puso ko. Aaminin ko di naman yun nawala, mas nadagdagan pa nga. Akala ko yun na ang chance pero biro lang pala yun. Ang sakit lang sa puso.
Kapag talaga ako makamove on sayong Author ka! Makikita mo. Magdadala talaga ako ng lalaki sa mismong book signing mo at hahalikan ko sa mismong harap mo. Makikita mo Zirco Ace Avellana, isulat mo pa sa kwentong ginawa mo.
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Teen FictionDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...