Titanium POV
Naging maayos naman ang byahe namin kahit sa totoo gusto ko na siyang itulak palabas. Nakakabwesit e! Sino ba kasing hindi mabwebwesit kung may picture kang natutulog at kita pa dun ang tumutulong laway.
"Idelete mo na kasi yan, Zircoooo!" Naiinis na talaga ako.
"Ayaw ko nga. Ang ganda kaya, pwede ng gawing book cover sa complilation ng mga memes ko" sabi niya at inilayo sakin ang cp niya. Putek!. Mahirap talaga kapag naging kaibigan mo ang isang author.
"Kapag yan, nakita ko sa stories mo!. Ipapareport ko talaga ang account mo" tumawa lang siya sa sinabi ko. "Dali na kasi, Zirco. Delete mo na!" Pangungulit ko.
"Sige, pero sa isang condition"napangiti na sana ako e nabitin lang dahil sa condition, akala ko ba mahal niya ako?.
"Hays Athena nakalimutan mo ba ang sinabi niya dati sayo na gusto ka lang niya pero di ka niya mahal"
Tuluyang nawala ang ngiti ko. Paano ko nga ba yun makakalimutan.
"Ano game?" Tanong niya. Nilingon ko siya at ngumisi na lang ako. "Ay, ayaw mo edi makikita to sa isa sa mga story ko. Alam mo naman ako maraming supporters kaya—"
"Bawal yan!" Pagputol ko. Nang-aasar lang to e pero ako naman itong pikon, parang tanga na pumatol.
"Sakin Titan, walang bawal-bawal hxhshkhsc". Ibinulong na lang yung mga huling niyang sinabi kaya di ko na narinig kung ano yun.
"Makikita mo Zirco, lintek lang ang walang ganti" Sabi ko. Makikita mo talaga. Pinagtatawanan mo lang ako ngayon tingnan natin kung matatawa ka pa ba pagdating natin dun sa resort. Napatingin ako sa labas ng bintana nong makita ko ang dinaanan namin kanina. "Zirco, kanina pa tayo pabalik-balik dito. Naliligaw ba tayo?"
" Ewan ko. Apat na nga yung mata mo wala ka pang pagtingin sakin" Sabi niya.
" Anong walang pagtingin sayo?"
" Di naman yun ang sinabi ko ah. Uy, ikaw ah. Gusto mo ako no" napairap ako.
"Kaya nagkakabagyo sa bansa natin dahil diyan sa ugali mong mahangin"
"At least gwapo talaga ako. Di gaya ng isa diyan apat na nga yung mata di pa niya ako nakita" di ko na lang siya pinansin. Alam ko kung ano yung narinig ko, pero gusto ko makasiguro. Masakit umasa lalo na kapag wala.
Kung sakali mang totoo yun. Binibigyan na naman niya ako ng rason para mahulog pa sa kaniya at baka this time di na ako makaahon pa.
Ano ba talaga Zirco?
Zirco POV
Seeing her smile again makes my heart beat faster. Kanina ko pa gusto tumalon sa saya kaso di pwede nandito siya at nagdrive rin ako. Pwede naman siguro mamaya. Naks.
"Ano payag ka na?" Sabi ko. Natahimik kasi siya at sumiksik dun sa pintuan ng kotse kaya alam kong nawala na yan sa mood.
"Wala akong narinig" sagot niya.
"Walang narinig pero nakasagot. May ganun?" Natatawa kong saad. Sarap talaga mang-asar.
" Meron, bakit may palag?" Pagtataray niya. Napangiti ako at pinigilan ang malakas kong tawa. Pikon na pikon na to dahil namumula na ang tainga.
She's cute.
"Itawa mo yan. Mahirap na baka mangitim ka pa" sabi niya. Kaya tumawa na ako. Sobrang sakit ng tiyan ko. " Hahahaha sorry di ko mapigilang"
"Sorry not accepted" mabilis niyang sagot. Tumahimik na lang ako baka mag away pa kami hanggang sa makarating kami sa resort.
May napapatingin pa sa kaniya pero itong isa dedma lang. May napapapicture pa sakin kaya medyo natagalan ako sa pagsunod sa kaniya.
Ang iba nga tinakasan ko na lang mas mahalaga na makita ko siya lagi baka kasi maulit na naman ang dati. Nadatnan ko sila Marga at Miles na magkayakap.
"Aba! Nangangamoy balikan" biro ko.
"Epal to!"sabi ni Miles.
"Balikan talaga di tulad mo di na babalikan" Sabi ni Marga.
" Uyy, wala namang ganyanan. Dapat support kayo sakin e" sagot ko.
Lumalis na lang ako dun. Matapos kong mailagay ang mga damit namin.
Nakasalubong ko sina Soul at Yessha, na nagtatawanan.
"Yessh, si Titan?"
"Di mo pala kasama?!" Gulat na tanong niya. Kinabahan naman ako.
" Kanina magkasama kami pero nauna siyang pumasok may nagpapicture pa kasi sakin kanina"
"Hala! BAKA SIYA YUNG BABAE NA NAKITA NAMIN KANINA NA NALULUNOD!" sabay nilang sabi. Kaya lahat kaming magkakaibigan nagpapanic.
" What!?, Saan niyo nakita!?"
"Dun sa may dulo" turo nila. Hindi na ako nag aksaya ng panahon tumakbo na ako sa itinuro nila.
" Titan!"
" Titan! Na saan ka?"
Paulit-ulit kong sigaw. Pagkarating ko dun tama ring papasikat na ang araw kaya medyo maliwanag na. Di ko alam kong ano ang gagawin ko. Napasambunot ako sa buhok ko at umupo na lang sa bato. Ilang ulit ko siyang tinawag pero walang sumagot. Walang tao rito Banda kaya mas kinakabahan ako. Baka siya yun, saan ko siya unang hahanapin.
Naisipan kong sisirin na lang. Baka nalunod talaga yun. Kung hihingi pa ako ng tulong baka di ko na siya mailigtas dahil may kalayuan ito mula sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Nakita ko mula rito sa kinatatayuan ko ang mga ilaw ng flashlight na ginamit nila. So, hindi talaga to prank nina Soul, totoo na talaga to.
Nagpunta ako sa mismong tabi ng dagat. Naramdaman ko ang tubig hanggang sa tagapaleeg ko na to. Kumuha muna ako ng maraming hangin bago sumisid sa ilalim. Nagpapasalamat ako sa liwanag galing sa araw. Kahit di pa siya tuluyang maliwanang pero sapat na yun para makita ko kung ano ang meron sa ilalim.
Naka isang oras na ako sa tubig pero wala akong nakita. Tuluyan na ring nagpakita ang araw. Nakita ko ang kabuuan ng resort na to, pero tila nawalan ako ng gana na mag enjoy. Naka upo ang mga barkada ko dun sa maputing buhangin. Nagbabakasali akong nandun si Titan pero wala.
"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, edi di na sana kita inasar kanina. Gusto ko lang naman makita ulit ang tawa mo dahil sa tuwing makikita ko yun lumalakas ako, nawala lahat ng mga negatibo sa isip ko. I want to be your mooh again Titan. I love you. Di yun nawala at kahit kailan di yun magbabago."
Tinawag nila ako pero nanatili ako ron. Nakaupo habang tinatanaw ang dagat. Kahit sa ganitong paraan ma relax ang isip ko.
Na saan ka ba?
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Подростковая литератураDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...