Titanium POV
"Sa bawat paggising natin sa umaga, sa bawat pagsakripisyo natin. Sa wakas matatapos na, but there's something new to come. new chapter of our story. New trial, new tiredness but we must think that we must pass it. To all the parents and teachers who tirelessly guide us. Thank you.... to those who became my friends. I know you're not perfect so I'll take you. In all the challenges that have passed and will yet come, we will fight together"Sabi ko. Isinabit saking ang medalya. Tinanggap ko ang diploma ko. At itinaas yun at ipinakita sa mga magulang ko.
Di ko maiwasang di maiyak dahil sa sobrang tuwa ko. Sa hirap na maging isang studyante maiiyak ka talaga, sa pagrereview palang ay para ka ng patayin. Nakakatuyo sa utak. But in this moment nabunutan ako ng isang tinik sa puso.
Sinalubong ako ng pamilya ko sa hagdanan. Isang mahigpit na yakap ang iginawad nila samin.
"Congratulations ghurl, I'm so proud of you" sabi sakin ni dad.
"Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Di ko inexpect na ganito kasaya pala kapag nakita mo mismo sa malapitan ang tagumpay ng mga anak ko"naluluhang Sabi ni mommy.
" Mom, it's okay. Malinaw na sakin ang ginawa mo kaya I'm so proud of you. Ikaw ang the best mommy in the whole universe"sabi ko.
" Nahawa ka na sa kalukuhan ng kapatid mo" natatawa niyang sabi.
" And speaking of kapatid ang isa nating baby nandiyan na" dumating si Yessha na kasama si Soul.
" Bakit nandito yan?"tanong ko. Dapat kasi nandun siya sa parents niya. Nilingon ko kung na saan sina Miles. Nandun na pala sa malapit sa entrance.
"Athena naman. Nangtatakwil kana ngayon. Ganyan naman kayong—"
"Subukan mong ituloy Soul malilintekan ka sakin"pagputol ko sa pagdadrama niya.
"Ito naman di na mabiro. Love kaya kita best friend" sabi niya.
"At kailan pa tayo naging best friend?"
"Basta di na mahalaga yun"napailing na lamang ako. Kalukuhan talaga.
Pagkatapos naming magpicture ay nagsilabasan na kaming lahat. Pinauna namin ang mga magulang namin.
Nagyakapan kaming lahat.
Sa gitna ng kasiyahan namin lumapit si Zirco sakin.
"Congrats" I greated him.
"Salamat. Congratulations too" I just nodded and smile. " Btw, pinapasabi ni mommy if pwede ka bang sumama, mag celebrate sa bahay"
"wag na nakakahiya naman kila tita saka may kunting salu-salo rin kami sa bahay"
Sagot ko."O-okay."katahimikan ang bumalot samin. "Pero pwede ba ako pumunta sa inyo mamaya?"tanong niya. Di ko alam kung ano ang isasagot ko kaya napaiwas ako ng tingin. "It's okay kung di pwede—"
"Okay lang Zirc, sure akong matutuwa rin sina mommy"
"Sige, see you" tumango ako. Nagpaalam siya sa mga kaibigan namin at nauna silang umuwi ni Alice.
"Kailan mo ba patatawarin?" Tanong sakin ni Marga.
"Saka na siguro Mar." Sagot ko
"Saka na kapag napagod na siya?" Sabat ng kapatid ko.
"Di siya mapapagod kung Mahal niya talaga ako." Sagot ko
"Engk!!"pinag ekis pa ni Yessha ang braso niya. " That's the big katangahan sis. Wag kang kampante na mahal ka niya dahil ang panahon di tayo sigurado. Maari nandito pa siya ngayon e paano bukas?. Paano kung di mo na siya makikita ulit?"
"I'm sorry Athena but agree ako sa kapatid mo. Look, I'm saying this not because gusto ko manghimasok sa inyong dalawa. I just want you to be happy, ilang taon na ang lumipas magmula nong gumawa kami ng desisyon na mali at di man lang namin inisip kung ano ang pwedeng ibunga nun. Panahon na siguro para itama ang lahat" Sabi ni Marga. "Athena minsan na akong nagkamali ng desisyon, ayaw kong mangyari sayo ang napagdaanan ko. Bilang kaibigan mo gusto kong iiwas ka sa sakit"nakinig lang ako sa kanila. Kailangan na kailangan ko ang ganitong mga salita para malaman ko talaga ang dapat kong gawin.
"True" pagsang ayon ng kapatid ko. "Ngayon, dalawa lang ang pwede mong gawin. Una, kausapin mo siya ng maayos para magkapatawaran kayo sa isa't isa.
Pangalawa, kakausapin mo siya para eclear kung dapat pa ba siyang aasa o hindi na.""Ang hirap naman ng pagpapapilian" reklmo ko. Binatukan niya ako.
"Wag ka ngang maarte Thena!. Ang choosy mo kaya ayan nahirapan ka ngayon. E kung nong humingi ng tawad yung tao, sana pinatawad mo agad, wala ka sanang hirap ngayon."sabi ng kapatid ko.
"Nasasabi mo yan dahil wala ka sa sitwasyon ko" sagot ko sa kaniya.
"sis, alam mo di ko na kailangang ilagay ang sarili ko sa sitwasyon mo. Nakikita ko na dati pa ang mga pinagdaanan mo. Kapatid kita kaya ramdam ko rin ang hinanakit na dala mo saka isa pa ako ang naging witness sa pagmamahalan niyong dalawa kaya di talaga ako papayag na di kayo mag-kakaayos! MAGHIWALAY MAN KAMI NI SOUL!" Biglang sigaw niya. Natawa ako dahil nakita kong tumakbo si Soul paplapit samin at binatukan ang kapatid ko.
"At bakit naabot sa hiwalayan?" Tanong ng isa.
"Wag ka nga dito Malanding kaluluwa! Di ka kasali sa pinag usapan namin"inis na sabi ng kapatid ko at itinulak si Soul.
"Kailan pa kaya yan magkabati?" Tanong ni Miles. Nandito na pala to at nakaakbay kay Marga. I'm so happy para sa kanilang dalawa. Sila ang nagpapatubay na deserve ng tao ang magkaroon ng second chance.
"Ganyan na talaga ang dalawang yan" sagot ko habang nakatingin din sa kapatid ko at kay Soul na nagbabangayan.
"Cute naman sila tingnan" sabi ni Marga.
"Di ko talaga aakalain na magiging sila kasi naman barahan lagi yan noon"natatawang sabi.
"Ako rin. Akalain mo ang isang matinik sa babae nagbago dahil kay Yessha. Si Soul kasi yung tipong tao na di seryoso"sabi ni Miles.
"Nasaksihan ko rin ang mga kalukuhan niyan noon" dagdag ni Marga.
"Ganyan naman talaga lahat nagbabago pero dapat nating isipin na, magbago man ang lahat, lumipas man ang mga panahon pero dapat di natin makakalimutan Ang nakaraan natin. Kaya, kahit nagkaroon tayo ng Hindi pagkakaunawaan sa nakaraan ang mahalaga matutunan natin na magpatawad" sabi ko. Napangiti silang dalawa at nag thumbs up sakin.
"Good job Thena. I know you can do it" sabi ni Miles.
"Aha! We're here. Kung di ka papnsinin ni Ace, sabihin mo samin at nang mabubog namin siya"natawa ako sa sinabi ni Marga.
"Thanks Marg" niyakap ko siya.
"Nah!...don't mention it. Kaibigan kita e"
"Fighting!"pahabol pa ni Miles nong papasakay na kami sa kotse ni daddy.
Napangiti ako. Now I know. Nakapag isip na ako sa gagawin at maging desisyon ko.
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Teen FictionDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...