Titanium POV
Imbis na magbihis ako, lumabas na lang ako baka ano pa ang masabi ko kay Marga. Nakakainis, sobra!. Gusto ko siyang sampalin ng doubleng ulit sa pagsampal niya sakin. Pasalamat lang talaga siya at pinigilan ko ang sarili ko. Nakakaputek! Siya na nga tong may atraso sakin siya pa tong mananampal. Ako dapat ang gumawa nun sa kaniya at hindi ako ang ginawan niya.
Nagulat ako nong may biglang yumakap sakin. Halos di na ako makahinga. Itinulak ko siya pero di niya ako binitawan. Sino ba to?.
"A-ano baaaaa!"
"Titan" nanghina ako bigla sa boses na yun. " Saan ka ba nagpunta?. Akala ko totoo na ang sinabi nila" ani ni Zirco habang nakayakap parin sakin. Nanatili ako tahimik. " Akala ko iiwan mo na ako" naramdaman kong may tumulo sa balikat ko, akala ko tubig lang yun pero nong narinig ko ang mahina niyang hikbi dun ko nalaman na umiyak siya.
Napakagat labi ako, kahit ilang beses kong sabihin na ayaw ko na pero kapag nandito ako malapit sa kaniya. Siya parin talaga. Unti-unti kong inangat ang kamay ko at yumakap pabalik sa kaniya. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkayakap niya. Kaya naging kampanti ako.
"I'm s-sorry"nasabi ko. Di ko alam kung bakit ko yun sinabi. Ewan ko lumabas lang yun talaga sa bibig ko. Di ko alam kung para saan yung sorry na yun.
Zirco POV
Di ko talaga mapigilan ang sarili ko na di maiyak. Naiiyak ako kasi akala ko e, akala ko nalunod talaga siya. Ilang oras akong pabalik-balik sa pagsisid para lang hanapin siya.
Naramdaman kong yumakap siya kaya tuluyan na talaga akong napaluha. Ang saya ko, ang sarap sa feeling na ganito. I miss her so much.
"Tara"yaya niya sakin.
"Dito muna tayo Titan. Gusto pa kitang makasama."
" Zirco bukas pa tayo uuwi diba?." Tumango ako. " Edi may ilang oras pa tayong magkasama—pati sila at saka basa ka baka magkasakit ka"
"I'm okay Titan, as much as you're with me. I want to spend more time with you, kasi di natin alam kung ano ang posibleng mangyari. Gusto ko nandito ako lagi sa tabi mo. I want to win your heart back Moow, please, give me a one last chance para patunayan ko sayo na mahal kita."
" Kailangan ko pa ang paliwanang mo Zirco. I want to know the truth, kahit nasaktan na ako. Gusto ko sumugal pero di ko alam kung papaano, I'm happy na muli tayong nagkalapit pero I don't think na this is the right time na pag usapan natin to lahat. Gusto ko munang maging ganito tayo Zirc, yung magkakaibigan. I hope you will understand. " Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Kahit na friendzone ako, okay lang Basta makasama ko siya ng mas malapitan pa.
Kumalas kami sa yakap ng isa't-isa. Pinahiran niya ang kaunting luha ko, sandali kaming nagkatinginan saka sabay na nagtawanan.
"Let's go" yaya ko. Ngumiti siya at tumango. Sabay kaming naglakad pabalik sa gawi ng mga kaibigan namin.
"Magbihis ka muna baka magkasakit ka pa" napangiti ako. " Wag kang mag isip ng iba. Ayaw ko lang magkasakit ang kaibigan ko"
"Oo na po friend, magbibihis na. Gusto mo sumama? " Pang-aasar ko. Nakita kong napairap siya pero nakangiti.
" Mr. Avellana, ang laswa mo. Nahawa kana sa kalukuhan ni Soul"
"Kunti lang naman"binatukan niya ako kaya natawa ako. " Titan may naging boyfriend ka ba four years ago?"
"Oo marami, di ko na nga sinagot ang iba" seryoso niyang sagot. Napasimangot naman ako.
" Ang daya naman" nasabi ko.
"At bakit?, Kasi isa lang ang sayo?" Nakapamaywang niyang tanong sakin.
"Hindi ah." Depensa ko. Wala naman talaga kaming relasyon ni Marga kung di lang dahil sa sakit niya.
"Naku, kung noon naluko mo ako Zirco Ace ngayon hindi na" sabi niya.
" Wala nga kasi akong naging girlfriend"
"Anong wala?. Gusto mo ipagsigawan ko dito at nang marinig ng mga fans mo"hamon niya sakin.
" Wag na. Tara na nga."
Nakarating kami sa kwarto na inuupahan naming magkakabarkada. Nagsitayuan sila nong pumasok kaming dalawa. Naglaglagan pa ang mga hawak, nanlaki ang mata at napatakip pa ang iba sa bunganga.
Nag adik na naman ba ang mga to?.
"End of the world na ba?" Bulong ni Soul sa girlfriend pero narinig naman namin.
"Hampasin mo nga ako, cent" sinunod naman yun ni Vincent.
"Success!" Sigaw ni Miles na nagpabalik sa mga ulirat ng mga kasama namin.
"Anong success?" Sabay na tanong namin.
"S-success— success kasi victory ako sa ml hehe" napailing na lang kami kung makasigaw akala mo nanalo sa lotto.
" Mabuti naman at nagkaayos na kayo" sabi ni Marga.
"Maayos naman talaga kami kung di lang dahil sayo" deriktang sagot ni Titan. Nagkatinginan kaming maglalaki, sumenyas si Soul na awatin ko daw.
"Paulit-ulit na lang tayo Athena. Di ka ba nagsasawa?"nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Titan, kaya sumingit na ako.
"Halina ka na moow, kain na tayo" yaya ko pero nanatili siyang nakatingin kay Marga.
"Bakit naman ako magsasawa?. Ang ganung sitwasyon ay di basta-basta makakalimutan Marga. Maaaring para sayo, Oo. Kasi ikaw ang pinaglulukuhan pero para sakin hindi, kahit anong gawin ko di ko yun makakalimutan. So, stop pretending that you're nice, an angelic lady in front of everybody." Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Titan.
"I'm sorry Marg" tumango lang siya. "Kayo munang bahala sa kaniya ako na ang susunod kay Titan"
"Ako na lang Zirc. Basta mainit ang ulo ni Athena madadamay ka." pigil sakin ni Yessha.
"Pero kailangan niya ako—" pinutol niya ang sinasabi ko at pinanlakihan ng mata kaya natahimik ako. "Zirc, alam kong gusto mo ng magkaayos kayo pero sa ganitong sitwasyon kailangan mo munang palipasin ito. Hayaan mo na ako muna ang kakausap sa kaniya baka kasi kung ikaw mas lalo lang lumala lahat" sabi niya. Napatango ako. May punto rin naman siya sa sinabi niya.
"Sige, update mo ako kung ano ang napag usapan niyo" ngumiti siya.
"Sure, di ko maipapangako na maaayos agad ang lahat pero gusto kong tumulong para maayos ng tuluyan ang barkada"
" Salamat Yessh"
"Ano ka ba?" Hinampas pa niya ang balikat ko. Napaaray pa nga ako. Ang bigat ng kamay e. "Ayos na ayos lang sakin."
"Hoy gago! Mag ingat ka!" Sigaw ni Soul nong papalabas na si Yessha.
"Mas gago ka! Di ako tanga para ipahamak ang sarili ko!" Balik na sigaw ni Yessha.
" Ano ba yan?. Murahan anywhere. Ganyan na ba ang bagong tawagan ngayon?" Pagpaparinig ni Alice.
" Sekreto daw yan ng matatag na relasyon" sabi ni Miles.
"Di naman, basta may tiwala sa isat isa, magtatagal yan" wika ni Vincent.
" Sana all nagtagal"sabi ni Marga na ikinatawa namin.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo Marg?" Tanong ko dito.
"Ayos lang Zirc. Nakakakaba talaga kapag si Athena ang magalit. Parang gusto ng bumigay ang puso ko" natatawa niyang ani. Todo alalay naman itong si Miles sa girlfriend niya.
Muli akong napatingin sa labas. Ano na kaya ang nangyari?. Ano na kaya ang pinag-usapan ng magkapatid?.
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Teen FictionDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...