chapter 13

30 3 0
                                    

Ivien POV

Natatawa ako habang nakasilip kami ni Hyd kung anong nangyari sa mga bata.

"Hon, mukhang successful itong ginawa natin" sabi ko sa asawa ko.

"Sana nga, dahil kung hindi sasambunutan ko na yang anak natin. Ang gwapong bata ni Zirco tapos nagpapakipot pa"sagot niya.

"Wag na lang tayong makialam, success man o sa hindi ang mahalaga ginawan na natin ng paraan" ani ko.

"Asan na ba yung kasabwat natin, bakit hindi pa nagsabi kung ano na ang ganap sa taas" sabi niya. Para kaming mga bata dito na nagtatago sa mga magulang nila tuwing pinapatulog ng tanghali.

"Mom?, Dad?. Asan kayo?" rinig naming sambit ni Yessha kaya sinalubong namin siya.

"Ano na?. Tagumpay ba tayo?, Na saan na sila?" sunod-sunod kong tanong.

"Dahan dahan lang hon"sabi ni Hyd. Masama bang excited lang ako?.

"Oo nga my, mahina po ang kalaban mo."

"Okay fine. Inhale, exhale ka muna baby."saad ko. Ginawa naman niya.
"Successful ba?"tanong ko ulit.

"Sige na nga! Ang sagot ay hindi" malungkot na ani niya.

"It's okay hon, baka di lang talaga ito ang tamang panahon para sa kanilang dalawa" sabi ni Hyd at niyakap ako. Naluha naman ako. Akala ko ba ito na!.

"Ito naman di na mabiro hahaha.  Syempre success ang plano!" masaya  niyang sabi.

"Talaga?"tanong ko pa. Tumango siya kaya napaluha ako dahil sa tuwa.

Titanium POV

"I'm sorry" natigilan ako sa familiar na boses. Napapikit pa ako nong biglang bumukas ang ilaw. Hanggang sa unti unti kong idinilat ang aking mga mata tila tumigil ang pag-ikot ng mundo, naglabasan ang mga naggagandahang paru-paru sa paligid. Isang mala prinsipe ang nasa aking harapan ngayon. May dalang bulaklak sa kaliwang kamay at gitara naman sa kanan. "Sorry is nothing pero sana hayaan mo akong makapagpaliwanag"

Ang tuwa ay napalitan ng galit. Nanumbalik lahat ng mga alaala noon. Mula sa paano niya akong bulahin, mga panahon na pinagkatiwalaan ko siya at hanggang sa paano niya ako pinagmukhang tanga.

"Ginawa mo to, para makabawi o para matakpan ang kasalanan mo?"

"Titan hayaan mo sana akong makabawi sayo—"

"Wala ka ng dapat ibawi pa Zirco. Sa mga panahon na mas pinili mo siya, unti-unti kong naring binigyan ng wakas kung ano man ang meron noon" pangputol ko sa sasabihin niya.

"Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Kahit ano ang ipagawa mo gagawin ko, mapatawad mo lang ako" buong tapang kong sinalubong ang tingin niya. Nakita ko ang butil ng luha na pumatak sa pisngi niya.

"Magsisi ka man hanggang sa huli, wala ng Athena na nakikinig sa mga kasinungalingan mo"  malamig kong ani.

"Kahit kailan di ako nagsinungaling sa nararamdaman ko sayo MOOW—"

"Talaga?. Kitang kita ng dalawang mata ko Zirco! Kinutuban ako pero minabuti kong baliwalain lang lahat kasi magkaibigan kayo!, Pero ang di ko alam magka-ibigan pala kayo kapag wala ako" umiyak na rin ako. Ngayon ko lang naibuhos lahat simula pa noon. Masakit, sobrang sakit.

"Let me explain everything, Titan"halos lumuhod na siya sa harapan ko pero umiwas lang ako ng tingin. Di ko gustong makita siyang umiiyak lalo na kapag nasa harap ko. Ang kilala ko kasing Zirco lagi nakangiti, di ako sanay na umiiyak siya.

"Alam mo yung pinakamasakit? Yung sinabihan ka na mahalaga ka, mag-iingat ka, masaya kayo sa isa't isa pero sa huli gusto ka lang pala pero di ikaw ang mahal. Nakakagago yun Zirco! Parang nagulungan ng daang-daang ten wheeler truck ang puso ko— durog na durog. Di ko alam kung paano haharapin ang umaga kaya binabuti kong tapusin ang buhay ko, pero wala e.  Buhay ako—buhay at taglay ang sakit"humagulgol na ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag nasabi mo na ang saluobin mo. Ganito pala kapag nasaktan ng patago, ayaw na tumigil sa pagtulo ang luha mo.

"Alam kong nasaktan kita pero T-titan, m-may p-agkakataon pa n-naman d-diba?"tuluyan na siyang lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko, wala akong lakas para itakwil ang kamay niya "please, ayusin natin to"may magmamakaawa sa boses niya.

"May mga bagay na di na maayos pa Zirco"sabi ko. "May mga bagay na nawasak na di na maibabalik pa. May mga tao na  kailangan mong palayain para di na kayo magkasakitan. May mga pangako na di talaga matutupad. May mga alaala na sa larawan mo na lang makikita. May mga taong mahal mo pero may mahal na iba—"

"Titan, b-bakit mo yan s-sinasabi?" nanginginig niyang tanong.

"Masaya ako na nakilala ka, nakasama ka sa lahat ng bagay. Thanks for everything— "hinigpitan niya ang pagkahawak sa kamay ko. May pagkakataon pa na hinalikan niya ito.

"Please, ilaban natin to. P-please d-don't say g-goodbye"pagmamakaawa niya. "A-ayusin ko ang p-pagkakamali ko"

"Thank you and goodbye"sambit ko na nagpabitaw sa kamay niya sakin. Napa-upo siya sa sahig habang patuloy na lumuluha. Pinahiran ko ang luha ko. Kinuha ko ang isang box sa loob ng cabinet ko at ibinigay yun sa kaniya. "Maybe this is the last chapter of our lovestory Zirco. Masaya ako na nakilala kita. Thanks for everything. Malaya ka na" sabi ko at lumabas na sa kwarto ko.

Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Yessha.  Pagkatapos kong makapasok ay sumandal na ako sa pinto at dun humagulgol ng iyak.  Ang sakit sakit palayain ang taong mahal mo pero yun naman talaga ang dapat gawin.

"Sis?"di ko na inangat ang tingin ko. Nakasubsob parin ang ulo ko sa tuhod ko. "What happen?"

"Sila Soul?"

"Nasa kama. Don't worry di na yan magigising napagod yan kanina sa paglalaro namin ng hide and seek"

"Mabuti naman."

"I'm sorry"sabi niya.

"Bakit ka naman nagsosorry?"

"Actually, Plano nila mommy yun. Nakisali lang ako para magka ayos kayo, di ko naman alam na iiyak ka lang"

"Mabuti na rin yun Yessh, para alam naming pareho na wala ng dapat asahan"sagot ko.

"Did you let him go?"she asked.

"Yup, it is the best choice. Ayaw ko namang maipit siya sa relasyong di na sigurado."

"Pero Mahal mo siya?"tumango ako " Yun naman pala. Why don't you give him a second chance?"

"Di ganun kadali yun Yessh. Sometimes you need to sacrifice your feeling for the best." Niyakap na siya ako kaya mas naiiyak ako hanggang sa makatulog ako.











The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now