Titanium POV
Nakarating ako sa campus na sabog na sabog bukod sa di ako nakatulog ng maayos dahil sa pagrereview di rin ako nakasuklay dahil sa pagmamadali.
Mabilis akong naglakad papunta sa classroom namin. Pinagtitinginan na nila ako pero di ko na lang sila pinagtutuunan ng pansin.
"Ms. La Cuesta you're 30 minutes late"sabi ng Isa sa mga malditang guro namin. Kung naalala niyo si ma'am Catus nong high school kami. Well, mag-kapatid lang naman sila. Kaya di na kataka-taka kung maypagka strikta din siya. Pareho lang kasi ang dugo na dumadaloy sa katawan nila. "Ano pa ang ginagawa mo diyan?"napalik ako sa katinuan nong muli siyang nagtanong. All eyes on me. Nakakahiya.
"Sorry ma'am, I will not do it again"nakayuko kong sabi.
"Promise me. Ms. La Cuesta"sabi niya. Kaya ayaw kung malate basta siya ang guro ko. She's believe on promises di gaya ni ma'am Catus nong high school na hindi. Di ako sumagot. "Ikaw ang isa sa mga nangunguna sa whole college na ga-graduate. Be responsible, malaki ang maitutulong sayo— sa inyo ng pagiging christian time."dagdag pa niya. Si ma'am Catus ay masinop sa oras. Gusto niya before the time nandiyan kana classroom mo. "Promise me Ms. La Cuesta"ulit niya. Bumuntong hininga ako bago iniangat ang ulo ko.
Sobrang tahimik. Lahat sila nakatingin sakin at naghihintay sa maging sagot ko. Unang kong nakita si Miles. Di ko alam kung ano ang naging reaksyon niya. Di ko sinasadya na mapatingin sa katabi niya. Papatayo na sana siya pero nagsalita ako.
"I'm sorry ma'am but I don't believe on promises"sabi ko habang nakatingin sa isang tao. Ewan ko di ko alam kung bakit ako nakatingin sa kaniya. Para kasing may magnet sa mata naming dalawa. Nakita kong natigilan siya.
"My sister told me that you believe on promises"taka niyang sabi. At inakay ako papunta sa upuan ko.
"Noon paniwalang paniwala ako sa pangako pero habang tumatagal I realized na di lahat ng nangako tinutupad."sagot ko.
"But you choose to believe right"may sumabat.
"Oo noon yun pero di na ngayon"sagot ko kay Marga"Promises meant to be proven not to be broken. Kaya bakit mangako kung di mo rin naman matutupad diba?"Sabi ko. Maraming sumang ayon sakin kaya napangiti ako.
"Gaya lang din ng pagiging late. Wag kang mangako kung sa susunod na araw late ka na naman. That is what I'm doing today. I won't promise but I will do my best"nakangiti kong sabi. Nagpalakpakan sila.
Nagpatuloy ang pag-lecture at may quiz na naganap. Mabuti na lang talaga at nagreview ako kagabi kung hindi baka na Zero na ako sa sobrang hirap ng quizzes ni ma'am. Sino bang studyante ang nakakasagot sa quiz na hindi itinuro? Edi syempre ang mga nag-aral.
—
Zirco POV
"Boom! sapul"pang aasar sakin ni Miles. Sinamaan ko siya tingin pero tinawanan niya lang ako. "Masakit ba?"tanong pa niya
"E kung suntukin kaya kita at itanong ko sayo kung masakit ba"kainis talaga ang isang to. Kanina pa nang-aasar sakin.
"Yan ang sinasabi ko sayo. May galit sayo yung tao kaya kausapin mo"Sabi niya
"Naghahanap nga lang ako nang pagkakataon"sagot ko. Sino ba naman ang hindi kakausap sa mahal mo. Naghahanap lang ako ng tamang oras.
"Wag ako ang lukuhin mo Zirco. Naghahanap ka ng pagkakataon o hinihintay mo lang na siya ang mag open up sa dati?"tanong niya na nagpatigil sa pagsagot ko.
Pareho?
"O, kita mo na. Natigilan ka diba? Kung ako sayo kausapin mo na siya"sulsul niya. E siya kaya ang gumawa?
"Paano ko naman siya makakausap ng masinsinan kung palagi niyang kasama ang mga kaibigan natin"
"May Plano ako"sabi pa niya. Tsaka niya ako iniwan. Hahabulin ko na sana siya nang tawagin ako ni ma'am Perez.
"Ikaw na lang ang wala pa sa meeting"pagkasabi niya nun saka ko lang narealize na may meeting pala kami. Nagpasalamat ako at saka tumakbo papunta sa club writes.
Pawisan akong nakapasok dun. Papalabas na rin ang tatlo na walang imik.
"Diba may meeting tayo? Saan kayo pupunta?"di nila ako pinansin at nagtuloy tuloy lang sa paglabas.
"Sana inisip mo yan bago ka nagpunta kung saan-saan"napalingon ako kay Athena na salubong ang kilay. She looks beautiful when she's angry. Kaya napangiti ako. "At bakit ka ngumiti?"pagtataray niya. Naka cross pa ang mga kamay niya.
"Lalo kang gumaganda kapag galit"sabi ko. Sandali siyang natigilan tsaka galit akong tiningnan.
"I don't care"Sabi niya at isa-isang niligpit ang gamit niya.
Titanium POV
Kanina pa kami naghihintay tapos pupunta lang siya dito na parang wala siyang kasalanan kung bakit kami pinagalitan ni Dean. Aba ang kapal naman ng mukha niya.
"At saan ka pupunta?"napairap ako. Bwesit na bwesit na ako sa lalaking to. Hinarap ko siya at tinanggal ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko.
"Uuwi na ako. Mas mabuti pang mag encode ako na nasa bahay di tulad dito na siya dapat ang manguna pero siya itong wala"sagot ko sa kaniya.
"Di ka uuwi hangga't di ka makipag usap sakin"sabi niya.
"Aba! Ang kapal naman ng pagmumukha mo. Kung gusto kang makipag-usap sakin, kausapin mo sarili mo!"
"Di ka uuwi sabi"
"Uuwi ako sa ayaw at sa gusto mo"sabi ko. Mabuti naman at di niya ako pinigilan. Paghawak ko sa doorknob. Inaalog-alog ko pa to pero di talaga mabuksan. Di ba nila Alam na may Tao pa sa loob.
"Wag mo nang pilitin kapag ayaw"galit ko siyang nilingon. "Dapat sabihin mo yan sa sarili mo"sagot ko naman sa kaniya.
Katahimikan ang bumalot samin. Sinubukan ko uli na buksan ang pinto pero nakalock talaga to. Kaya napaupo na lang ako at sumandal sa pintuan. Di ko inakala na sa ganitong sitwasyon siya na naman ang makakasama ko.
Tadhana naman nagmove on na nga yung tao bakit pinaglalapit niyo naman.
Pagnakita talaga kita ikaw ang ikukulong ko sa banyong mabaho. Maramdaman mo itong nararamdaman ko ngayon.
Wala na talaga akong choice kundi ang manatili dito.
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Teen FictionDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...