chapter 28

34 6 0
                                    

Titanium POV

"Ito na ang pinakahihintay natin guyss"!"magiliw na ani ni Yessha. Napatalon pa kami dahil sa excitement, Ito ang araw na gragraduate kami.

"I can't wait" sabi rin ni Alice.

"Parang kailan lang no?. Dati away ng away pa tayo pero ngayon...." Sabi ni Vincent

"Away parin ng away pero ang pinagkaiba sila na lang dalawa"sabat ni Soul kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo nga, kailan ba kasi dapat patawarin~" pagpaparinig ni Marga. Natawa na lang ako.

"Hay naku! Wag na natin pag usapan ang ganyang bagay. Nandito tayo para sa graduation natin okay? "Wika ko.

"Mamaya na tayo pumasok. Kailangan sabay sabay tayo" pigil samin ni Yessha.

"Bakit may kulang pa ba? "Tanong ko.

"Sina Zirco at Miles wala pa" sagot sakin ni Marga.

"I know na susunod ang mga yun kung hindi man baka nasa loob na yun"sabi ko.

"Knowing sa dalawang yun"sabi ni Vincent.

Sabay kaming pumasok, Todo ngiti pa kami kasi naman diba, ito na ang araw na makakahakbang na naman kami sa panibagong hagdanan. At ang mas masaya pa nabuo kaming muli.

Nakaupo na kaming lahat, medyo magkalayo kami dahil sa surname, si Soul lang ang nasa may likuran ko.

"Soul na saan na sina Miles. Magsisimula na tayo" nakitako pang tumawa siya. May nakakatawa ba?."bakit ka tumatawa?"

"Eh kasi naman baby Athena. Masyado kang halata na nag-alala ka sa kaniya"

" Hoy! Hoy. Nagtatanong lang ako kung na saan na ang kapatid mo"

"Ang kapatid ko o si Zirco"nakangisi niyang ani.

"Hay, Ewan ko sayo, Soul."narinig ko ang pagtawa niya.

"Wag kang mag-alala baby Thena, on the way na daw sila. May sinundo lang na babae si Zirco"seryoso niyang ani.

"sinong babae?!"

" Babae?, May sinabi ba ako?. Ang sabi ko lang naman ay kumare ni tita"napatango na lang ako baka iba lang ang narinig ko.

Itinuon ko na lang ang pansin ko hanggang sa nahagip ang tingin ko sa dalawang tao na nagtatawanan. Papasok sila sa gym ng school namin. Napairap ako, kaya pala di ako sinundo dahil may ibang kinuha.

"Seriously Athena?. Yan pa talaga ang pumasok sa isip mo?"

Pasalamat sila at mahirap tanggalin itong sapatos ko kundi kanina pa sila tinamaan nito. Bakit sila diyan sa harap naglalandian?. Para ipakita sakin na ang tanga ko dahil di ko pinatawad ang Zirco na yan?. Aba! Ang kapal lang ha.

Naiinis na talaga ako.

"Relax baby Athena. Baka mapunit ang toga mo" bulong sakin ni Soul.

"Relax na relax lang ako Soul"wala sa sarili kong sabi.

" Yan ang sinundo niya kanina. Ang Ganda pala no?" Bulong niya ulit. Nananadya talaga to.

" Ahh maganda?"tumango siya.

"Ang ganda" nakangiti siyang sagot.

"Ahhh sige, tingnan natin kung makakapagsabi ka pa niyan kapag nalaman ni Yessha to—" kinuha niya ang cellphone ko.

" Uyy Ito naman. Nagbibiro lang ako e."

"Kayo talagang mga lalaki, ang lalandi ninyo" sabi ko. Napalakas siguro kaya tumingin lahat ng lalaki sa malapit sakin.
"Bakit hindi ba?!" Napaiwas na lang sila ng tingin. Ayaw pang umamin e.

"Nagseselos ka lang e"sinamaan ko siya ng tingin.

"Sinong nagseselos?" Tanong ni Miles na kararating lang. Sinamaan ko ng tingin si Soul. Subukan mo lang.

"S-si Ako!" Pasigaw na sabi niya. Napangiti naman ako. Takot talaga to sa kapatid ko.

"Congrats pala sayo Athena" sabi ni Miles.

" Salamat miles sa inyo rin"

"Party tayo mamaya"

"Sama ako" sabat ni Soul.

"Hindi!" Sabay naming sabi ni Miles.

"Di niyo na ko love?" Nakangisi na sabi ni Soul.

"Walang nagmamahal sayo" sabi ni Miles sa kapatid.

"Alam mo ikaw. Ang sama mo sakin. Sumbong kita kay mommy e" parang Bata na Sabi ni Soul

"Isumbong mo. Samahan pa kita e"sagot ng isa.

" Sumbong kita kay Yessha"tuluyan na akong natawa sa sinabi niya.

" Di ka kakampihan nun"sagot ko. Knowing Yessha, magsapakan lang sila Soul kapag nagsumbong ng ganyan ang isa. 

"Tse, Kaya ka di jinowa e"

"Jinowa siya kaso nga lang iniwan"dahil sa sinabi ni Miles nagkampihan na naman sila. Magkapatid nga talaga.

"Ganyan talaga kapag bitter" Sabi pa ni Soul.

"Di ako bitter no?"

"Pero nagseselos" pang aasar pa niya. Si Miles naman ay tawa lang ng tawa.

" Di no!."Sabi ko at tumalikod na sa kanila. Rinig na rinig ko pa ang tawa nilang dalawa. Nawala lang yun nong nagsalita na ang emcee. Nag umpisa na ang ceremony.

Isa isang tinawag ang mga honors student. Unang umakyat si Alice na parang Miss universe kung makakaway. Sunod si Marga na may dala pang baseball bat,

"Kapag talaga atakihin ka mamaya, kukurutin kita sa singit" napailing kong sabi. Kung makagalaw akala mo walang karamdaman.

"Sunod na kumakyat si Miles na parang model kung rumampa. Maraming nagtilian. Kaya nakabusangot ang mukha ni Marga.

Si Soul ang susunod na aakyat papuntang empyerno ay este stage pala. Nakayuko pa ang putek akala mo ang bait. Pagdating dun sa gitnang bahagi ng stage saka siya sumayaw ng twerk kaya hiyawan at halakhakan ang namayani samin ngayon. Kalukuhan talaga.

Natahimik sandali bago ang isang malakas na sigawan at tilian galing sa mga fans niya. Nakangiti siyang nakatingin samin habang may hawak na mic.

"Today is the day we have been waiting for. May you continue where you want to be, and in the trails that we will still go through, I hopeno one will give up. Congratulations" nagpalakpakan kami sa sinabi niya.

Tinawag na ako kaya nag umpisa na akong naglakad papaakyat. Nakaharap ako sa mga taong ang iba ay naging parti rin ng buhay ko. Kita sa mga Mata nila ang saya at ang lungkot. Mula dito sa taas kita ko ang mga magulang ng mga kapwa ko studyante na naluluha habang nakatingin sa anak nilang kukuha na ng diploma.

Mga gusto namin na silang nagturo at nag ingat samin.

Napunta ang tingin ko sa mga kaibigan kong nakangiti at pumalakpak. Hinawakan ko ang mic. Lahat sila nakatingin sakin, naghihintay kumg ano ang sasabihin ko. Nakita ko rin at tatlong kasama ko lagi sa club writes.  Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now