chapter 4

44 5 0
                                    

Titanium POV

"Sis, may gagawin ka ba mamaya?"tanong sakin ni Yessha. Nandito kami ngayon sa cafeteria para kumain ng lunch. Kami palang dalawa ang nandito, may tinapos pang ibang report si Soul kaya mahuhuli siya.

"May meeting kami sa club writes"sagot ko.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo naman. Kailan pa ako di naging ayos?"natanong ko sa kaniya.

"Gusto mo talaga malaman kung kailan?"hamon niya sakin. Tiningnan ko lang siya. Di pa siya nakasagot nang dumating si Alice.

"Sorry sa paghihintay guys."tumango lang kami. Wag kayong magtaka kung ganyan kami. "Anyway, ayos ka lang ba Thena?"tanong niya.

"Of course. Bakit ba kayo tanong ng tanong sakin ng ganyan. Kailan pa ako di naging okay?"sagot ko sa kanila.

"Nagtatanong lang kami kasi diba dumating na sila at magkasama pa kayo ni Zirco sa iisang club"Sabi ni Yessha.

"Sorry about that Thena, kung alam ko lang na ganyan ang agreement nila ni daddy di na sana ako pumayag"hinawakan ko ang kamay nina Yessha at Alice na nakapatong sa mesa.

"Ayos lang ako. Wag kayong mag-alala pa. Mas tinibayan ko ang pader na nakaharang sa pagitan naming dalawa, clubmates lang kami."Sabi ko sa kanila.

Pinangako ko sa sarili ko na kapag nabuo ako wala ng makadurog ulit sa puso ko. Lahat ng bagay may tamang panahon Kaya bakit ko pag aaksayahan ang oras ko para sa isang bagay na makakasakit sakin.

Natapos ang lahat ng subject ko at heto ako ngayon naglalakad na papunta sa club namin. Maraming studyante sa paligid dahil oras nang uwian.

Nakita ko sa di kalayuan ang isang tao na naglalakad papunta sa gawi ko. Nagkipagtawanan siya sa mga kaklase niya. Napahinto ako, nahinto rin ang pagtawa niya nang makita niya ako.

"A-athena"sambit niya. I remain silent habang nakatingin sa kaniya. "Kumusta ka?"she ask again.

"Better than before"maikling kong sagot at nilampasan siya. Paano nila nagawa yan? Parang walang nangyari five years ago kung bumalik sila dito. Akala siguro nila maluluko nila ang lahat ng tao.

"It's good to hear that"napalingon ako. Nakangisi siya habang kaharap ako. Kaya ngumiti ako

"Why? Akala mo ba nagpakamatay na ako?.  Sorry dear, but I'm still alive. Di ko ibaba ang dignidad ko para sa mga taong manloloko"

"I'm sorry"sabi niya.

"Kahit ilang sorry pa ang sambitin mo wala akong pakialam. Di ko rin sinabi na di ko tatanggapin ang sorry mo. Isipin mo na lang kung anong dapat gawin sa sorry mo baka matuwa pa ako na bumalik kayo"huli kong sabi bago ako muling naglakad. Nakita kong may kaunting tubig na tumulo sa gilid ng Mata niya. Baka nag iinarte lang yun.

Pagkapasok ko sa club writes nandun na lahat pati ang adviser namin.

"Anong nangyari diyan sa mata mo Athena?"kahit kailan talaga tong si Joyce pahamak. Napatingin tuloy sila sa gawi ko. Umupo muna ako sa upuan ko, inayos ang notebook bago ako matapang na tumingin sa kanila.

"Wag niyo na lang itong pansinin. Marami lang alikabok sa labas kaya napuwing ako"palusot ko.

"Hihipan ko"di na ako lumingon sa lalaking nasa gilid ko. Di na ako nagtaka kung bakit magkatabi kami.

"Wag ka ng magsayang nang oras Mr. Avellana. May mas sasakit pa kaysa dito pero kinaya ko"malamig kong sabi na ikinatahimik ng lahat.

"You can call me Zirco. Bakit puro ka Mr. Avellana!"inis niyang sabi sakin.

"Di mo yata alam. Na kapag nandito ka sa loob ng Club writes dapat tawagin mo sa angkop ang mga kasama mo. At bakit ka ba nangingialam? Ako itong tumatawag sayo."balik kong sabi sa kaniya.

"Baka nakakalimutan mo Titan, na you need to follow the president command"nakangisi niyang sabi sakin. "Now, call me Zirco and that's my order"nagpalakpakan ang mga kasamahan namin pati na si ma'am. I have no choice kundi ang makisama pero never akong susunod sa kaniya.

Natapos ang meeting namin na puro pangbabara ang natanggap niya sakin. Di naman ako sinaway ni ma'am kaya di ako tumigil. Anong akala niya sakin madaling mauto. Bwes nagkakamali siya, kung noon nagpadala ako ngayon hinding-hindi na.

Nahuli akong lumabas sa club writes dahil may tinapos pa ako. Walang tao kaya natapos ko nang mas maaga pero nong papalabas na ako nakita ko ang isang tao na naghihintay sa labas ng club. Nakaupo sa may bato. Tumayo siya nong makita ako.

"Tapos ka na pala. Tara ihatid na kita"nagpagpag pa siya ng pantalon niya. At nagpunta sa harapan ko.

"Anong akala mo sakin di marunong umuwi mag-isa?"pagkatapos ko mailock ang pinto, sinimulan ko na naman ang maglakad. Naramdaman kong sumunod siya sakin pero nananatili akong walang pakialam.

"Alam ko naman yun pero gabi na, kailangan mong may kasama"sabi niya. Nakasabay na rin siya sa paghakbang ko.

"Naghihintay sakin si Yessha sa labas"

"Anong hinintay? E nakita ko siya kanina pa na kasama si Soul"napahinto ako sandali. Ayts, Gaga siya! Nakipagdate na naman sa jowa niya na di ako hinintay. "So, ano na Titan, sakay na"napatingin ako sa kaniya pati narin sa sasakyan nasa harap namin.

Wala akong choice kundi ang sumakay. Nakita ko pa ang pagngisi niya kaya nilakasan ko ang pagsara ng pinto ng kotse niya.

"Kahit sirain mo pa ang pinto ng kotse ko. Ayos lang basta makasama kita"

"Ano ba talaga ang kailangan mo?"binuhay na niya ang makina sa kaniyang sasakyan at pinaandar ang kotse.

"Gusto lang naman kitang ihatid sa bahay niyo. Gusto ko lang maayos kang makakauwi para makampanti ako"sabi niya sa gitna ng byahe namin. Marami akong gustong itanong sa kaniya pero nananatili akong tahimik.

"Kumusta ka na?"tanong niya ulit.

"I'm fine"maikli kong sagot saka tumingin sa labas. Di ko lubos maisip na makakasama ko siya ulit pero di na tulad ng dati. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang may naramdaman akong may humawak sa isang kamay ko. Di ko na lang yun nilingon at nakatingin parin sa labas.

Huminto kami sa labas ng Jollibee "anong gusto mong kainin?"tanong niya

"Wala. May pagkain naman kami sa bahay"naging sagot ko. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na mailayo ang kamay ko mula sa kaniya. Narinig kong bumuntong hininga siya at muling pinaandar ang kotse niya.



The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now