Titanium POV
Natapos ang buong araw na sobrang tahimik ng mga kaibigan ko. Nakatingin Ang mga to sa malayo. Natapos ang paglelecture na ganun parin sila.
"Guys"tawag ko pero di parin sila gumalaw ni tumingin sakin kaya ang ko ginawa pinitik ko isa-isa ang noo nila. Kaniya-kaniyang reklamo ang narinig ko mula sa kanila. "Ano bang nangyari sa inyo? Kanina pa ko pa napapansin na wala kayong sa sarili"Sabi ko at inayos ang salamin ko.
"Oh, bakit ganyan ang tingin niyo sakin?"taka kong tanong sa kanila. Para kasing anytime kakainin nila ako ng buhay.
"Gutom ka na ba?"sabay nilang sabi Kaya mas lalo akong nagtaka.
"Hahaha kailangan talaga sabay ano? Kung sabihin ko sa inyo na gutom na ako. Anong gagawin niyo?"tanong ko. Sabay rin silang nagkatayuan at tumingin sa isa't Isa. "Seryoso? Pati pagtayo sabay rin kayo?"di ko na maiwasang di humalakhak.
"Nagkataon lang Yan sis."Sabi ni Yessha.
"Oo nga naman, sa limang taon nating magkasama, halos alam na natin Ang kilos ng isa't Isa"dugtong ni Soul.
"True, Kaya Tara na, alam ko na gutom na talaga itong si Athena"dahil sa sinabi ni Vincent. Napuno Ang apat na sulok ng classroom namin ng tawanan. Sabay kaming lumabas.
"Sa may ihawan na lang tayo kakain guys. Masarap naman dun, saka mura pa"Sabi ni Alice. Sumakay kami sa kotse na dala ni Soul at tinungo ang food court kung saan madalas kaming kumakain dito.
Kaniya-kaniya kaming pili kung ano Ang ipapaluto namin. Habang nag aantay na maluto yun, kaniya kaniya silang hawak sa cellphone nila. Habang ako nakatingin Lang sa dagat kung saan papalubog Ang araw. May sumagi pa sa isip ko pero dali-dali ko rin itong iwinaksi. Di ko na dapat yun alalahanin pa.
—
Araw ng sabado, maaga akong naggayak para pumunta sa campus. Ngayon Ang araw na makikilala namin ang bagong president namin. Member ako ng club writes at vice president pa, mabigat Ang nakaatang samin kaya pinanindigan ko na ang pagiging manunulat di man sa sikat na libro kundi sa Black Ace College. Ang paaralan namin nong high school ay katabi lang din nito.
Mga Athletes at club writers lang ang nandito tuwing sabado. Sila nagsasanay habang kami nagsusulat. Ngayon ko Lang talaga nasabi na mahirap Ang college kailangan maglaan talaga ng madaming oras para sa mga requirements. Kaya kami ng mga kaibigan ko todo kayod kami dahil graduation na namin dalawang buwan mula ngayon. Kung nagtataka kayo Kung bakit may nagtransfer pa kahit malapit na kaming mag graduate? Actually, tatanggapin lang nila ang studyante kapag sa black ace high nag high school Kaya di kataka-taka na may nagtransfer pa even though malapit na ang graduation.
"Good morning Ms. La Cuesta"bati sakin ng mga tatlo ko pang kasamahan.
"Good morning din sa inyo. Ayos na ba ang pinagawa ni ma'am sa inyo?"tanong ko sa kanila habang naglalakad ako papunta sa table ko.
"Tapos na ako sa paghahanap ng mga pictures natin nong high school tayo"Sabi ni Lina.
"Teka, high school pictures?"takang tanong ko.
"Oo Thena. Nong inutusan ka ni Dean sa library, nagpunta rin dito ang adviser natin sa club sinabi niya na maghanap kami ng picture may mahalaga daw siyang paggagamitan"Sagot ni Abby
"At di lang Yun"nakangiting saad ni Jocey"may nahanap rin kaming nakakakilig na bagay. Hulaan mo~"
"Uy, muling ibalik ang tamis ng pag ibig"pakanta nilang Sabi. Bumukas ang pinto unang pumasok si ma'am Kaya umayos kami ng tayo.
Todo parin sila sa pang-aasar sakin."tumigil nga kayo"saway ko sa kanila. May pagkakataon pa na tinutusok nila ang gilid ko. Kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Since kompleto na kayo. I have special announcement"panimula ni ma'am. "You may now come in"nanatili kaming nakatingin kung Sino Ang papasok sa pinto. Di ko ma-explain kung para saan ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Mas lalong lumakas Ang kabog ng puso ko nang unti-unti kong nakita kung sino ang taong magiging bahagi ng club writes. Nagtilian sina Lina,Abby at Jocey habang ako. Nakatulala lang.
Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko. Bakit? Bakit siya pa? Bakit nandito ulit siya? At bakit ganito ang naramdaman ko?
"Maiwan ko na kayo. Goodluck babies"dun lang ako nagising nong lumapit si ma'am sakin. Ikinalma ko Ang sarili ko at harap sa mga kasamahan ko na pinagkaguluhan ang bagong dating
"Athena, halika ka dito. Si PrinceAzir Ang magiging president natin"tawag sakin ni Jocey.
"Alam namin na magkakilala na kayong dalawa pero incase nagkalimutan kayo ipapakilala ko kayo sa isa't Isa"Sabi ni Abby. "Athena this is President Zirco, Pres. this is Athena she's the vice president"kinuha ni Abby Ang kamay naming dalawa ni Zirco at pinagkamay kami. May narinig pa akong mahinang tawa mula sa kanila.
"Nice to meet you again Titan"Sabi niya.
"Nice meeting you again Mr. Avellana"nakangiti kong sagot mula sa kaniya. Ako Ang bumitaw sa kamay niya at bumalik sa table ko. "Lina, tapos mo na ba ang pinapaedit ko sayo?"tanong ko habang nakaharap sa computer.
"Malapit na Miss"pormal niyang sagot.
"Tapusin mo na ngayon, kailangan ko yun para maipasa ko Kay ma'am"
"Pres, diyan ka sa tabi ni Miss Athena."napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi ni Abby.
"Bakit dito siya? Sobrang sikip na nga dito tapos magdadagdag pa. Diba may sariling room Ang president bakit di siya doon?"reklamo ko. Sobrang init nga kahit naka aircon na tong buong room tapos maytatabi pa sakin.
"Sorry Miss pero yan Ang bilin ni ma'am samin. Kailangan magkatabi Ang president at Vice para di na mahirapan ang ibang club kung magpapasa ng entry"sagot ni Jocey
"Okay Lang guys, ako na Lang ang maghahanap ng sarili kung pwesto"sabat ni Zirco
"Ganun naman pala e. Problem solve"sagot ko. Bumalik kaming lahat sa trabaho namin. Kailangan kong magfocus sa ginagawa ko Kaya nagheadphone ako para walang disturbo.
"Athena, wag mo naman ganyanin si Pres"tinanggal ni Jocey ang headphone ko at binulungan ako.
"Hayaan mo siya"sagot ko. Tiningnan ko siya nasa malapit siya sa pintuan. Maliit na Mesa at bangko Ang gamit niya. Gusto Kong maawa sa sitwasyon niys pero mas pinili kung ipagsawalang bahala.
Natapos ang ginagawa ko at nagpaalam ako sa tatlo na mauna.
"Hintayin mo ako sa parking, ihahatid na kita"nahawakan niya ako sa pulsuhan Kaya di ko natuloy ang paglabas. Di ako nagsalita at tumuloy sa paglabas.
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Teen FictionDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...