chapter 5

34 5 0
                                    

Zirco POV

"What's the problem bro?"tanong sakin ng kapatid ko na si Kenny. Iniligpit ko muna ang mga paper na nireview ko at tumingin sa kaniya. Bumuntong hininga ako bago nagkwento.

"Ken, di ko na lang kaya siya guguluhin pa"Sabi ko sa kapatid ko.

"Bakit naman? Ilang taon kang nagtiis tapos ngayon susukuan mo lang siya na ganun-ganun na lang"

"Kasi Ken sa tuwing inilalapit ko ang sarili ko mas inilalayo niya naman ang sarili mula sakin. Natatakot ako na baka sa susunod di ko na siya makita"malungkot kong sabi. Kahit masakit titiisin ko pero di naman siguro tama na ipressure ko siya.

"Kuya alam natin—alam ng bawat pamilya niyo kung ano ang totoo. Sana naman maamin mo sa kaniya bago pa siya tuluyang lumayo sayo"

"Alam mo naman kung bakit kailangan nating isekreto lahat ng  to na pati si Alice nilihiman natin"

"Syempre naman para rin sa kaligtasan nila"sagot niya.

Kahit masakit ang paglilihim tiniis ko para sa mahal ko sa buhay. Sana magkaroon ako ng pagkakataon na itama to lahat bago pa man lumala lahat ng to.

Titanium POV

"Anak sino yung nakakotse na naghatid sayo kanina?"tanong sakin ni mommy. Nandito na kami sa hapag kainan para maghapunan.

"Ka clubmates ko lang yun my"sagot ko.

"Thena, okay ka lang ba talaga?"napatingin ko kay daddy nong magtanong siya.

"Yes dad. I'm okay."

"May sakit ka ba anak?"

"Wala naman po my. Paano niyo nasabi?"tanong ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Nong mga nakaraang araw pa kasi namin napapansin na, minsan wala ka sa sarili."sagot ni mommy na sinang-ayunan ni daddy.

"At di ka kumakain ng marami. Di gaya dati na mag-agawan pa kayo ni Yessha sa natirang kanin."napatawa tuloy ako sa huling sinabi ni daddy.

"Dad naman pinamukha niyo naman sakin na matakaw ako"

"Di naman sa ganun pero totoo naman diba hon?"sabat ni mommy.

"My, naman pinagtulungan niyo naman ako e."

"Nagsasabi lang kami ng totoo"sabay nilang sabi at nagtawanan.

"Kaya di ako kumakain ng marami kapag wala si Yessha e. Ako kasi ang lagi niyong pinagtulungan. Si Yessha lang naman ang mas matakaw"

"At bakit narinig ko ang maganda kong pangalan?"sabay kaming napalingon sa nagsalita. Napairap ako nong makita ko si Yessha at Soul na magkahawak kamay.

"Good evening po Tito, tita"bati niya.

"Oh, hijo buti naman at dumalaw ka. Maupo ka at sabayan mo kami sa pagkain"Yaya ni mommy.

"Tapos na po kaming kumain sa labas ta. Hinatid ko lang si baby."

"Ano ba yan? Baby? Ang tatanda niyo na baby parin ang tawagan niyo?. Nakakahiya naman sa mga batang makarinig"sabat ko. Tumawa naman si daddy.

"Ang bitter naman ng kapatid ko. Try mo kayang kausapin yung ex mo"inirapan rin ako ni Yessha.

"Tsk. Wag na uy. Di ako babalik sa manlolokong yun"Sabi ko na ikinatawa nilang lahat. Napatingin naman ako kay daddy."dad, akala ko ba sakin ka kampi?"

"Sorry anak, ang ganda kasi ng joke mo"natatawang sabi niya.

"Dad naman alam mo naman kung paano ako nasaktan dahil lang sa bwesit na yun."

"Anak naman kasi piliin mo ang dapat para sayo. Katulad ni Miles mabait na gwapo pa"dahil sa sinabi ni mommy naibuga ko ang kinain ko.

"What the— anak naman!"reklamo ng daddy.

"Nagpapatawag ka ba my?"tanong ko. Seryoso gusto niya si Miles? Para sakin? Kaloka.

"My si Avellana lang ang gusto ni Athena. Wag mo ng ipilit ang iba"natatawang saad ni Yessha.

"Tama po ta at saka si bro po ay may ibang Mahal. Nasasaktan lang si Thena dun"sabat ni Soul.

"Bahala na nga kayo diyan"Sabi ko at iniwan sila. Ang sasaya talaga nila basta ako ang matripan. Umakyat na ako papunta sa kwarto. Pagbukas ko ng ilaw tumunog naman ang cellphone ko. Unregistered number kaya sinagot ko.

"Hello good evening. This is Athena speaking"magalang kong saad.

"Good evening ate"isang baritong boses ang nasa kabilang linya.

"Sorry but may I know your name?"

"This is Kenny"sagot niya. Sandali akong napatigil. "Kenny Ace"dagdag niya.

"Ikaw pala. Sorry di na kita nakilala, nagbago na kasi ang boses mo"

"Boses lang naman ang nagbago sakin ate, Hindi ang ugali"sabi niya kaya natawa ako. Kahit papaano namiss ko rin ang batang to.

"Mabuti naman kung ganun. Kumusta kana? Matagal na rin tayong di nagkita ah"

"Actually, nakita kita nong nakaraan sa bookstore kaya lang di mo siguro ako nakita"

"Ahh nagmamadali kasi ako"yun yung panahon na malapit na ang submission para sa isang subject ko.

"Ate busy ka ba sa Saturday?"tiningnan ko naman ang schedule ko. April 02?

"Hindi naman—"

"Yes!"napatawa ako sa mabilis niyang pagsagot"Ate invited ka sa 17th birthday ko ha"

"Pero ken—"

"Ate please!"di naman sa pati siya dinamay ko sa galit ko sa kapatid niya pero kasi alam kung nandun rin si Zirco sa araw na yun. Nandun rin si Marga kaya alam kung magkikita na naman kami" ate alam kung mahirap para sayo na makita ulit si kuya pero kahit para sa birthday ko pumunta ko"huling sabi niya bago ibinaba ang tawag.

Pinatay ko ang ilaw at humiga sa kama. Hinayaan ko lang ang sarili ko na dalawin ng antok. Pero kahit na ganun, kahit anong posisyon ko mukha ni Zirco ang pumapasok sa isip ko.

"Nakamove on na ako"paulit ulit ko yang sinabi sa isip ko pero bakit tumitibok parin itong puso ko kapag nakikita ko siya. "Di maaari to! Di ko na hahayaan pa na masaktan ulit ako. Once is enough."

Alam ng pamilya ko kung anong katangahan ang ginawa ko bago makarating sa ganito. Kaya di ko sisirain ulit ang sarili ko dahil lang sa pagmamahal

The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now