Titanium POV
"Anak may problema ka ba?"umupo si mommy sa upuang nasa harapan ko. Nandito ako ngayon sa garden para sana mag-aral dahil may exam kami bukas pero heto ako ngayon nakatulala sa kawalan at nawalan ng gana.
"I'm okay Mom. Masyado lang siguro akong nag iisip ng mga bagay-bagay"
"Athena, anak kita kaya alam ko kung kailan ka may problema. Nandito lang ako para makinig"Sabi niya. Kaya huminga ako nang malalim bago magkwento.
"My, ano ang gagawin mo kapag nagbalik ang isang tao na di mo gustong makita?"tiningnan muna niya ako bago sumagot.
"Kaya ka ba nagkakaganyan dahil diyan?"tanong niya. Pinilit kong makatingin sa mapanuring tingin ni mommy. Di pa ako nakakasagot ay siya na mismo ang nagsabi sa gusto kong sabihin.
"Bumalik na siya, tama ba?"unti-unti akong tumango. "Then, anong problema dun, e diba araw't gabi hinihintay mo ang pagkakataong yan, bakit ngayon para di ka na yata masaya?"
"Tao rin naman ako my, napapagod. I don't know what to do. Gulong-gulo na ako"nong nalaman ko na siya ang club president nasaktan ako. Nasaktan di dahil siya ang pinagkatiwalaan kundi nasaktan ako dahil sa pagbabalik niya.
"Kung pagod ka, magpahinga ka anak. Itulog mo muna kapag okay kana then kausapin mo siya."
"Thanks Mom"ngumiti siya sakin na para bang sinasabi niya na Kaya ko. Malalagpasan ko. Naipikit ko ang Mata ko nang dumampi ang sariwang hangin sa balat ko.
Sana magiging ayos na lahat.
Sana.
—
Kinabukasan sabay kaming pumasok ni Yessha ang kapatid ko. Sinundo kami ni Soul na boyfriend niya.
"Ano ba yan! Kay aga-aga naglalandian kayong dalawa"sawal ko sa kanila.
"Inggit ka lang dahil wala kang jowa!"sabay nilang sabi sakin at nagpatuloy sa ginagawa nila. Napairap ako sa kawalan.
"Di ako naiinggit! Concern lang ako baka kasi mabangga tayo. Utang na loob tigilan niyo yan"tinawanan lang nila ako. Sarap nilang pag-untugin dalawa. Natatakot lang naman ako na baka mabangga kami dahil sa walang sawa nilang pagsusubuan ng sandwich.
Di ko na lang sila pinansin at itinuon ang tingin sa labas. Naikuyom ko pa ang dalawang kamay ko nong makita ko silang masayang magkasama. Nang papunta ang tingin nila sakin I act like nothing. Anong akala nila sakin tanga?. Tama na ang mahigit tatlong taon na mag Isa kong binuo ang puso ko.
Nauna na sina Soul at Yessha dahil magkaiba kami ng room. Si Soul sa engineer, Ang kapatid ko naman ay HRM. Habang ako AB in Mass communication Ito Ang kinuha ko kasi diba nga Mahilig akong magsulat at sana makapasok ako sa film industry pagkatapos kong grumaduate.
Nagulat ako nong may humawak sa braso ko sa kalagitnaan ng paglalakad ko papunta sa club writes.
"May meeting"aniya na ikinataas ng isa kong kilay.
"Ano sa tingin mo, di ako marunong bumasa ng chat?"di ko maiwasang di siya tarayan"at Isa pa Mr. Avellana. Di mo ba nakikita na club writes itong dinadaanan ko?"turo ko sa daang tinahak ko.
Binitawan niya ang braso ko at huminga ng malalim. "Di ka ba masaya na bumalik ako?"mahina niyang tanong na sapat lang para marinig ko.
"Wala naman akong rason na maging malungkot sa pagbabalik mo, Mr. Avellana. "Malamig kong sabi bago muling nagpatuloy sa paglakad. Di ko na naramdaman ang pagsunod niya kaya mas mabuti.
Zirco POV
"Of course Zirco, sino bang babae ang di masaktan sa ginawa mo" bulong ko habang nakatingin sa babaeng mahal ko. Kahit isang segundo umaasa akong lumingon siya pero hindi yun nangyari naglakad lang siya hanggang sa mawala sa paningin ko.
"First attempt, failed!"di na ako nagulat nong may biglang nagsalita sa tabi ko.
"Di na yata niya ako kilala"sabi ko na ikinatawa niya.
"Anong pinagsasabi mo diyan? Di ka kilala? E ano yung tawag niyang MR. AVELLANA"idiniin pa talaga niya ang apelyedo ko kaya nabatukan ko.
"Kung mang-asar ka lang umalis kana at dun ka kay Miles magbigay ng problema"sabi ko at naglakad na. May meeting pala kami ngayon nakakahiya naman kung ang nagset ng oras Ang mahuli di ba?.
Nakarating ako sa club writes na walang tao. Saan ba nagpunta ang mga yun? Nilibot ko ang paningin ko pero wala kahit isang anino maliban na sa nag iisang bag. Tama ang hinala ko kami lang dalawa ang nandito. Lumabas siya galing sa banyo na nakatali na ang buhok. Nakasalamin parin siya pero bakit ang ganda parin niya. Napaiwas ako ng tingin nong tumingin siya sa gawi ko.
"Pumasok na yata sila. Mamaya ka na lang magpa meeting, may exam pa akong kailangang sagutan"Sabi niya at kinuha ang bag at isinabit sa balikat niya. Handa na siyang lumabas ng pigilan ko siya.
"Sorry"sambit ko. Alam kung di mawawala ang sakit na nararamdaman niya sa isang sorry lang.
"Okay lang. Di mo naman kasalanan na mas inuna nilang pumasok, siguro may mahalaga din silang dapat gawin"napatanga ako dahil sa sagot niya. Really? Di niya alam kung para saan ang pagsosorry ko?"I need to go"Sabi niya kaya kahit ayaw kong bitiwan siya ginawa ko.
Napalingon ako nong may naghalakhakan at dun nakita ang tatlo kakalabas lang sa mga kabinet.
"Hahaha grabe. Akala ko magiging effective na pero di parin pala"Sabi ni Lina
"Oo nga akala ko ba, walang palya ang plano mo Joyce"pang aasar ni Abby.
"Di ko naman kasi alam na ganun ka manhid si Athena"sagot nito.
"Di siya manhid sadyang nasaktan lang"pagtatanggol ko.
"BUTI ALAM MO!"sabay nilang sabi.
"Kahit idol ka namin press, di parin namin magawang sumang-ayon sa ginawa mo noon"Sabi ni Abby
"True, kasi saksi kami kung paano unti-unting nahulog si Athena sayo. Oo, di ka niya pinansin nong una dahil takot siyang magtiwala pero ikaw ang nagtanggal sa pader na nakaharang na yun"napatango ako sa sinabi ni Lina. May point sila sa lahat nilang sinabi. Magkaklase na kami noon pa man pero di namin sila napansin dahil nasa library lang ang mundo nilang tatlo.
"At ikaw rin ang nagtulak sa kaniya na mas tatagan pa ang harang. Saksi kami—saksi kaming lahat na nandito kung paano niya binuo ang puso niya."dagdag ni Joyce dahil sa narinig ko mula sa kanila, gusto ko na lang magtago dahil nahihiya ako. Ako itong lalaki pero ako ang duwag.
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Teen FictionDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...