Chapter 15

30 4 0
                                    

Zirco POV

"Talaga dad, pumayag si tita?"

"Oo anak, at take note ayos na ang mommy mo at si tita Ivien mo"sabi niya sa kabilang linya. Napangiti ako, kahit papaano unti-unti nang naayos lahat.

"Mabuti naman kung ganun dad. Di na siya mag-aaply sa iba kapag naka graduate na kami, sa kompanya na lang siya magtatrabaho"

"Kaya ikaw galaw-galaw naman diyan anak. Payag ka bang mas mauna pang mag-asawa yang kambal mo kaysa sayo"natatawang sabi niya.

"Dad naman, gusto ko munang magkaroon ng sariling bahay bago ko siya pakakasalan" sagot ko.

"Aba! Dapat lang. Wag kang tumulad samin ng Tito Hyd mo na, gumawa ng kalokuhan pero di pinanindigan"napatawa ako.

"Dad, mamaya na lang tayo ulit mag usap. Pakisabi kay mommy na wag siyang magpapagutom."bilin ko

"Bye"

Natapos ang tawag. Pumasok na ako sa cr para maligo. Pagkatapos nagsuot lang ako ng simpleng damit. T-shirt at short lang ang suot ko. Habang nakaharap ako sa salamin nakita ko ang bag ni Titan, na nasa itaas ng isang cabinet.

Kinuha ko ito at tiningnan, napangiti ako kahit masakit.

"Wala na ba talagang pag-asa?. Mahal na Mahal kita Titan. Gago kasi ako e, sinaktan kita pero alam mo MOOW masaya parin ako, kasi dahil dun nailigtas ko kayong dalawa. Balang araw maiintindihan mo rin kung bakit ko yun nagawa pero sana may pag-asa pa tayong dalawa" kausap ko sa picture niya. Binitbit ko ang bag hanggang sa pagtayo pero napatigil ako nong may nahulog na isang maliit na notebook.

Kinuha ko ito at umupo ulit sa kama ko. Isang red notebook ito. Binuklat ko at dun ko nakita kung ano ang laman.

July 10 20**

Hi, mooh good morning sayo. Isang linggo ka nang wala sa piling ko. Masakit, sobrang sakit pero masaya ako para sayo. Ingat ka lagi. Mahal na Mahal kita.

July 27 20**

Mooh, balik kana oh, di ko na kaya. Nakita ko pala ang post mo sa Instagram. Ang saya niyo no?, Sana ako ang kasama mo.

August 13 20**

Happy birthday, Mooh. Ang tangi kong hiling sana masaya ka lagi. Ayaw kasi kitang makitang nalulungkot.

November 15 20**

Ilang buwan rin ako di nakasuwat sayo. Kasi may ginawa ako para sayo, Kung mababasa mo to, tinangnan mo na lang ang ibig sabihin ko nandun sa kwarto ko. Di ka mawawala sa puso ko. Kahit di na ako pinipilit ko parin sa sarili ko na tayo pa.  Mooh, masakit rin kasing umasa, umasa kasi ako na nagbibiro ka at babalikan mo ako. Nanghawak ako sa pangako mo, pero di ko alam na ang pagasa ko pala ang magdadala sakin sa pinakamasakit na sitwasyon. Kaya mooh, I'm sorry— I'm sosorry, di ko man gusto bumitaw  pero, wala e. I need to fight para sa pangarap ko, ayaw ko kasing may masaktan pang iba kasi alam ko ang pakiramdam. Ingat ka lagi. Ingatan mo siya.

Bumuhos ang mga luha ko habang binabasa ko ang mga sulat na yun. Di ko alam kung ano ang magagawa ko sa sarili ko. Sigaw ako ng sigaw dahil sa galit sa sarili ko. Di ko na tinuloy ang pagbabasa kasi alam kong papasakit yun, ayaw kong malaman ang pinagdaanan niya nong wala ako kasi baka di ko mapapatawad ang sarili ko.

"Kuya! Rinig na rinig ka namin mula sa baba. Ano bang problema?". Pumasok sa kwarto ko ang dalawa kong kapatid.

"Isa akong duwag!"sigaw ko at sinuntok ang simento. Wala akong naramdaman kundi ang galit sa sarili ko.

"Kuya, ano ba!?. Tumigil ka kung ayaw mong maggsumbong kami kay mommy" sabi ni Kenny habang inaawat ako. "Sis, kumuha ka ng first aid"

"Mahal ko siya"mahinang sabi ko. "Mahal na mahal" ulit ko.

"I know that you still love her bro, pero di naman natin maiiwasan na mangyari ang lahat ng yun"sabi sakin ni Kenny

"Duwag ako!, Nagpakaduwag ako Kenny!. Kung nag-isip sana ako ng maayos noon di sana mangyayari to"

"Kuya, idol kaya kita, kasi alam mo ang ginawa mong pagdesisyon ay isang simbolo ng katapangan"sabi niya. Napatawa ako at pinunasan ang luha ko.

"Di ako nagbibiro ah. Bakit nga ba katapangan?" umakto pa siya na parang nag-iisip "Ito na may sagot na ako"

"O ano naman yan. Siguraduhin mo lang na di yan kalokuhan ha"

"Seryoso to"seryoso niyang ani. 
" Katapangan kasi, nagdesisyon ka kahit alam mong may masasaktan ka hindi sa layunin na masaktan talaga siya kundi dahil gusto mong mailigtas silang dalawa. You choose a wise decision bro. Kaya proud na proud ako sayo."

"Syempre ako rin, proud ako sayo kahit gago ka kuya"sabat ni Alice na kakapasok palang dala ang medicine kit. "Limang taon din kayong nagsekreto sakin!. Ang daya niyo. Sarap niyong pag untuging dalawa!"bulyaw niya sakin.

"Sorry sis, I know na isa yun sa mga katahangan ko sa pagdedesisyon pero mas mabuti na rin yun, kasi sa gitna ng mga pinagdaanan niya nandun kayo para sa kaniya. Kahit papaano naging kampanti ako na di niyo siya pababayaan" ani ko.

"Ikaw na nga ang maggamot sa sugat ni kuya lil bro, baka kasi maputol ko sa inis"sabi ni Alice na ikinatawa ko.

"Mabuti na lang talaga at napagtiyatiyagaan ka ni kuya Vincent ate" sabi ni Kenny.

"Aba, dapat lang yun no?. E sa ilang taon rin niyang pinaramdam sakin noon na di ako ang mahal niya"sabi niya.

"Ikaw naman kasi. Bakit mo naman pinagseselosan si ate Athena noon" sabi ni Kenny. Nakinig lang ako sa usapan nilang dalawa.

"Di mo naman ako masisisi lil bro. Ang sakit kaya kapag ang mahal mo may kasamang iba"sagot ni Alice na ikinalungkot ko. Sapul na sapul. "Pero sa kabila ng mga napagdaanan namin, heto kami ngayon, going strong at nananatili sa isa't Isa. Kaya sa isang tao diyan, galaw-galaw naman baka maunahan"sabi pa niya at tumingin sakin.

"Bakit ganyan ka makatingin?"kunwari kong tanong.

"Sus, gusto mo sabihin ko kung bakit?"hamon niya.

"Tsk. Umalis na nga kayo. Magbibihis na ako"

"Uyy, pupuntahan niya si ate Athena" pang-aasar ni Kenny.

"Kayo talagang dalawa. Di ako pupunta dun, e diba sa park tayo ngayon?" Nanlaki ang mata ni Alice, tiningnan niya ang relo niya saka tumakbo palabas. Napatawa ako habang umiling-iling. "at kasama ka rin" sabi ko kay Kenny. Kaya napatalon siya bago lumabas ng kwarto ko.

Yun lang pala ang hinintay.

Napalingon ako sa notebook napangiti ako ng mapait. Isinilid ko ito sa bag ni Athena. Mamaya ko to balak isasauli. Kahit sa pamamagitan lang ng bag nato, mabalik ang pinagsamahan namin noon.

The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now