chapter 8

29 3 0
                                    

Zirco POV

Abala ang lahat sa pag-aasikaso sa lahat ng bisita. Naka suot na ako ng black tuxedo. Kanina pa nila ako pinababa pero minabuti kong manatili na lang muna dito sa taas. Tanaw ko ang lahat ng bisita na nandito. Napa-ayos ako ng tayo nong makita ko ang familiar na sasakyan na pumarada sa harap ng bahay. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang isa-isang bumaba ang sakay ng sasakyan.

Nakababa na ang mga magulang niya pero di siya kasama. Napahinga ako ng malalim. Ganun ba siya ka galit sakin na pati sa birthday ni Kenny di siya makarating?.

"Wag mo ng hintayin, puntahan mo"sandali akong napalingon sa may sabi nun may ibinigay siyang isang basong wine sakin kaya tinanggap ko.

"Di ganun kadali yun Miles. Kung tingnan nga niya ako parang di na yung dati. Tingin palang niya noon alam kong mahal niya ako"

"Sinabi ko na sayo dati pero di mo nagawa kaya kung ngayon di mo rin masabi ang totoo. Ano nang mangyayari?"

"Di ko alam. Isa lang ang paraan na naiisip ko"

"Ano? Ang iwasan siya at pabayaan na lang? Naku! yan ang di mo dapat ulitin. Minsan ka ng nagkasala wag mo nang ulitin pa"umiiling-iling pang sabi niya.

"E ano ang gagawin ko?"tanong ko pa rito. Tinawanan niya muna ako bago sumagot.

"Gawin mo ang tama"he tapped my shoulder bago umalis.

"Nandito ka lang pala. Kanina ka pa kasi hinahanap ni tita"tumabi siya sakin at tumingin rin sa baba. "Ang saya nila ano?"tumango ako. Tumingin ako sa kaniya.

"Bakit hindi ka naki-join sa kanila?"tanong ko sa kaniya. Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan niya. Ang tinutukoy ko ay ang kapatid ko na si Alice at ang mga kaibigan namin na masaya na nag-uusap sa isang mesa.

"Alam mo Ace, ngayon ko lang napagtanto na mas mahalaga ang pagkakaibigan kaysa sa ibang bagay" sabi niya habang nakatingin parin sa kaibigan namin. "Ganun parin naman ang turing ko sa kanila pero alam mo Ace di ko alam kung ganun parin sila sakin—sayo"ramdam ko ang sakit na dala niya. Kaya hinimas ko ang likod niya para pakalmahin. "Alam ko kung di dahil sakin ay masaya sana kayo ngayon"

"Marga, di kita sinisisi sa lahat ng nangyari nong mga nakaraan."

"Pero Ace, ako ang may kasalanan kong bakit lumayo ang loob niya satin"naluluha na niyang sabi kaya ang ginawa ko ang niyakap siya.

"Magiging ayos ang lahat. Basta tandaan mo na wala kang kasalanan"pinahiran ko ang mga luha niya bago ko siya niyaya pababa dahil magsisimula na ang party.


Titanium POV

"Manong matagal pa ba yan?"tanong ko sa driver namin. Nandito kami ngayon sa gilid ng daan. Malayo-layo pa kami sa bahay ng Avellana. Nasiraan kami at heto ako ngayon nakaupo sa gilid ng kalsada. Binibilang ko na lang ang mga sasakyang dumadaan para maiwasan ang pagkabagot.

"Pasyensya na talaga hija. Di pa dumarating ang tinawagan kong mechanical team"sagot sakin ni manong.

"Sasakay na lang po ako ng taxi manong. Isang oras na kasi akong late baka uuwi na sila"Sabi ko na lang at nagpagpag ng alikabok sa suot kong peach dress.

"Sige hija. Tatawagan ko na lang ang mommy mo. Mag-iingat ka"habilin niya. Tumango ako at pumara ng taxi.

"Sa Avellana residence nga po manong"sabi ko sa driver. Sobrang bilis niyang magpatakbo, magreklamo na sana ako pero sumagi sa isip ko na baka wala na akong madatnan na party dun. Kaya kahit kinakabahan ako nanatili akong nakaupo ng tuwid at pasimply akong humawak sa upuan.

Ilang minuto lang kaming nakarating dun. Nanginig akong bumaba. Alas otso na nang gabi pero marami paring tao sa bahay nila.   Nilibot ko ang tingin sa labas. Mas gumanda ang garden ng mama ni Zirco at mas dumami rin ang tanim niyang cactus. Hanggang ngayon parin pala mahilig pa siya sa ganiyan.

"Ate? Ikaw na ba yan?"napatingin ako sa gilid ko. Medyo nagulat pa ako dahil may biglang nagsasalita saay kadilimang bahagi. Di ako sumagot hangga't unti-unting nakita ko kung sino.

"Kenny? Ikaw na ba yan?"nakangiti kong sabi at niyakap siya.

"Ate di ako makahinga"reklamo niya na nagpatawa sakin.

"Sorry naman, sadyang namiss lang talaga kita. Ang laki mo na ah"sabi ko at ginulo ang buhok niya.

"Ate naman wag mong guluhin ang buhok ko"reklmo niya.

"Binata na talaga ang Kenny namin"biro ko.

"Uy hija andyan ka na pala"parehong kaming lumingon sa may sabi nun. Patakbong lumapit si tita samin at niyakap ako. "Ang laki ng pinagbago mo. Mas lalo kang gumanda"dagdag niya.

"Haha salamat po"awkward ako ngumiti. Niyaya niya kaming pumasok na sa loob.  Kanina niya pa pala pinapasok si Kenny pero ang bata hinintay talaga niya ako sa labas.

"Pa VIP ang peg natin ngayon friend"salubong sakin ni Alice.

"Sira. Di ba pwedeng nasiraan lang ng kotse"sagot ko at tuluyan lumapit sa kanila.

"Nasiraan o nagbibilang ka pa ng petals para malaman mong pupunta ka"natatawang sabi ni Yessha

"O baka naman nagpaganda ka pa kasi alam mong nandito siya"dagdag ni Soul sa sinabi ni yesssha.

"Wala akong paki sa kaniya. Nandito ako para sa birthday ng KAPATID niya"

"Sa kapatid lang ba talaga?"sabay nilang tanong.

"Syempre. Wala ng iba"sagot ko na ikinatahimik nila. "Vincent"tanong ko sa Isa.

"O, bakit?"

"Ikuha mo nga ako ng pagkain, nakakagutom pala magsalita"utos ko sa boybesfriend ko. Ayos na kami, pinatawad ko na sila dahil humingi sila ng tawad.

"Kailan ka ba di nagutom?"tanong pa niya.

"Siya lang nakakaubos lahat ng pagkain namin sa bahay"sabat ni Yessha.

"Wow talaga! Hiyang hiya naman ako sa laki ng tiyan mo"sarkastiko kong sabi sa kapatid ko.

"Taba"bulong pa ni Soul.

"Ah ganun. Edi hiwalay na tayo"sabi niya.

"Uyy Ito naman di na mabiro. Kahit ikaw na ang pinakamataba mamahalin parin kita"napa- awww namin kami dahil sa sinabi ni Soul si Yessha naman ay pulang pula.

"Ang asim naman ng relasyon niyo"biro pa ni Alice

"Duh! Kaysa naman sa relasyon niyo ni Vincent ang bitter"ganti ni Yessha na ikinatawa namin

"Ano ba yan. Asan na ang pagkain ko Vincent. Mamaya na kayo maglambingan ni Alice, unahin mo muna ang inutos ko"Sabi ko.

"Ang bitter mo!"Sabi pa niya sakin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napatayo siya"Oo na, Ang tamad mo na nga pangit pa"

"At least cute"sagot ko.

Nagtuloy tuloy ang kasiyahan namin hanggang sa matapos. Laking pasalamat ko at di ko siya nakita rito. Kundi di ko alam kung ano ang masasabi ko.

The Last Chapter(BOOK 2)_CompleteWhere stories live. Discover now