Titanium POV
Naglakad ako ng mabilis, bakit ba nagmamadali ako.
Nakasalubong ko ang dalawa, napatingin sila sakin at sinalubong ako.
"Thena, bakit pawisan ka?"tanong si Soul. Pinahiran ko ang sariling pawis bago sumagot.
"Sobrang init kasi"sagot ko.
"Anong mainit sis. Diba kaya tayo nandito kasi malamig saka mag alas singko na ng hapon ah" ani ng kapatid ko.
"Naiinitan kasi ako."depensa ko. "Teka, bakit sakin kayo nagtatanong? Saan ba kayo nagpunta?"
"Diyan lang sa tabing dagat Thena, yan kasi nagpapicture kala mo naman ang ganda ng katawan"sabi ni Soul. Sinapak siya ng kapatid ko.
"Hoy! Katawan ko lang ang habol mo sakin no?. Aba! Hanep! Edi hiwalay na—"
"Ito naman nagbibiro lang ako e." lambing ni Soul kay Yessha. Nauna na akong naglakad. Baka matagal pa kami makausag dahil sa pagyayakapan nilang dalawa.
"Bilisan niyo diyan. Kayo na lang ang hinintay dun" Saad ko. Ayaw ko pa kasing bumalik dun, gusto ko munang maglakad lakad dito sa park.
—
Zirco POV
"Kenny how school?" tanong ni Vincent sa kapatid ko.
"Okay na okay kuya" sagot niya.
"Hanep tong kapatid mo brad, okay ang school para sa kaniya samantalang satin gusto na natin umuwi agad" natatawang ani ni Miles. Well said. Sino ba kasi ang di gustong umuwi kung sa bawat subject may laging surprise quiz kaya surprise na bagsak din ang nakuha ng studyante.
"Sadyang tamad ka lang talaga bakulaw" sabi ni Marga na ikinatawa namin.
"Nagsasabi lang ng totoo lampa" ganti niya kaya natawa na lang kami.
"Bagay na bagay" tumatango- tango pa na sabi ni Alice.
"At walang pinagbago"dugtong ko. Bagay naman talaga ang dalawang to. Sadyang mga sira lang ang mga ulo. Sa gitna ng asaran namin dumating ang dalawa na halos magkapalit na lang ng mukha dahil sa sobrang dikit.
"Hey wazzup mga animal" salubong ni Soul samin. Animal? What the—
"Hey stop it guys, baka magkabukol ang honeypie ko" pigil niya samin sa pagtapon.
"Oa mo, baka mas malasog pa nga tong braso ko sa kapit mo kaysa sa marshmallow na binato nila" sabi ni Yessha. Well, totoo naman kasi. Marshmallow lang pero oa na tong si Soul.
"Honeypie naman, di mo na ba ako mahal?" Natawa kaming magkakaibigan dahil sa sinabi ni Soul pati si Yessha na pa ngiwi.
"Maghihiwalay na yan" bulong ni Miles saka mahinang tumatawa.
"Eww, kinilabutan ako sa mga nasaksihan ko dito" sabi ni Kenny.
"Ano pa bang bago?. Tsk. Tsk" bulong Marga.
"Bagay na bagay. Lovebirds" sabi ni Alice habang may hawak na camera.
Ako, napailing na lang. Ganyan lang naman yan si Soul kaya nasanay na ako.
"Kung sabihin ko sayong Oo, may magagawa ka ba?" Hamon ni Yessha na ikinatawa namin ng tuluyan.
"Hahahaha sobrang laughtrip ng reaction ni Soul" halakhak ni Vincent.
"Tutuhanin mo na kaya" gantong ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Kayo talaga, hilig niyong manulsol lalo ka na Zirco kaya di binalikan e" ganti niya.
"Ayun naman pala e. Boom sabog!" Sabay sabay nilang sabi saka nagtawanan. Mga siraulo talaga. Napunta na naman sakin ang sentro ng asaran, lesson learn wag mang asar kung ayaw mong aasarin ka nila sa katotohanan.
"Te Yessha, na saan pala si te Athena?" Tanong ni Kenny na ikinatigil ko sa pagtawa.
Biglang nagseryoso ang mukha ni Yessha at Soul saka nagtinginan sa isat isa sabay sabing—
"TUMALON SA DAGAT!"sigaw nila saka tumakbo kung saan sila galing kanina.
"Ken, wag mong ewan dito" tumango naman siya. Kaya tumakbo na ako kasunod sa kanila. Nanginig ang tuhod ko, wala akong ibang naisip kundi ang iligtas siya. Ganun na ba siya ka galit sakin na pati dito ayaw niya akong makasama?.
Nagpalinga- linga ako pero wala akong nakitang mga kaibigan ko.
"Na saan na ba ang mga hayop na yun?. Baka kalokuhan na naman to sina Soul" yung dalawa talagang yun. Kutusan ko yun mamaya. Naglakad na lang ako pa side. Dun ko nakita ang babae na hinahanap ko. May tinulungan siyang bata na tumayo. Nakangiti ito na kabaliktaran kapag nandiyan ako.
Umalis ang bata at siya na lang mag-isa ang nakaupo sa upuan. Nakatingin siya harap ng dagat pero halata na malalim ang iniisip nito. Naglakad ako palapit sa kaniya, ilang ulit siyang nagbuntong hininga di siguro niya napansin ang paglakad ko.
"Ang lalim ng iniisip natin ah" I tried to act normal kahit ang tuhod ko nanginig na. Paano kung di niya akong papansinin?
Lumingon siya sakin bakas ang gulat niya.
"I'm sorry nakiupo na ako"Saad ko. Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako. Kaya napangiti ako ng kunti. " So, bakit para kang naghakot lahat ng problema?" Tanong ko ulit.
"Naalala mo pa ba yun libro na sinasabi ko sayo dati?" tanong niya. Sandali akong natigilan at inisip kung anong libro ang ibig niyang sabihin.
"Yung libro na gusto ng mommy mo" naalala ko. Yan ang sinabi niya sakin dati na kaya siya di pinayagang maging isang manunulat kasi di niya nakuha ang libro na yun.
"Yup, nakita ko yun ulit at naalala ko na rin kung sino ang lalaking umagaw sakin ng librong yun" nakangiting sabi niya. "Akala ko totoo ang sinasabi nila na kapag sa mga ganun kayong eksina magkakilala ay hanggang sa dulo kayo na pero naisip ko rin na nasa realidad pala ako. Na kung saan walang kasiguraduhan kung di mo talaga kikilatisin ng maayos." sandali siyang tumigil. Ngumiti siya sakin, kita ko ang maamong niyang mukha. I smiled her back.
"Ikaw naman ang magkwento Zirc" nanlamig ako bigla dahil sa itinawag niya sakin. Ilang taon ko rin yan di narinig mula sa kaniya.
"Dati akong aso na naging ipis—" nakatingin lang ako sa maganda niyang mukha habang pinagtatawanan niya ang sinasabi ko.
"Nahawaan ka na rin ba ni Soul?"
"Di mo naman ako pinatapos e. Ito na lang may tanong ako" sabi ko. Tuluyan siyang humarap sakin. Napangiti ako, unti unti ng bumabalik ang Athena na minahal ko.
"Oh sige, ano?"
"Anong paborito mong ulam?"kahit alam ko gusto kong malaman kung yun parin ba.
"Syempre isda"
"Ano ang mas mahal mo isda o pork?"
"Syempre isda" mabilis niyang sagot.
"Isdat me" sabi ko na ikinatigil niya sandali. Nong marealize niya kung ano ang ibig kong sabihin saka siya tumawa.
"Dami mong kalokuhan. Tara na nga, nagutom na ako" yaya niya sakin. Para akong tangang nakangiti habang nakasunod sa kaniya. Napatingin pa ako sa langit.
Ang sarap sa pakiramdam na ganito. Na kahit di na kami pero alam namin na may puwang parin kami sa puso ng isa't Isa.
Ito na siguro ang first step para masabi ko ang lahat sa kaniya. I know masasaktan namin ulit siya pero alam kong matatapos rin lahat at magiging masaya.
YOU ARE READING
The Last Chapter(BOOK 2)_Complete
Teen FictionDalawang kwento na di na nadugtungan, dalawang puso na pinaglayo ng tadhana. May pag-asa pa kayang mapagisa? Nagmahal Nasaktan Alin man sa dalawa ang mauna pero asahan mong darating yan sa panahong di mo inaasahan. Paano mabuo kung may darating na...