The Welcome Back to his real world:
"Pare! Segurado ka ba sa gagawin natin?" Tanong ng lalaki, nasa tatlompo ang edad. Kasalukuyan silang nakakubli sa masukal na kagubatan. Abot ang tanaw sa isang bahay.
"Ssshhh... Wala nang maraming tanong! Napagplanohan na natin ito diba?" Naiinis na sagot nito.
"P-pero Kandro! May pamilya ka! At may pamilya din ako!"
"Tumahimik ka nga Pinding! Napagkasunduan na natin ito! At kung hindi natin susundin iyong kwago na nasa tuktok natin? ha? Sa tingin mo ba makapaglalakad pa tayo at mamumuhay ng sagana kasama ang mga pamilya natin! Hindi! Tiyak itutumba rin tayo sampo ng ating pamilya!"
Mistulang natusok ng tinik ang lalamunan ni Pinding. Napapailing.
"Wala na tayong choice Pinding! Sa ayaw at sa gusto mo, kung makakaya mo o hindi, kung kaya ng dibdib pilitin mo! Hukay na ang libingan ng mga pamilya natin. Matatabunan lang iyon kung magtatagumpay tayo sa misyong ito."
"K-kandro." Nanginginig ang boses ni Pinding. "Kung magtatagumpay tayo nakaseseguro ka bang may isang salita ang kwagong iyon?"
Napangisi si Kandro. "Batas ang kanyang dila Pinding. Ang bawat salitang lumalabas roon ay mistulang pangako ng dyos na nababasa mo sa Biblia!"
Isang malalim na bunto'ng hininga ang ibinuga ni Pinding.
"Huwag kang matakot pare... Limang milyon ang naghihintay sa atin." Isang matamis na ngite ang pinakawalan nito sa kasama. Kasabay niyon ang mapupusok na mga mata. Nakatingin ito sa malapalasyong bahay dahil sa laki. Nasa sampo ang mga nakaparadng sasakyan roon sa maluwang na bakuran.
"Sisiw lang ang mga guardyang iyan Pinding." Mayabang na wika ni Kandro patungkol sa mga aninong umaaligid sa mansyon.
"Alam ko Kandro..." Himutok ni Pinding. "Mayabang."
"Tara!"
***********
"BANTOR! Ipatawag mo ang mga bata!"
"Bakit po amo?"
Pak!' Isang malakas na batok ang unang sumagot sa lalaki. "Huwag nang maraming tanong! Madali ka at may pag-uusapan tayo."
Himas-himas ang batok. "Opo amo."
Mabilis tumalikod si Bantor. Ilang sandali lamang bumalik na ito.
Ang maluwang na sala ng mansyong iyon ay napuno ng mga kalalakihan. Pawang malalaki ang mga katawan at armado na parang susulong sa malaking gera.
"Ihanda ninyo ang inyong mga sarili. May shipment tayo mamayang hating-gabi. Kagaya ng dati, atin ang produkto. Sa madaling salita, sasalisi tayo para double ang kita. Walang mababawas sa product natin... Atin pa ang pera!"
Napuno ng halakhakan ang parteng iyon ng mansyon.
MALIKSING kumilos ang dalawang anino. Mabilis na dinakma ng isa ang guardyang nakatalikod sa may bibig sabay unday ng saksak sa dibdib.
"Pare dito ka muna at gegingle lang ako."
"Sige pare," sagot ng kasama nito, at isinuot ang headphone sa tainga.
Pasipol-sipol pa ang lalaki habang umiihe sa puno. Walang ano-ano'y biglang may nakalambiting anino. Inundayan siya nito ng saksak sa leeg.
"Aaaaahhhhhhhh....." Agad itong nawalan ng buhay, bumagsak ang duguang bangkay.
BINABASA MO ANG
The Lost King Return [Completed]
Action(Another Filipino Great Story) The whole planet is in great danger; all living things are about to vanish: the humans, the fairies, folklore giants (Kapre), Dwarves (dwende), tikbalang, etc. and all source of goods like foods, water, tress, grass, a...