15.) Real War

116 8 0
                                    

Real War: The beginning toward peace...

MUNPRE (Mundo ng mga Kapre)

NAPAKARAMING sasakyan ang nasa himpapawid. Nag-uunahan ang mga gusali paakyat sa langit, higit na maunlad ang lugar na ito sa Kaperna ng Refmun. Nagkakasaya ang mga hegante.

"Hhheeeeeyyyyyyeeeeaaaaahhhhh!!!" Masayang sigaw ng nilalang, kasalukuyan nya itong minamaneho ang ekarpe (kero, o eroplano) bigla itong nagpatihulog sa ere. Nang malapit na itong bumagsak sa lupa ay agad na umangat paitaas. Halos magyukuan ang mga punong kahoy. Dumaan ang ekarpe nito sa pagitan ng mga gusali, lumusot sa isang tulay at sumisid sa dagat.

Napakaganda ng tanawin sa ilalim ng tubig, ang mga coral reefs na sumasayaw sa bawat paggalaw ng tubig at ang mga isdang nagkukumpolan sa paglangoy ay mistulang harden sa kaharian ng mga Serena.

Tumaas ang kanang kilay ng piloto dahil may lumabas na mensahe sa kanang bahagi ng kanyang bintana.

"Elyas, kailangan mo nang bumalik dito sa palasyo ngayon din. Madali ka!"

"Roger that mr. President."

Ilang sandali lamang ay narating ni Elyas ang palasyo. Magalang na yumuko ang dalawang kawal sa may gilid ng pintuan matapus siyang pagbuksan ng mga ito.

"Kanina pa po naghihintay sa kanyang opisina ang kagalang-galang na Presidente mahal na pinuno." Lakad takbong wika ng babae, ito ang nagaisilbing swkretarya ni Berto; ang pinakamataas na pinuno sa buong mundo ng Munpre. Dahil mabilis maglakad si Elyas, samantalang ang suot na palda ng babae ay napakaiksi. Nakalabas ang kalahating hita nito at napakagandang pagmasdan ang kabuoan bito.

"Alam ko Karena." Matipid na wika ni Elyas.

Narating nila ang opisina ng presidente, "Maiwan ko na po kayo mahal na pinuno."

Nginitian lamang ni Elyas ang magandang Kapre at tumuloy na siya sa loob.

"Bakit mo ako pinatawag Berto?" Agad na tanong ni Elyas, nanatili siyang nakatayo kahit niyaya na siyang umopo.

Sanay na si Elyas sa ganoong tawag sa presidente dahil magkaibigang matalik ang mga ito. Maging si Berto ay kampante na rin. Tanging palayaw nila ang ginagamit kapag silang dalawa lang ang magkasama.

"Nakatanggap ako ng mensahe mula sa Refmun." Seryosong pambungad nito. "Humihingi ng tulong ang mahal nating mga diwata upang magapi ang mga masasamang nilalang na tinatawag nilang Vanque."

"Refmun ba kamo?" Nakakunot noong tanong ni Elyas, parang iyon lang ang narinig niya sa mga sinabi ni Berto.

"Oo Elyas, ang isa sa pinaka-advance na planeta sa buong uniberso kung ang pagbabasihan ay ang kanilang mga sandata na gamit pandigma."

Hindi sumagot si Elyas, nag-iisip ito.

"Anong problema Elyas?" Hindi nakatiis na tanong ni Berto dahil hindi siya sanay sa ganitong usapan, iyong tipo na parang wala siyabg kaharap.

"Sandali nag-iisip ako!"

Napabuga ng hangin si Berto. Wala siyang magagawa, isinandig na lamang niya ang kanyang likod sa kanyang upuan.

"Ah!" Biglang sigaw ni Elyas.

Biglang napatayo si Berto dahil sa gulat, kung kailan dinadalaw na siya ng antok ay doon pa nagsalita ang kausap.

"Ang Refmun! Isang daigdig kung saan matatagpuan ang lahat na reflika sa buong uniberso."

Napapailing si Berto. "Makakalimutin ka na talaga Elyas, sampong taon pa lamang ang nakakaraan noong maglakbay ka sa planetang iyon gamit ang time machine! Tumatanda ka na nga. Hindi na nakapagtataka."

Tinawanan lang ni Elyas ang sinabi ng kausap. "Hindi pa ako ulyanen Berto, tandang-tanda ko pa ang lahat..." Huminto si Elyas, huminga ito at wari'y nag-isip at biglang nalungkot. "Doon ako nabasted ng babae!"

'Loko ka talaga. Napapalayo na tayo sa usapan."

"Oo Berto. Ang mensaheng natanggap mo ay natanggap mo na noon, sampong taon na ang nakakaraan... Subalit nang dahil sa paglalakbay ko sa kanilang mundo gamit ang time machine at ang lagusan ay marami na ang naging pagbabago roon." Seryosong pahayag nito.

"Marami ang nalagas sa ating mga kawal. Ang masaklap pa, hindi sila namatay sa gera kundi sa lagay ng planeta mismo; ni hindi nila mabalanse ang kanilang mga katawan dahil ibang-iba ang gravity sa mundong iyon kumpara rito..." Pagpapatuloy ni Elyas. "Ang ilan sa kanila ay namatay sa pagod at gutom dahil walang nagbebenta ng pagkain at tubig sa lugar. Maliban nga lang sa mumunting kaharian na tinatawag nilang Ieaninun dahil mga tao talaga ang mga nakatira roon at dahil napakalayo tiyak bangkay ka na bago mo marating ang lugar na iyon dahil sa labis na gutom."

Nawala sa alaala ni Berto ang scenaryong iyon. Tahimik lamang siyang nakikinig kay Elyas dahil higit itong maraming alam.

"Kaya... Hindi tayo magpapadala ng hukbo sa planetang iyon. Hihintayin na lamang natin ang balitang darating sa hinaharap patungkol sa gerang nagaganap sa kanilang mundo."

"E-elyas..." Tanging nasambit bi Berto. Tama ang mga sinabi ni Elyas, magiging pahirap lamang ang mga sundalo nila kung ipapadala niya ang mga ito sa kakaibang mundo. Nagsimulang landasin ng kanyang mga luha ang maamo niyang mukha.

"Nararamdaman ko rin nararamdaman mo Berto. Alam kong hindi kaya ng konsensya mo ang magiging resulta ng digmaan lalo pa at wala tayong magagawa para tumulong..." Malungkot na wika ni Elyas at marahang tinapik ang balikat ni Berto.

"W-wala na ba talaga tayong magagawa Elyas?" Sinisipon na tanong ni Berto.

"Planado ang lahat Berto." Tanging sagot ni Elyas habang nakatingin sa may bintana, tanaw na tanaw nito ang napakalawak na karagatan. Payapang nagsisilipad ang mga sasakyang panghimpapawid sa ibabaw niyon.

Tumayo si Elyas. "Pupuntahan ko ang mahal na Lokque ngayon din! Sabihan mo ang mga tagabantay ng lagusan, walang sinoman ang maaaring pumasok sa ating mundo!" Iyon lang at lumundag na sa bintana si Elyas, nasa ika-10 palapag ang opisina ni Berto.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang sigaw ni Elyas, minamaneho nito ang kanyang sasakyan.

"Yyyaaaaahhhhoooo!"

Naglabas ng isang malakas na liwanag ang buntot niyon at bumulosok paakyat sa langit.

ANG MGA baston ng mga Vanque ay unti-unti nang nagiging abo.

"Mahal na Lokque!" Tawag ni Erniek. "Oras na para pumasok."

Nagsitakbohan ang grupo nila papasok sa kweba.

"Aaaaahhhhhhhhh!!!!!" Sabay-sabay na sigaw nilang lima dahil tumilapon sila palabas matapus hawakan ang nagliliwanag na lagusan, naglalabas iyon ng bolta-boltahing kuryente.

Dahil sa tindi at lakas ng enerhiyang kumapit sa kanilang mga katawan ay nanghina sila. Walang malay na bumagsak silang lahat sa tubig at nagpalutang-lutang.

Kitang-kita iyon ng uwak na kasalukuyang lumililapad sa himpapawid. Isang malakas na tili niyon ang narinig.

Napatingala ang mga kulay putik na nilalang sa di kalayuan; isang mensahe ang sigaw na iyon ng uwak para sa kanila, ang mga matutulis nilang mga pangil at ang naglalaway nilang mga bunganga ay sabik na sabik. Mabilis silang gumalaw patungo sa lugar na iyon.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon