14.) The Bridge to another world

127 8 0
                                    

The Bridge to Another World: In the Battle, you never win without the wings that can fly you to call help.

Napanganga silang lahat sa nasaksihan. Mabilis na naging abo ang napakatayog na puno kung saan naroon si Bhiog.

"Bhiog!!!" Ubod lakas na sigaw ni Chejik. Naluluha ang mga mata niya.

Tumingin sa ibaba ang isang uwak na lumilipad sa himpapawid, kitang-kita ng dalawang mata nito ang isang hegante na may kasamang apat na nilalang; at sa harapan ng mga ito ang napakaraming Vanque, nagkulay putik ang malaking parte ng lugar na iyon dahil sa kasuotan ng mga halimaw.

Nagdilim ang maamong mukha ni Chejik. "Nandito lang kami sa likod mo." Mahinang wika ni Pinding.

Ilang sandali pa ay biglang naglaho sa tabi nila si Chejik, napakabilis nitong gumalaw. Isa-isang nagbabagsakan ang mga halimaw na natatamaan ng hawak niyang espada. May mga natatanggalan ng ulo, kamay... At ang iba ay napapaluhod sa tuwing napuputol ang mga paa nito. Ubod lakas na tumalon si Chejik, lumapag siya sa isang kawal, marahas niyang ibinaon ang napakatalim niyang sandata sa ulo nito.

Ang mga ala-alang namagitan sa kanilang magkapated buhat nang sila'y magkaisip, ang masasayang araw na sila ay magkasama at ang mga pinagdaanan nila sa buhay, sa lungkot at saya ang tanging tumatakbo sa kanyang isipan sa kasalukuyan. Galit na galit siya sa sinapit ng kanyang kapated...

Basang-basa na ng kulay berding dugo ang buong katawan ni Chejik. Samantalang ang mga liwanag mula sa mga baston ng kalaban ay nagkalat sa iba't ibang direksyon. Agad na nagiging abo ang bawat bato, puno at maging ang mga nilalang na tinatamaan niyon.

"Limang minuto na lamang ang itatagal ng mga kwentas Chejik!" Malakas na sigaw ni Erniek.

Parang walang narinig si Chejik, patuloy siya sa pag-atake. May pangilanngilang liwanag ang tumatama sa katawan nito. Sa tulong ng kwentas na suot niya hindi siya naging abo.

"Erniek!" Tawag ni Zariea sa katabi. "Ilabas mo ang kwentas mo at nang mapatamaan ko. Maging ikaw Pinding at Kandro!"

Walang kaalam-alam sila Pinding sa pinaplano ni Zariea, sinunod na lamang nila ito.

Pumikit si Zariea... Sa pagdilat ng kanyang mga mata ay nagliwanag siya, napalaligiran ng bolta-boltahing kuryente ang buong katawan; agad niyang pinatamaan ng liwanag sa pamamagitan ng kanyang singsing ang mga kwentas ng kasama. Nabigla pa sina Pindibg dahil naging dalawa na ang suot nitong kwentas.

Samantalang si Chejik ay patuloy pa rin sa pag-atake. Nakalimutan na ata niyang may mga kasama siya.

Napakaraming katawan na ang nakahandusay sa lupa.

Napatigil si Chejik dahil naramdaman niyang naging dalawa ang kwentas niya.

"Aaahhhh!" Napasigaw si Chejik, tumilapon siya at tumama sa malaking bato. Napakalakas na sipa mula sa likod ang natanggap niya.

Mabilis siyang bumangon. Muli na naman siyang tumilapon dahil sa maagap na pag-atake sa kanya ng kalaban.

Marahang iniangat ni Chejik ang kanyang ulo, medyo nakakaramdam na siya ng panghihina. Natatanaw niya ang kalaban na tumitira sa kanya. Ibang-iba ito sa mga ordinaryong kawal na naitumba na niya.

'Ito na kaya ang pinuno ng mga kawal?" Tanong niya sa sarili, sinubukan niyang basahin ang iniisip nito.

At dahil sa kakayahang iyon, mabilis na nakaalis sa kinaroroonan niya si Chejik dahil aatakin siya nito sa pamamagitan ng espadang hawak nito sa kanang kamay.

Samantalang ang uwak na lumilipad sa himpapawid ay muling tumingin sa ibaba. Halos nakahiga na ang lahat na Vanque sa lugar na iyon habang ang iba ay unti-unti na ring namamamatay.

Simula nang dumating si Pinding sa mundong ito at mapasuong sa laban ay nararamdaman niyang lumalakas siya. Bihasa na siya sa paglundag at kayang-maya na rin niyang tumakbo ng napakabilis na hindi nadadapa.

Tinamaan ng liwanag si Pinding. Hinanap niya kung saan galing iyon. "Aha!" Mabilis niyang nilapitan ang halimaw. "Masubukan nga!" Wika niya. Nanlaki ang mga mata ni Pinding, nawalan ng ulo ang nilalang sa pamamagitan ng suntok niya.

Makalipas ang ilang sandali ay wala nang Vanque sa lugar. Maliban sa kaharap ni Chejik. Patuloy ang dalawa sa pagpapalitan ng mga atake.

"Ako ang papatay sa halimaw na ito!" Malakas na paalala ni Chejik. Kaya napahinto silang apat, alam na nila ang ibig sabihin niyon.

Lumundag si Chejik, inundayan niya ng kanyang espada ang leeg ng pinunong kawal. Subalit nailgan iyon ng kalaban.

Napaka-aggresibo ni Chejik, napapaatras pa ang nilalang sa bawat atake niya.

"Aha!" Bulalas ni Chejik, "Akala mo ha...." Nabasa niya ang nasa utak ng kawal, kailangan niyang salungatin iyon.

Sa buong buhay ni Chejik ay ngayon pa lamang siya nakipag-away na ganito katagal...

Sumigaw abg uwak na lumilipad sa himpapawid. Kitang-kita nito ang huling Vaque na nakatayo, ilang sandali lamang ay may bumaon sa katawan nito at nawalan ng buhay...

"Paalam..." Mahinang wika ni Chejik sa kapated. " Paalam mahal kong kapated."

Pinilit niyang maging masaya, saglit lamang iyon. Muli siyang nalungkot dahil naninibago siya... Dahil wala na nga ang kapated niya.

NAGDILIM ang kalangitan, halos sabay-sabay na tumingala ang mga tao sa mayamang lugar ng Kaperna. Ang mga sasakyang pandigma ay patungo sa iisang direksyon.

Habang ang buong hukbo ng mga Vanque ay kasalukuyan nang nasa kaharian ng Ernaque.

Ang mithiin nilang masolo ang Refmun ay inumpisahan na nila. Pinagsisisira ng mga kawal na Vanque ang mga lungsod ng kahariang iyon. Habang ang mga diwata ay naghihintay lamang ng pagkakataon para umatake.

"Mahal na Lokque... Oras na para pumasok sa lagusan!" Pagbabalita ni Erniek matapus makita na nagliwanag sa loob ng kweba malapit sa kinaroroonan nila.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon