11.) New Member

127 12 0
                                    

New Member, the unknown Princess:

Natapus ang mahabang kwento ni Zariea. Nakalayo na sila sa lugar kung saan maraming Vanque ang wala ng buhay. Sinubukan ni Zariea na hawakan ang baston na nakalapag sa lupa, subalit nabigo siya dahil naging abo na iyon.

Hindi niya sinabi kay Pinding na isa siyang Prinsesa sa maliit na kaharian ng Ieanun (eyaniyon), hindi pa niya lubosang kilala ang nilalang na ito.

Kulay itim ang suot na damit ni Pinding, kakaiba ang suot nitong sapatos kumpara sa suot niyang sapin sa paa na kulay dyamante, napakakisig nitong tignan.

"Ano nga palang ginagawa mo sa lugar na ito Pinding?"

"Bumagsak ang sinasakyan namin kaya nagkahiwahiwalay kami, kailangan ko silang hanapin sapagkat may mahalaga kaming lakad."

Napansin ni Zariea ang suot ni Pinding sa kanang tainga nito. Napatango-tango siya, alam niyang translator iyon. Tiyak na hindi siya maiintindihan nito oras na mawala iyon.

"Tiera..." Bulong niya.

"Oo Zariea." Sagot ni Pinding.

"H-ha?" Nagtatakang patanong na wik niya, paano siya narinig ni Pinding dahil napakahina ang sinabi niya.

"Translator nga itong nasa tainga ko."

Ngumite si Zariea. "Ginagamit din iyan upang matunton ang isang nilalang na mayroon din niyan."

"T-talaga?" Napahawak si Pinding sa magkabilang balikat niya. Nakaramdam siya nang kung anong enerhiya sa katawan, parang nakuryente siya. "Kung ganoon pwede mo bang hanapin ang mga kasamahan ko?"

"B-bitawan mo muna ako." Inalis ni Pinding ang malalaking kamay nito sa kanyang balikat. Nakangiting dumistansya si Pinding. "Akin na ang tiera."

Mabilis na inalis ni Pinding ang bagay na nasa tainga. Nakangiti pa rin ito.

Naupo si Zariea matapus makuha ang tiera ni Pinding. Bihasa siya sa mga bagay-bagay lalo na sa pagkulikot ng techbolohiya.

Tahimik lamang na nanonood si Pinding sa kanya.

May pinindot sa magkabilang gilid si Zariea. Biglang umilaw ang tiera, may lumabas na screen katulad ito ng isang cellphone (5-inches ang lapad) lumulutang ito sa liwanag na inilalabas ng tiera. Muling pumindot sa ere si Zariea.

"Bingo!" Malakas na wika ni Zariea. "Apat na sila Pinding, ibig sabihin ikaw na lamang ang kulang!" Nagagalak na wika niya.

Napakunot ng noo si Pinding. Nagsalita ito subalit hindi niya iyon naintindihan. Ngumite siya. Muli niyang pinindot ang magkabilang dulo ng tiera.

Iniabot niya iyon kay Pinding.

"Tara Pinding, medyo malayo rin ang kinaroroonan nila."

"Sige, susunod ako sa likod mo."

ANG NAPAKAGANDANG kaharian noong dumating sila ay unti-unti nang nalalanta, ang makakapal na kagubatan ay unti-unti nang nakakalbo dahil sa mga sandata ng mga Vanque.

"Hhhhhaaaaaaaa.....!!! Magkakasabay na sigaw nila Kandro. Kasalukuyan silang nakikipaglaban sa mga Vanque sa kinaroroonan nila.

"Bhiog!" Tawag ni Chejik sa kapated. "Ikutan mo ang mga kalaban!""Samahan mo siya Kandro!" Baling niya sa katabi. "Kami na ni Erniek abg bahala sa harapan. Madali kayo!"

"Isuot n'yo ang mga kwentas na ito!" Iniabot ni Erniek ang mga kwentas sa kasama. "Sampong minuto ang bisa ng mga iyan. Sa oras na iyon ay hindi kayo magiging abo kapag tatamaan kayo ng baston."

Mabilis nilang isinuot ang kwentas nila.

"Madali kayo!"

MALIKSING kumilos ang dalawa.

"Nanggaling na sila rito Pinding!" Bulalas ni Zariea dahil sa mga bangkay na nagkalat sa dinaraanan nila. Unti-unting naging abo ang mga baston.

"Oo nga Zariea, bilisan pa natin!"

Napatigil bigla ang dalawa. "May sumasalubong sa atin Pinding! Ihanda mo ang iyong sarili."

Labing-lima ang Vanqueng nakatayo sa harapan nila. Sa isang kisap mata ay napakalapit na ng mga ito sa kanila ni Pinding.

Nakakatakot ang mga mukha ng mga ito. Naglalaway ang mga bungaga, samantalang nangangalit ang malalaking pangil nila.

Natulala si Pinding. Subalit mabilis siyang nagpakatino. Nag-isip siya kung ano ang dapat gawin. Hindi na niya magawang titigan ang kasama dahil parang maghahalikan na sila ng katapat niyang Vanque dahil napakalapit nito.

"Wwwwaaaaaa!!!" Ubod lakas na sigaw ni Pinding kasabay ng malakas na suntok sa kaharap nito. Agad na nawalan ng malay ang Vanque. Napaattras ang iba.

Pumikit si Zariea, nang idilat niya ang kanyang mga mata ay bigla siyang nagliwanag. Napapaligiran ng kuryente ang buong katawan niya.

Mabilis na inasinta isa-isa ang mga Vanque, ilang sandali lamang ay napatay na ni Zariea ang mga nilalang.

Namangha si Pinding sa nasaksihan. Hindi siya makapaniwala sa nakita.

"Madali ka Pinding! Malapit na tayo."

Muli silang tumakbo hanggang sa mapadpad sila sa lugar, wala nang puno sa parteng iyon ng kagubatan. May papalapit na liwanag. Mabilis silang yumuko.

Nanginig ang mga paa ni Pinding. Dahil sa liwanag na iyon ay biglang naging abo ang napakatayog na puno na nasa likod nila.

Iginala niya ang paningin. May Vanqueng bumagsak. Bago lamang ito nakatanggap ng atake at nawalan ng buhay. Samabtalang sa paligid nito ay may apat na nilalang. Pagod na pagod ang mga ito dahil nakalaylay ang kanilang mga balikat.

"M-may parating Chejik!" Sigaw ni Kandro. "Kayo na ang bahala... Pagod na ako."

"Bhiog! Ang Deque..." Baling ni Chejik sa kapated. "Iturok mo kay Kandro."

Mabilis na lumakas si Kandro.

"Hintayin nating makalapit ang dalawang iyan! Natitiyak kong sila ang pinakaleader ng mga Vaque na ito."

Ilang sandali pa ay biglang sumulpot sa harapan nila ang dalawa. Napaatras silang apat.

"P-pinding!" "Mahal na Lokque!" Magkakasabay na tawag ng apat.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon