The Brotherhood, brothers save the Treasure from the Vampire's pit of death:
"Anong gagawin natin sa nilalang na ito ha Bhiog?"
"Patayin na lang natin! Total parang patay na rin lang ito."
Na-i-iling na dibukot ni Chejik ang kanyang tablet, parang ballpen ito. Pinindot niya ang magkabilang dulo, nagkaporma ito at nagsimulang mag-scan.
"Malinis ang record niya Bhiog. Magagamit natin ang taong ito sa hinaharap." Dinama ni Chejik ang nilalang. "Sa tingin ko kailangan siyang turukan ng deque para mabawi niya ang nawalang lakas."
"Deque!?" Bulalas ni Bhiog. "Isang daang libong pen ang katumbas niyon! Ayaw ko, hayaan mo na lang na mamatay ang nilalang na iyan!" Tuloy-tuloy na protesta nito.
"Kaya nga hinahayaan kitang humuli ng mga criminal e para may magamit tayo na makakatulong sa hinaharap."
"Pasalamat ka at magkapated tayo... Kung hindi..."
"Kung hindi ano?" Seryosong tanong ni Chejik sa nakakabatang kapated.
"Wala-wala, ito na nga ilalabas ko na ang deque." Marahang kinapa ni Bhiog ang bulsa ng kanyang kalasag. 'Hindi ko na lang sana pinansin ang lalaking ito kaninang pinahihirapan ng mga Vanque (tawag sa mga nilalang na matutulis ang mga ngipen).' Bulong nito.
"May sinasabi ka?"
"W-wala---wala kuya Chejik!"
"May sinasabi ka e! Dinig na dinig ko." Natatawang wika ni Chejik, may kakayahan kasi siyang basahin ang iniisip ng isang tao o nilalang. "Alam mo kasi Bhiog, ang pagtulong sa kapwa lalo na kung nangangailangan dapat natin itong tulungan. Malay mo sa hinaharap ay may maidudulot siyang mabute sa atin o kaya sa iba. May utang tayo sa ating mga magulang, at ang utang oras na nahawakan mo... sabihin na nating nabayaran mo subalit ang totoo ay hindi. Dahil kung hindi ka tinulungan sa pamamagitan ng utang sa isang tao y wala ka sa kinatatayuan mo ngayon. At ang pagtulong sa kapwa ay kinasisiyahan ng panginoon."
"Naiintindihan ko kuya... Oh heto isaksak mo na sa braso niya." Iniabot ni Bhiog ang Deque.
Makaraan ang ilang sandali ay unti-unti nang umaaliwalas ang mukha ng lalaki.
"Bumangon ka na kaibigan... Sapagkat buhay ka pa, hindi ka nananaginip!" Wika ni Chejik.
Mabilis na umupo ang lalaki. "P-pano mo nalaman?"
"Nababasa ko ang iniisip mo kaibigan. May tiwala kami sa iyo, huwag ka sanang matakot isa kaming kaibigan." Maagap na sagot ni Chejik.
"Anong pangalan mo?" Si Bhiog.
"P-pinding..."
Ngmite ang dalawa. "Pinding, ako naman si Chejik ang nakakatandang kapated ni Bhiog."
Walang makapang tanong si Pinding dahil nahihiya siya. Paano nga ba siya hihingi ng pasasalamat sa mga ito sa pagligtas ng kanyang buhay.
"Ikinagagalak naming makilala ka Pinding." Nakangiteng wika ni Chejik. "Marahil nagtataka ka kung nasaan ka ngayon?"
Tumango si Pinding, " Ilang oras pa lamang ang nakakaraan buhat ng mapadpad ako sa lugar na ito. At kung ano-anong mga kababalaghan na ang aking nasaksihan."
Nagkatinginan ang magkapated.
"Talaga?" Nagtatakang tanong ni Bhiog. "Kaya pala..." Parang matatawa si Bhiog, hindi na niya itinuloy ang nais sabihin. Nasaksihan kasi nila kung paano lumanding sa lupa si Pinding kanina. Nauuna ang ulo nito!
BINABASA MO ANG
The Lost King Return [Completed]
Azione(Another Filipino Great Story) The whole planet is in great danger; all living things are about to vanish: the humans, the fairies, folklore giants (Kapre), Dwarves (dwende), tikbalang, etc. and all source of goods like foods, water, tress, grass, a...