12.) The King x King

143 10 0
                                    

'Lokque' ang unang rumihestro sa utak ni Zariea. Tanyag ang pangalang iyon sa buong kasaysayan. Sa pagkakaalam niya ay ubos na ang lahi ng mga ito. Ayon sa aklat ng kasaysayan ng Refmun: Ang mga Lokque ang pinakamalakas na nilalang sa lahat ng lahi, mga dughong bughaw ang mga ito; sila ang may karapatang maghari sa lahat ng kaharian. Subalit ng dahil sa nakakatawang katotohanan ay unti-unting naubos ang kanilang lahi, isang dahilan nito ay ang hindi pag-aasawa ng mga nahuling pinuno. Mas ginusto pa nilang maging binata.

"Ako nga!" Biglang napatingin sa katabi si Zariea, nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang isang kagalang-galang na nilalang ang unang estranghero na naging kaibigan niya kanikanina lang.

"Ginulat mo naman kami Pinding!" Protesta ni Kandro. "Hindi mo lang alam kung pa'no huminto ang puso ko sa pagtibok."

'Bakit Pinding ang tawag ng mga kaibigan nito sa kanya? Ang cheap kaya.

"Lalo na nang makita ko ang napakagandang binibini sa iyong tabi..." Dugtong pa ni Kandro. Kahit kailan talaga ay napakaboliro nito.

Napatawa si Zariea.

"Siya si Zariea." Nakangiting pagpapakilala ni Pinding sa kasama. "Malaki ang maitutulong niya sa ating misyon."

Matapus sabihin iyon ni Pinding ay nagpakilala na ng kusa ang mga kasama nito kay Zariea.

"Ikinagagalak kong makita at makasama kayo mga kaibigan." Nagagalak na wika ni Zariea.

"Kung ganoon," si Erniek. "Kailangan na nating harapin ang hari ng mga Preketor, mahal na Lokque! Sapagkat ang kalahating hukbo ng kawal ng mga Vanque ay patungo na sa kahariang ito. Binubuo iyon ng labing tatlong libo, pili ang pinakamahuhusay sa larangan ng digmaan."

Nahintakutan silang lahat sa sinabi ni Erniek.

May dinukot sa bulsa si Chejik, ilang sandali lamang ay may kero nang nakahimpil sa kanilang harapan.

"Pumasok na tayo!"

SA LOOB ng kaharian. Ang mga matataas na opisyal, mga obispo, at ang pinakamatataas na mga kawal kabilang ang hari ay nagkakatipon nang biglang bumukas ang dahon ng pinto.

"Ipagpaumanhin po ninyo mahal na hari," bungad ng kawal matapus itong makalapit sa hari. "May naghahanap sa inyo sa lagusan ng ating kaharian. Sabihin ko daw pong kaibigan sila ni Elyas sa inyo."

"E-elyas..." Nag-iisip na wika ng hari, makaraan ang ilang sandali ay muli itong nagsalita. "Papasukin mo sila."

"Masusunod po mahal na hari." Nakayukong wika ng kawal, dahan-dahan itong tumalikod at humakbang palayo.

"Si Elyas, ang peace maker sa Munpre ay palakaibigang nilalang," mahinang wika ng hari, "Nagkasama kami minsan, napakabait niya at lubhang matulungin."

"Totoo po iyan mahal na hari sapagkat minsan nyo na akong ipinadala sa planeta nila upang tumulong sa pagpapabute ng kanilang pamamahala sa matahimik na pamamaraan." Sabad ng obispo.

"Subalit... Bakit naparito ang mga kaibigan niya?"

Muling bumukas ang pinto, iniluwa niyon ang pitong nilalang kasama ang kawal. Napatayo ang hari ng mapagsino ang isang nilalang.

"M-mahal na Lokque!?" Pagkomperma ng hari.

"Ako nga mahal na hari."

Magalang na lumuhod ang mga nilalang sa silid na iyon.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa mahal na hari. Kailangan naming makita ang lagusan patungo sa Munpre. Sapagkat ang kalahating hukbo ng Vanque ay paparating na rito."

Napatango-tango ang hari. Rumihestro sa mukha nito ang takot. "Alam ko ang bagay na iyan mahal na Lokque...." Huminto sa pagsasalita ang hari.

"Subalit ano mahal na hari?"

"Sapagkat hindi ko alam ang bagay na iyan." Malungkot na wika nito. "Tanggap na namin kung anoman ang mangyayari sa aming kaharian oras na makarating ang hukbo ng Vanque sa aking kaharian..."

Yumuko si Pinding. Parang gusto niyang maiyak... Nang dahil sa kanya ay maraming buahy abg nasasayang. "K-kasalanan ko ang lahat na ito..." Mahinang wika ni Pinding.

"Huwag mong sisihin ang iyong sarili mahal na Lokque sapagkat ang kapalaran ay talagang magaganap sa takdang panahon."

Tahimik lamang ang mga opisyal na kasama ng hari gayundin sila Kandro.

Nagpatuloy ang hari: Hindi ko alam ang iksaktong kinaroroonan ng lagusan, sa pagkakaalam ko nakatago iyon sa loob ng kweba sa kaharian ng mga maliliit na nilalang o mga dwende."

"Makakaalis na tayo mahal na Lokque," paanyaya ni Erniek. "Alam ko kung saan ang lugar na iyon!"

"Mabute kung ganoon, patawad mahal na Lokque kung hindi ko maipapadala sa inyong paglalakbay ang pinakamahusay kong kawal."

"Naiintindihan ko mahal na hari. Higit siyang kailangan rito upang protektahan ang buong nasasakupan sa mga panganib na dala ng Vanque."

"Salamat kung ganun mahal na Lokque. Humayo na kayo, sana ay magtagumpay kayo sa inyong plano."

"Maraming salamat."

"Ang hukbo ng mga diwata ay nakasunod sa mga Vanque mahal na hari." Pagbabalita ni Erniek.

Matapus ang ilang pag-uusap ay nilisan na nila abg kaharian. Halos sumikit ang buong likod nila nang dahil sa tulin ang kero sa paglipad.

Agad nilang natunton ang ilog sa tulong ni Erniek, silang mga diwata ang tagapag-alaga ng buong paligid kaya nararapat lamang na kabisado nito ang buong sulok ng daigdig. Subalit napakaraming nilalang sa lugar na iyon.

"Mga Vanque!" Sigaw nila.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon