28.) Fight

94 8 0
                                    

Narito na tayo!" Seryosong wika ni Zariea.

'Tok tik tik tok tok' pinipitik ni Kandro ang bakal na bobong ng kastilyo.

Mula sa himpapawid, kitang-kita ng malaking uwak ang nasa 24-nilalang na kasalukuyang nasa bubongan. At ang napakaraming kawal na Vanque na mistulang buhangin sa gilid ng dagat habang nagliliwanag ang mga baston ng mga ito at gumagawa ng napakalaking sandata upang malipol ora-mismo ang lahat na nilalang na hindi nila kauri. Nakakahindik balahibo!!!

"Kkwwwaaaaaaaaakkkkkkk!!!" Napakalakas na tili nito na pumailanglang sa himpapawid.

"Kkkkkrrrrrrrr...." Muling tili nito at agad na naging abo matapus tamaan ng kidlat mula sa bola ng kawalan.

Luminga sa palagid si Erniek. "Sandali, nasaan na si Ginoong Elyas at si Andrew?" Nagtatakang tanong nito.

"Oo nga ano..." Himutok naman ni Kandro.

"Huwag na muna ninyong pansinin ang mga wala rito." Sumbat ni Zariea. "Ang mahalaga sa ngayon ay ang maisagawa ang unang plano. Kailangan na nating pumasok sa loob!"

"Tama si Zariea mga kasama." Pagsang-ayon naman ni Chejik habang panay ang pagbubusisi nito sa kumikidlat at kumikinang na singsing kagaya ng mga suot ng kasama. "Subalit paano ko ba gagamitin ang bagay na ito."

"Basahin mo ang aking isip Chejik." Himutok ni Zariea.

"A-ah e-eh.... Oo nga pala nuh." Natatawang turan ni Chejik dahil nawala sa isip niya ang bagay na iyon dala marahil sa labis na kaba at nerbyos at mariing ipinikit ang mga mata.

Mistulang eksina sa isang pelikula na nakabackward ang nakikita ni Chejik, napakaraming impormasyon ang pumapasok sa kanyang utak.

"Aaaaahhhhhhh....."

Nanginig ang buong katawan ni Chejik; kung anong bagay ang nararamdaman niya ay ganoon din ang pakiramdam niya sa kasalukuyan. Idinilat niya ang mga mata at biglang nagliyab ang mga ito na parang apoy at napapalibotan ng liwanag ng bolta-boltahing kuryente. Hanggang sa magliwanag ang buo niyang katawan kagaya ni Zariea. Pagkasaksi ni Erniek sa nangyari ay agad na rin niyang binasa ang utak ni Zariea at kinopya ang lahat na impormasyon mula roon at labis silang nasiyahan sa nasaksihan.

"Parang ang sigla at ang lakas-lakas ko!" Nasisiyahang pahayag ni Erniek.

Tatlo na silang nagliliyab at naglalabas ng kakaibang kapangyarihan.

Napatingala si Kandro sa tatlo, mula sa pagkaka-upo ay tumayo siya.

"Paano naman ako?" Mistulang babagsakan ng malaking bato ang expression nito.

Napatigil sa tuwa sina Chejik at Erniek.

"Problema nga iyan." Si Chejik.

"Hindi ako marunong bumasa ng isip..." Himutok ni Kandro.

"Hindi iyan ang problema Kandro..." Lumapit si Zariea kay Kandro at marahang ipinatong ang kanang kamay sa ulo ni Kandro. "Pumikit ka."

TUMINGALA ang lahat na Vanque sa itaas kasama si Kaper.

"Kompleto na!!! Ilang sandali naamang ay magwawakas na ang lahat na nilalang sa mundong ito na hindi natin kauri!!" Nangibabaw na sigaw ni Kaper.

"WALA NA ang bola ng kawalan mahal na pinuno. Humupa na ang mga pagsabog!"

"Oo Daniea." Walang emosyong sagot ni Yrniea.

"Kung ganoon maaari na ba tayong magpatuloy sa paglalakbay?"

"Ganoon nga mahal na Daniea.""Pendilom!" Sigaw na baling ni Yrniea sa napakalaking harang kasabay ng pagtaas sa mahiwaga niyang spada at nawala iyon.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon