The King's Savior. Princess save the king:
Malalaking porsyento ng hangin ang lumalabas sa lalamunan ni Pinding. Napakabilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa kaba. Nahimasmasan siya dahil sa malakas na pagsabog.
Umalis si Pinding sa upuan ng kero, tumayo siya at masinsinang pinagmamasdan ang buong paligid. Maitim ang usok na nagmumula sa nawasak na kero. Higit itong malaki sa sasakyan ni Chejik. May mga piraso pang naglalaglagan, patunay lamang na bago lamang ito bumagsak sa lupa. Hanggang sa may marinig siyang sigaw na nanggagaling sa itaas.
"Hhhhhhhaaaaaaaaaa!!!!...."
Tumingala si Pinding. Nais niyang umilag subalit huli na.
Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabagsak ng bagay na iyon, napuno ng alikabok sa kinaroroonan ni Pinding.
Tuluyang naglaho ang alikabok makalipas ang ilang minuto.
"Hhhhaaaaayyyyy...." Bumuga ng malakas na hangin si Zariea. "Salamat naman at buhay pa ako!" Masayang wika niya. Payapang nahiga siya sa lupa upang ipahinga saglit ang sarili. Hindi niya pansin ang nilalang na nasa ilalim niya.
Nakatingin sa maulap na kalangitan si Zeriea. Umiba siya ng posesyon at dumapa.
"Ay!" Napasigaw sa gulat si Zariea. May gumagalaw sa tapat ng dibdib niya! Ilang saglit lang ay nakaluhod na siya dahil may tumutulak sa kanya. At... Sa dalawang paris pa talaga niya ito nakahawak, ang dalawang kamay ng nilalang.
Kulay lupa ito dahil sa mga alikabok na dumikit sa katawan.
'Pak!' Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa mukha ng bastos na nilalang. Ngunit naramdaman niyang umangat ang paa ng nilalang kung saan siya nakapatong, tumilapon pataas si Zariea. "A-aray!" Daing niya matapus bumagsak sa lupa.
Himas-himas ang masakit na pwetan. Matapang siyabg tumayo upang bigyan ng leksyon ang nilalang na iyon.
Napatigil sa paglalakad si Zariea, nakabuka pa ang bibig niya habang pinagmamasdan ang isang lalaki. Nagpapagpag ito ng alikabok sa katawan.
Natutulala siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat itawag sa nararamdaman niya. Mataman niyang pinagmamasdan ang kabuuan ng matangkad na lalaki, higit itong mataas ng dalawa at kalahating dangkal sa kanya; napaka-amo ng mukha nito, ang mapupungay na mga mata, ang matangus na ilong at mapupulang mga labi ay nakakaakit pagmasdan.
"Macho!!!"
"Hoy babae! Bastos ang lalaking iyan!" Pagpapaalala ng kanyabg konsensya. Agad niyang naalala kung paano hawakan ng lalaking ito ang kanyang mga dibdib. Muling nagliyab ang galit niya rito.
"S-sino ka? Okay ka lang ba miss? Pag-aari mo ba ang kerong ito? Anong ginagawa mo rito?" Sunod-sunod na tanong ng lalaki, hindi niya alam kung alin doon ang unang sasagotin. Napatigil siya sa muling pag-atake.
"A-ah... E..." Wala siyang makapang sasabihin. Taika hindi ba ako kilala ng taong ito?' Singit ng kanyang isip. "S-sorry..." Hindi sinasadyang nailabas mula sa bibig.
Ngumite ang lalaki. "Ang ganda ng tayming mo ha. Bumaon lang naman ako sa lupa." Parang natatawa pa ito sa nangyari, hindi ba ito nasaktan?
"S-sorry talaga..."
Hindi umimik si Pinding. Tumingala siya sa langit. "Nasaan na kaya sina Kandro?" Tanong niya sa sarili. Kailangan niyang mahanap ang mga kasama. May mahalagang bagay pa silang gagawin. Nakalimutan niyang may babae siyang kasama sa lugar na iyon. Nag-umpisa na siyang maglakad palayo.
"Hoy sandali!" Sigaw ng babae sa likod niya, napahinto siya.
"Pinding ang pangalan ko." Matipid na sagot niya rito. Hindi siya dapat mag-aksaya ng panahon. Kailangan na niyang makita ang mga kasama. "Ipagpa-umanhin po ninyo, mabute pang umuwe na kayo sapagkat napakadilekado sa lugar na ito."
BINABASA MO ANG
The Lost King Return [Completed]
Aksi(Another Filipino Great Story) The whole planet is in great danger; all living things are about to vanish: the humans, the fairies, folklore giants (Kapre), Dwarves (dwende), tikbalang, etc. and all source of goods like foods, water, tress, grass, a...
![The Lost King Return [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/32885101-64-k129684.jpg)