Love at First Sight, the Great Inventor meet the New Great Inventor Princess:
Napapikit si Pinding dahil sa lakas ng pagsabog. Mabilis siyang lumilipad palayo sa kero na nawasak. Hindi na niya natatanaw ang mga kasama.
"Aaaahhhhhhh!!!" Ubod lakas na sigaw ni Pinding dahil sa labis na pagkagulat. May nakabundol sa kinauupuan niya, agad itong sumabog. Samantalang tumalsik naman sa malayo si Pinding.
Nagpaikot-ikot ang kinauupuan niya sa ere, ang mga bibig niya'y ay nais tangayin ng malakas na hangin dahil kusang nabubuka ang mga iyon. Nahihilo na si Pinding sa mga sandaling iyon.
Sumadsad siya sa napakatayog na puno, sumulpot siya roon; at sa isa pang puno... Patuloy siya sa paglipad hanggang sa bumunggo sa malapad na puno. Parang may mga ibong nagliliparan sa taluktok ng kanyang ulo. Nagsilaglagan ang nga berding dahon niyon samantalang nagliparan naman ang mga ibon. Dahil sa gravitational pull, nahinila si Pinding pababa, dahan-dahan siyang nalaglag; at sa bawat sanga ng punong iyon ay nakatulong upang mapahina ang pagbagsak ng katawan ni Pinding sa lupa.
Talagang nahilo siya sa nangyari, ang buong paligid niya ay parang umiikot. At dahil doon ay nakatulog siya.
SA KABILA ng mga mauunlad na kaharian sa mundong Refmun (reflikang daigdig) ay may mga grupo pa rin ng nilalang na tila napag-iwanan na ng panahon. Namumuhay sila sa pang-araw-araw sa payak na pamamaraan. Pagsasaka ang pangunahin nilang pinagkakakitaan at ikinabubuhay. Samantalang di-motor na ang sinasakyan ng ibang lahi, ito sila at sa likod pa ng Pigue (kamukha ng kabayo, anim ang paa nito) sumasakay.
Maliit lamang ang papulasyon nila. Ang mga bayan sa loob ng kaharian ay gumagamit pa rin ng mga ginto, ito ang gamit nilang salapi sa pagbibili ng mga produkto. May mga iba na din naman sa kanila na Pen ang ginagamit. Malaki ang value nito sapagkat kahit saang sulok ka pumunta ang salaping ito ang ginagamit sa pakikipagpalitan ng mga kalakal. Katumbas ng isang pen ang kalahating ektarya ng lupa. Kaya kung marami kang pen sa mundong ito ay ikaw na ang mayaman.
Ang sinaunang kastilyo ay nakatayo sa pinakamataas na lugar. Sa taluktok nito ay natatanaw ang kabuuan ng kaharian.
Masayahin ang mga nilalang sa lugar. Mayroon din silang hari na iginagalang ng lahat. May anak nag-iisa siyang anak na babae. Mataas ang pangarap ng hari rito sapagkat ito ang papalit sa kanyang trono pagdating ng araw.
"Mahal na Prinsesa?" Maalumanay na wika ng isang babae. Maayos ang pagkakatayo nito sa harap ng napakagandang dilag. Kasalukuyan itong inaayusan ng limang alalay. "Magsisimula na po ang exhibit." Magalang na wika nito.
Ngumite ang prinsesa, "Susunod na ako Janaids, pakisabi sa amang hari na pababa na ako."
"Makakaasa po kayo mahal na prinsesa." Tumalikod ba ito at dahan-dahang isinara ang malapad na dahon ng silid.
"AKO AY LABIS NA NAGAGALAK", pambubukas na talumpati ng hari. "Nagkakatipon-tipon tayo ngayon para tunghayan ang makabagong imbensyon ng ating kaharian. Masaya ako dahil marami ang nakilahok upang ipamalas ang kanilang mga talento sa paglikha ng mga makabagong technolohiya na magagamit natin sa ikauunlad ng ating lahi." Huminto sa pagsasalita ang hari, nakangite ito habang nililibot ang paningin sa mga tao. Punong-puno ang malaking estudyo, nasa limang-libo ang kasya roon at ang lahat ay nagpapalakpakan sa galak.
Nakahilira ang iba't ibang teknolohiya sa mataas na parte ng eatudyo, kitang-kita ng lahat ang mga iyon.
"Hindi ko na papahabain pa ang aking sasabihin sapagkat nanggigigil na rin akong makita kung anu-anong klaseng imbensyon ang nasa aking harapan." Tunikhim ang hari. "Mahal na kawal, tawagin na ang mga imbentor."
BINABASA MO ANG
The Lost King Return [Completed]
Ação(Another Filipino Great Story) The whole planet is in great danger; all living things are about to vanish: the humans, the fairies, folklore giants (Kapre), Dwarves (dwende), tikbalang, etc. and all source of goods like foods, water, tress, grass, a...