18.) The Immortal Army

138 8 0
                                    

Pababa ang isang nilalang gamit ang nagliliwanag na elevator; napakadilim ng paligid nito pababa sa ilalim ng lupa. Sumingaw ang maputing usok sa gitnang bahagi ng pinto, nagbukas na iyon.

Agad na yumuko ang dalawang kawal sa may gilid ng pinto bilng pagbibigay pugay sa pagdating ng Prinsesa.

"Kanina pa kayo hinihintay ng dakilang Prowes sa laboratoryo mahal na Prinsesa Kaire." Bungad ng isa pang kawal. Nakayuko rin ito habang hawak sa kanang kamay ang helmet nito pandigma.

"Mabute." Taas noong turan ni Kaire. "Makakaalis ka na. Baka ikaw pa ang unang papatayin ng aking likha, iligtas mo na ang iyong buhay mahal kong kawal."

"Salamat sa payo." Iyon lang at tumalikod na ang kawal.

Unti-unting lumutang sa ere si Kaire, may pinindot ito sa kaliwang braso. Biglang nagliwanag iyon at sa isang iglap ay nawala siya sa kinatatayuan.

"Kanina mo pa raw ako hinihinatay."

Mistulang nakakita ng multo ang matandang lalaki dahil sa biglaang paglitaw ni Kaire. Halos puti nang lahat ang buhok at balbas nito, nakasuot ito ng kulay puting uniform.

Sapo ang kaliwang dibdib. "K-kayo pala mahal na prinsesa."

"Kumusta ang ating Project Vanquenoid dakilang Prowes?"

"Sumunod kayo sa akin."

Nagsimulang maglakad ang Prowes habang si Kaire ay nakalutang sa ere, sinusundan niya ang matandang imbentor. Maraming robot sa gilid ng dinadaanan nila samantalang sa itaas makikita ang mga likhang may pakpak. Mistulang mga paniki ang mga iyon na may matutulis na pangil. Ang lahat ng mga iyon ay likha ng matandang henyo, ang dakila niyang guro.

Huminto sila sa tapat ng isang salaming tube, nasa limang metro ang taas niyon at nasa isang metro ang diameter; punong-puno ito ng kung ano-anong chemical sa loob. Napanganga si Kaire nang masilayan ang kabuoan ng isang nilalang sa loob niyon. Binubuo ng iba't ibang klase ng metal ang panlabas na anyo niyon na nakakabitan ng napakaraming tubo. Parang humihinga ito dahil bumubulwak ang tubig at may tumataas na mga bula.

"Siya si Vanquenoid A556 mahal na prinsesa. Siya ang magsisilbi mong kalasag."

"Kalasag?"

"Oo mahal na prinsesa, kayo ang kokontrol sa makapangyarihang bagay na iyan. Makakalipad ka ng matulin milyong ulet sa ginagamit mong telephoto."

Ang telephotong ginagamit n Kaire ay lubha na ngang mabilis paano pa kaya kung milyong ulet pa iyon.

"Talaga?"

"Subukan n'yo mamaya mahal na prinsesa. Tiyak magugustohan mo ang kapangyarihan nito. Utak ang nagpapagalaw sa kanya."

"Kung ganoon dakila kong guro. Maaari ko na bang isuot ang bagay na iyan?"

"Mamaya, mahal na prinsesa sapagkat nais ko munang makita ninyo ang isang batalyon na magsisilbi mong kawal."

Napatango-tango si Kaire. Nilampasan nila ang Vanquenoid. Narating nila ang dulo ng silid na iyon. Kusang nagbukas ang malaking pinto. Nakakalula ang na-a-aninag ng mga mata ni Kaire.

Napakaluwang ng silid na iyon, ang sukat nito ay maihahambing sa limampong football field na pinagsama-sama. Maraming naglalakad na nilalang roon, samantalang ang iba ay nagbabarilan: nag-iinsayo ang mga ito. May mga hugis tigre na may maliit na tila kanyon sa likod, at mga dambuhalang Vanque na papalit-palit ng anyo; nagiging kero o eroplano ang mga ito. Sasakyan na apat ang gulong at nagiging motor na lumulutang sa ere. Samantalang sa itaas ay may mga nagliliparang paniki may mga munting kanyon din ang mga ito sa likod.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon