27.) The Dark Ball of Revenge: The Massive Ball of Darkness...
Itinaas ni Karep ang kanang kamay hawak ang pinakamakapangyarihang baston na likha ng isang bata, si Lokque. Kaya nitong wasakin ang buong daigdig kung gugustohin ng may hawak nito at lalong pinalakas dahil sa innovation ng sandata sa pamamagitan ng Prowes, ang pinakamatalinong guro sa kasaysayan ng Refmun. Nasa harapan nito ang Milyon-milyong mga kawal na Vanque at mga robot.
"Ito na ang takdang panahon! Tayong mga alipin noong dakong una ang siyang maghahari sa buong mundo!"
"Vvaaaaaahhhhhhhoooooo!!!! Vvvaaaaaaaahhhhhhjoooooo!!!!" Sabay-sabay na sigaw ng Limang daang Milyon na bilang ng mga sundalo. Nakakatulig ang ingay na iyon.
"Itaas ninyo ang inyong baston hudyat patungo sa inaasam nating mundo!!!"
"Yyyyaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!"
Mula sa himpapawid, kitang-kita ng malaking uwak na lumilipad kasama ang mga alapaap ang kasalukuyang nagaganap sa ibaba. Nagliliwanag ang mga bastong hawak ng mga sundalo. Mistula itong siyudad na napakalaki at napakalawak dahil sa mga ilaw na nalilikha niyon.
Pumaitaas ang napakaraming liwanag hanggang sa dulo niyon ay may namumuong kulay itim na kumakain ng liwanag, hugis bilog ito at may pangilanngilang kisap ng kuryente.
Napatingala ang lahat na nilalang sa kalahating mukha ng mundo.
Napahinto ang mga heganteng diwata sa paglalakad; ang mga tao mula sa Kaperna ay lulan naman sa kanilang Kero pandigma, magkakasunod na napahinto ang mga ito dahil sa namumuong sama ng panahon.
Samantalang ang mga maliliit na hukbo ay parang gusto nang umattras sa gera dahil sa takot.
"Huwag kayong matakot mga kasama!" Ubod lakas na sigaw ng isang pinuno.
"Mas mainam ang mamatay na lumalaban! Kaysa hintayin ang ating kamatayan sa mga hangal na alipin!!!"
"Hanggang sa kamatayan!!!"
At ang mga Drein, Pulkz, Piliea, Niean ay mistulang mga ulap sa bilis. Hindi nila alintana ang kasalukuyang nagaganap. Kumaripas naman ng takbo ang Navied O tikbalang. Ang mga Berique na iisa ang mata ay nagpatuloy na din sa pagtakbo samantalang ang mga Zakquei na apat ang kamay ay patuloy sa pagsagwan upang matawid ang napakalawak na ilog.
"BOLA NG KAWALAN!" Malakas na sigaw ni Kaper kasabay niyon ang pagliwanag ng kanyang baston. Kakaiba ang inilalabas na liwanag niyon, kulay itim ito na mistulang dinadaanan ng milyon-milyong boltahi ng kuryente habang ang baston ng mga kawal ay kulay pula na parang dugo ng tao.
Napatingala sa kalangitan si Zariea maging si Lokque at mga kasamahan nito. At sa lahat na nilalang sa buong mundo.
"Mahal na Lokque!" Tawag ni Zariea, "Nakakatakot ang bagay na iyan!"
"Tama ka Zariea! Oras na bumaba iyan sa lupa tiyak katapusan na nating lahat!" Sagot ni Erniek, bakas sa mulha nito ang labis ng pangamba.
"Black hole..." -Andrew.
Napatingin si Elyas sa kinaroroonan ni Lokque hanggang sa matuon lahat ang atensyon ng mga ito sa huli.
"Walang ganyan ang likha kong baston!" Nagtatakang puna ni Lokque.
"Marami na nga ang nagbago mahal na Lokque" -Elyas. "Simula nang maglakbay ka sa mundo ng mga tao."
Saglit na nag-isip si Lokque. "Mapanganib ang mga kalaban. Hindi na ako nakakasiguro ngayon na ako nga ang pinakamalakas na nilalang sa mundong ito."
BINABASA MO ANG
The Lost King Return [Completed]
Aksi(Another Filipino Great Story) The whole planet is in great danger; all living things are about to vanish: the humans, the fairies, folklore giants (Kapre), Dwarves (dwende), tikbalang, etc. and all source of goods like foods, water, tress, grass, a...
![The Lost King Return [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/32885101-64-k129684.jpg)