17.) New Hope

111 8 0
                                    

"Paano mo nagawa iyon Zariea?" Namamanghang tanong ni Kandro.

Nagliliwanag pa rin ang singsing ni Zariea. Lumapit si Erniek at binusisi iyon.

"Mahal na Lokque tignan n'yo ito." Walang lingong wika sa kasama. "Kahawig ito ng inyong kwentas!"

Nagkatinginan silang lahat.

"Saan mo nakuha ang bagay na ito Zariea?"

"A-ah e... Imbento ko."

"Mga kasama!" Bulalas ni Chejik. "Mamaya na iyan, kailangan muna nating umalis sa lugar na ito."

"Paano ang lagusan?" Si Kandro.

"Sarado ang lagusan patungo sa Munpre Kandro. Katulad sa nangyari sa atin kanina at maaaring masmatindi pa roon ang sasapitin natin sa ikalawang pagkakataon."

Nahintakutan sa narinig si Kandro.

"Tama si Chejik. Nakarating na ako sa Munpre," wika ni Erniek. "At noong dumaan kami sa natatanging lagusan ay kami pa ang kusang hinigop niyon."

Samantalang nagkakatitigan pa rin sina Pinding at Zariea. Hinawakan ng una ang kanang kamay ng huli.

Seryoso ang maamong mukha ni Pinding habang pinagmamasdan ang nagliliwanag na singsing sa dalire ng kasama.

"M-magkahawig nga sila Zariea!"

Nagkaroon ng mahinang pagsabog. Napalingon sila Pinding at Zariea sa pinanggalingan niyon.

"Mahal na Lokque!" Tawag ni Erniek, "Hindi natin alam kung ano ang pinaplano ng mga kalaban, nakakseguro kung umalis na tayo ngayon din."

Tumalima sina Pinding, ilang sandali pa ay nasa himpapawid na sila. Ang mala-harden na kaharian ng mga Ernaque noong dumating sila ay halos sirang-sira na. Ang mga nagtataasang puno, mga hayop na payapang kumakain ng mga damo at mga luntiang mga halaman ay naglaho na. Maiitim na usok ang tanging nakikita roon.

"K-kasalanan ko ang lahat ng 'to." Madamdaming pagbabasag ng katahimikan ni Pinding. "Kung hindi sana ako naging mahina..."

"M-mahal na Lokque...." Si Erniek iyon. "Mas malala pa ang mga nakaambang panganib sa buong Refmun. Hindi pa huli ang lahat. Kailangan nating magpakatatag alang-alang sa ikatatahimik ng planetang ito."

"Tama siya Pinding... K-kahit w-wala na si Bhiog." Nahihirapang pahayag ni Chejik, umiiyak na ito. "Makakaya natin silang pabagsakin! Ang sakripesyo ng aking kapated ay hindi dapat masayang... A-t dapat maging palaban tayo."

"Pare... Kilalang-kilala na kita, sampong taon na tayong magka-ibigan. Ikaw ang tipo ng lalaking hindi agad sumusuko kahit pa nahihirapan ka na sa ginagawa mo... Naalala mo pa ba noon? Sabi mo sa akin: Pare! Bakit ba tayo ang tumatakbo? Harapin natin sila! Dapat tayo ang humabol sa kanila, upang maramdaman nila kung gaano tayo kabagsik!"

Napaangat ng ulo ang luhaang si Pinding. Napatingin siya kay Kandro. "S-sinabi ko ba iyon pare?"

Tumayo mula sa kinauupuan si Kandro. "Tandang-tanda ko pa Pinding!" Lumapit ito sa kaibigan at iniunat ang kanang kamay sa harapan ni Pinding.

Nagkatinginan naman sina Erniek at Chejik samantalang si Zariea ay naiiyak na rin dahil sa nasasaksihan. "Kalalaki n'yong tao, mga iyakin."

"Ipatong mo ang kamay mo sa kamay ko Pinding tanda ng pagsang-ayon mo. Tayo ang hahabol sa mga kalaban! Hanggang sa kamatayan." Seryosong wika nito.

Tumayo na rin si Erniek. "Sang-ayon ako sa plano ni Kandro mahal na Lokque. Kailan man hindi masamang tumakbo subalit mas mainam kung tayo ang tutugis sa mga kalaban. Pababagsakin natin isa-isa ang kanilang mga hukbo!" Bumaling ito kay Kandro. "Tama ba kaibigang Kandro?"

Tumango si Kandro.

Ipinatong na rin ni Erniek ang kanang kamay sa dalawa. "Parang laro lamang namin noong aming kabataan."

"Mukhang mapapasama na ako sa gerang ito!" Natatawang wika ni Zariea, mistula kasing mga bata ang mga kasama dahil nag-iiyakan pa. Tumayo si Zariea at ipinatong na rin ang kanang kamay. "Dahil mahilig ako sa habolan. Pwes humanda ang mga Vanque'ng iyan! Manginginig sila sa takot lalo pa at napakabilis kong tumakbo." Pagbibiro nito.

"S-salamat Zariea..." Mahinang wika ni Pinding sa katabi, halos magkadikit ang katawan nila.

"Oh!" Bulalas ni Kandro. "Kaibigang Chejik..." Tawag niya sa kasama dahil ito na lamang ang kulang sa kanilang grupo.

Tahimik.

"Chejik..." Muling tawag ni Kandro. Subalit wala pa rin itong kibo.

"Chejik!" Ubod lakas na tawag ni Kandro dahil parang hindi siya naririnig.

"Ano ba!? Gusto mo bang masira ang plano at mamatay na tayong lahat!" Maang na sagot ni Chejik. "Kita mong nagmamaneho ang tao." Dugtong nito.

"Ngeee!" Pasigaw na tili ni Kandro. "Oo nga pala." Natatawang wika pa nito.

Nagkatinginan silang apat. Hindi pa rin nila inaalis ang kanilang mga kamay sa isa't isa. "H-hanggang...." Hindi naituloy na wika nila dahil nagsalita bigla si Chejik.

"Auto Pilot activate." Seryoso itong tumayo. Natahimik naman ang apat.

"Oh bakit nakanganga kayo d'yan? Nakatayo na ako!" Mayabang ang tono nito. "Ngumite naman kayo, parang namatayan kayo... Si Bhiog kailan man ay hindi mamamatay. Dahil buhay-na-buhay siya dito." Itinuro nito ang kanyang dibdib. "At ito ang ikaliligaya ng aking kapated!" Mabilis na ipinatong ni Chejik ang kanang kamay sa ibabaw ng lima.

Nagkatitigan sila.

"Hanggang kamatayan!"

At ang sinasakyan nilang kero ay mabilis na bumulosok palayo.

"MAGALING AMO!" Bulalas ni Andrew. "Ngayon subukan n'yo namang lusotan ang ilalim ng tulay na iyon."

"Haha. Sisiw lang iyan Andrew." Muling hinawakan ni Elyas ang manubela. Seryoso ang mukha nito; mabilis na lumipad ang ekarpe at lumusot sa ilalim ng napakababang tulay na tamang-tama lamang sa taas ng sasakyan. "Yyyyeeeeeeaaaaaaahhhhhhh!!!" Masayang sigaw ni Elyas dahil nakaya niya. Mabilis niyang natutunan ang bagay na iyon sa tulong ng kanyang robot na si Andrew dahil ito ang tumatayo niyang instructor.

"Magaling amo."

Magtatatlong oras pa lamang nila sa Refmun, sa pagkakataong iyon ay bihasa nang muli sa pagmamaneho si Elyas. Pilot na ang skills nito sa pagmamaneho. At dahil hindi naman talaga siya magaling sa martial arts ay dito na lamang niya itinuon ang atensyon.

"Amo, masma-inam kung mag-iinsayo din kayong kontrolen ang sarili sa lupa."

Napakunot ng noo si Elyas. "Susubukan ko Andrew."

"Mabute kung ganoon amo. Ako ang magtuturo sa inyao. Nasa memory ko ang lahat na taktika sa larangan ng pakikidigma gamit ang mga kamay at paa."

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon