6.) The Downfall

159 10 0
                                    

The Downfall, the greatest agony:

Binuhay ni Chejik ang makina. Umilaw ang buntot nito at nagumpisang umikot ang kulay asul na turbo. Ilang sandali pa ay lumipad na sila.

Napakabilis nila. Kitang-kita nila Pinding ang mga pangyayari sa ibaba.

"Napakaraming Vanque!" Sigaw ni Bhiog.

Nasa isang batalyon ang mga nilalang sa ibaba. Kalat-kalat ang mga pagsabog. Mistulang mga tuta ang mga Vanque dahil sa liit. Ang ibang mga diwata ay naging heganteng muli at marahas na pinagsisipa ang mga Vanque. Upang itaboy sa lugar na iyon.

Subalit mabagsik ang mga Vanque. Pinapatamaan nila ng baston ang mga higante. Walang magawa abg mga diwata kunde ang umilag at gamitan ng mahika ang mga ito. Biglang naglaho ang nasa limang diwata matapus tamaan ng liwanag na nagnumula sa baston.

Napapikit si Pinding. Ang mapayapang Lugar ng mga Diwata ay nagkakagulo ng dahil sa kanya.

"Huwag mong sisihin ang inyong sarili mahal na Lokque." Wika ni Erniek, sapagkat katulad nila Chejik ay may kakayahan din itong magbasa ng utak. "Nagpapatunay lamang na handang magbuwis ng sariling buhay ang aming lipi alang-alang sa inyo..."

"Iyan ang ikinatatakot ko Erniek... kung kasing lakas ko lamang ang dating Lokque. Hindi na sana umabot pa sa ganito..." Malungkot na wika ni Pinding.

"Humanda kayo!" Sigaw ni Chejik. "May humahabol sa atin!"" Bhiog, Kandro, Pinding at Erniek, isuot nyo ang headphone na nasa upuan ninyo."

Walang nagtanong sa sinabi ni Chejik, mabilis na tumugon ang apat.

"Bhiog, emonitor mo ang galaw ng mga kalaban!"

"Roger that Captain!"

"Kandro, nasa artery left wing ka. Ang sino mang kero na nakasentro sa lente mo ay paputukan mo. Isipin mo lang at banggitin ang 'open fire'.

"Copy that Captain!"

"Erniek nasa right wing ka! Mahal na Lokque, kayo na ang bahala sa likod!"

Parang mga ibon na naghahabulan sa himpapawid ang mga sasakyang pandigma ng mga Vanque at kero nila Chejik.

Pinapaputokan na sila ng mga Vanque. Malikot ang kero ni Chejik kaya nahihirapan silang mapatamaan.

"Ako na ang bahala sa unahan at sa ibaba." Wika ni Chejik.

"Open fire!" Malakas na wika ni Kandro, may kero kasibg tumapat sa posisyon niya. Bumulusok pababa ang kero ng kalaban. "Wwwwoooooo!" Nasisiyahang sigaw nito. "Parang computer games lang!"

Lumanding bigla ang kero ni Chejik dahil may sumasalubong sa kanila sabay "open fire!" Dumaan sila sa ibabaw ng mga bundok. Lumusot sa pagitan ng mga naglalakihang mga puno. Nakabuntot pa rin sa kanila ang nasa sampong kero.

"Mahal na Lokque! Ngayon na!" Utos ni Chejik.

"Open fire!" Laglag agad ang dalawang kero at bumagsak sa lupa.

Biglang itinaas ni Chejik ang kero at nagpatihulog sa tapat ng mga kalaban. Sunod-sunod ang napakaraming bala. Agad na naubos ang mga humahabol sa kanila.

"Wwooooo....!!!!" Halos magkakasabay na sigaw nila.

Malayong-malayo na sila sa Lumika, patuloy pa rin sila sa paglalakbay upang maseguro na wala na ngang makakahabol pa sa kanila.

"Dito na muna tayo pansamantala." Pukaw ni Chejik sa mga kasama. "Katulad ng Lumika, tahimik din ang lugar na ito at lubhang mababait abg mga nilalang."

"Wow..." Namamanghang wika ni Kandro. "Napakaganda nga rito Chejik!"

Luntian ang mga halaman, berding-berde ang mga damong tumutubo sa lupa, ang daosdos ng tubig sa maliliit na talon, ang mga hayop na payapang kumakain ng mga dahon, at mga ibon sa himpapawid ay senyalis na tahimik nga ang lugar na ito.

Nakatanaw silang lahat sa salaming bintana ng kero.

Ilang sandali pa ay bumaba na sila.

Nilanghap nila ang sariwang hangin.

The Lost King Return [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon