"Mabuhay ang mahal na Lokque!!!" Sigawan ng mga kawal.
"Mga mahal kong kawal. Hindi pa ito ang tamang oras para magdiwang!" Bulayaw ni Lokque sapagkat patuloy pa rin ang kalatkalat na pagsabog. Lalong lumakas ang paggalaw ng lupa sa unti-unting paglapit ng 'bola ng kawalan' sa lupa.
Tumingin si Lokque sa kinaroroonan ni Karep. Bakas sa mukha ni Karep ang labis na pagkabigo dahil naluluha ito.
"Move." Utos ni Lokque sa kwentas at muling gumalaw si Karep.
"Malaki ang tiwala ko sa iyo mahal na Karep."
Napangisi si Karep. "Haaaaayyyyyaaaaaaaahhhhhh!!!" Nagliwanag ang dulo ng baston. Nakatutok iyon kay Lokque.
"Reflect." Maagap na sigaw ni Lokque at bumalik ang liwanag kay Karep. "Deactivate." Dugtong niya at muling naging estatwa si Karep.
"A-ama!!!" Malakas na sigaw ni Kaire. Habang ang kanyang ama ay unti-unti nang tinatangay ng hangin ang mga parte niyon dahil naging abo.
Mabilis na nakalapit ito sa ama at umiiyak na niyakap niya ito. "Ammmmaaaaaaaaaaaa!!!!"
Tumayo si Kaire at nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Lokque.
"I-ikaw!" Sa isang iglap ay nasa harapan na siya ni Lokque.
"Ahhh..." Napabuka ang bunganga ni Kaire. Nabuwal ito at tumambad sa harapan ni Lokque ang napakagandang si Zariea. At nangisayngisay sa sahig si Kaire. Naglalabas ng kisap ng kuryente ang katawan nito dahil sa idinikit na adaptor sa likuran.
"Shield!" Magkasabay na wika nila Lokque at Zariea.
'Booooooommmmmmmmm!'
Kasabay ng pagsabog na iyon ang dagundon ng mga tunog ng kidlat sa himpapawid.
"Mahal na Prowes. Ang baston!" Sigaw ni Lokque kay Deque.
"Ako na ang bahala!"
Pinulot ni Deque ang makapangyarihang baston, nagliwanag ang buong katawan ni Deque tanda na may karapatan siya sa kapangyarihan nito.
"Sauliurong!" Malakas na utos ni Deque.
"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!" Daing na dugtong ni Deque. "Kailangan ko ng tulong!"
"Shield reflect!!!" Halos magkasabay na sigaw nila Zariea at Lokque. Lumabas roon ang napakalaking harang upang mapigilan sa paghalik sa lupa ang maitim na bola ng kawalan.
"Harang ng mawalan!!!" Ubod lakas na sigaw naman ni Yrniea. At pumilit na rin ang lahat ng diwata. Gumalaw ang mga ugat ng puno paakyat sa himpapawid upang pigilan ang 'bola ng kawalan' sa pagbagsak. Maging ang mga gianoid, hayonoid, humanoid, vanquenoid, binoid at transnoid ay tumulong na rin matapus mawasak ang Vanquenoid A556 sapagkat para sa kapayapaan naman talaga ang papel nila.
Samantalang tahimik lamang ang mga kawal. Sina Elyas, Chejik at Erniek ay nakatutok na rin ang kwentas ng bawat isa upang pigilan ang napakalakas na enerhiya.
"Mga kasama!" Sigaw ng pinakapinunong kawal. "Panahon na para tumulong!"
Nagkatinginan ang kulangkulang na kalahating bilyon ng mga kawal.
"Hhhhhhhhhhhhaaaaaaaaaa!!!!!!" Namayani ang sigaw nila sa tindi at lakas ng mga pagsabog na nagmumula sa itim na bola.
"Para sa kapayapaan!!!"
At ang napakaraming liwanag ay pumaitaas.
Nababakas sa mukha ng lahat ang tagumpay.
Unti-unti nang umaangat ang bola ng kawalan sa kalawakan hanggang sa tuluyan itong lumayo at sumabog. Dahil sa dami ng harang ay hindi na umabot sa lupa ang impact ng pagsabog.
BINABASA MO ANG
The Lost King Return [Completed]
Aksi(Another Filipino Great Story) The whole planet is in great danger; all living things are about to vanish: the humans, the fairies, folklore giants (Kapre), Dwarves (dwende), tikbalang, etc. and all source of goods like foods, water, tress, grass, a...
![The Lost King Return [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/32885101-64-k129684.jpg)